Chapter 1- ANG PAGTUPAD NG MISYON

914 17 5
                                    


Genre: Spiritual

===★

Umaga.

  Maganda ang sikat ng araw, mahinhin ang hihip ng hangin.

  Mahinang umaalon ang tubig sa dalampasigan, masarap pakinggan ang pag-alon ng dagat.

.
.
.
.

===★

  Sa isang parte ng dalampasigan, nakadapa si Jes at tulog na tulog.

   Mahinang lumalapit sa dalawang paa nya ang malamig na alon ng dagat na tila hinahagkan sya.

Mahangin ang paligid.

Tahimik.

  Humahawi sa kanyang buhok ang hangin at dumadampi sa mukha nya.

--

  Ilang sandali pa rin syang natulog at parang ayaw na nyang gumising sa sobrang himbing.

Pero mayamaya lang...

  ay may naririnig syang isang tinig.

.
.
.

Tinig: Jes... Jes...

(makapangyarihan)

  Wari'y gumagaan ang loob ni Jes, napangiti sya kahit nakapikit.

  Pero unti-unti ng bumabalik ang diwa nya.

Tinig: JES ...

(gusto pa sana nyang matulog)

  Pero dahan-dahan ng mumulat ang mga mata nya...

Malabo.

Medyo malabo ang paligid.

Mumulat pa sya ng maigi...

  -- at saka unti-unting luminaw nang nakamulat na sya ng mabuti.

Nakadapa pa rin sya na tumingin sa paligid,

Jes: Nasaan ako? (mahinang sabi)

  Dahan-dahan syang tumayo na parang kay bigat ng katawan nya,

inaantok pa sya at humikab.

Jes: 'Sayang naman ang tulog ko ang sarap... mahimbing.. Sana di na lang ako nagising...'

--

Pero namangha sya sa paligid, at nagtaka.

Jes: Anong lugar ito?

--humakbang pa sya ng kaunti.

  Nasa dalampasigan sya na dilaw na dilaw ang buhangin, nagniningning ang dagat.

Walang ibang tao don kundi sya.

Jes: Wow!!

(nagtataka parin sya)

Jes: 'Nasaan na kaya ako? Hindi pamilyar ang lugar na 'to. Nakakatakot! Naliligaw na naman ako!'

A.Gabriel: Jes...

--narinig nya ulit ang tinig na yon, napalingon sya.

.
.
.
.

Jes: Anghel Gabriel... patawarin mo 'ko...

  (agad lumuhod si Jes nang makalapit ito sa kanya)

A.Gabriel: Wag kang lumuhod sa 'kin, at wag ka ring humingi ng tawad sa akin, kundi sa Kanya…

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon