Mang Hebron at Jotbata

281 7 0
                                    

===★

  Naglalakad ang mga babaeng bayaran na nanlulumo at nalilito.

Babae1: Totoo kaya ang pahayag ng binatang iyon?

  At sa paglalakad nila, ay nasalubong nila sina Tamar at Samaria na ngumiti sa kanila.

Tamar: O, tila nabagsakan kayo ng langit at lupa. Ano ang nangyari? Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?

--malungkot na sumagot ang isa,

Babae2: Kinakabahan kami at natatakot sa pahayag at sulat na ito ng isang binatang lingkod ni Yahweh..

(nagulat sila)

Babae3: Marahil tunay ang kanyang mga sinabi, at maari pa tayong magbago! Magbalik tayo sa Diyos, tayong makasalanan, may pag-asa pa tayo at tatanggapin Nya tayo sa ating pagsisisi.

(naguguluhan sina Samaria)

Samaria: Sino ang binata na inyong tinutukoy??

Tamar: Hindi kaya si Jes ang tinutukoy nila?

Samaria: Si Jes..??

(kinabahan si Samaria)

Tamar: Oo. Sya ang lalaking lumapit sa akin at inaaya akong makinig ng Salita ng Diyos!

Mga babae: Kilala nyo sya???

-takang tanong ng mga babae.

.
.
.
.

====★

  Samantala, si Jes ay nakaupo at hinihintay magising si Mang Hebron.

Jes: 'Lahat naman tayo ay makasalanan... subalit, wag na nating dagdagan pa ang ating pagkakasala.'

---

  Nagising si Mang Hebron at natakot kay Jes.

Hebron: Sino ka…?? Wag mo akong sasaktan! Wag po!!! (nagtakblob ng mukha)

Jes: Hindi ko po kayo sasaktan... isa po akong kaibigan. Nandito ako upang mangaral sa inyo.

Hebron: Ano'ng ibig mong sabihin? (tumingin kay Jes)

--

  Kinuha ni Jes ang sulat at ibinigay kay Mang Hebron.

Jes: Makakatulong po yan sa inyo, basahin nyo ang nais kong sabihin upang bawasan ang inyong pagkakasala at upang maligtas kayo sa kapahamakan.

Hebron: Ano ka ba? Wala ako sa panganib! Walang magliligtas sa akin!

Jes: Malapit ng magunaw ang lungsod nyo... (seryosong sabi)

(natakot si Mang Hebron)

Jes: Basta hihintayin ko po kayong lumapit sa 'kin.

-- tumayo na si Jes at nagsimula na syang maglakad muli.

.
.
.

===★

  Nagpunta ulit sya sa mga bahay-bahay, inaabot nga ang mga sulat.

  Hindi pa rin sya sumusuko kahit anong mangyari.

Buo na ang desisyon nya..

--

  At may lumapit sa kanyang isang binata na halatang mayaman, hawak nito ang sulat...

Jotbata: Ano'ng kasinungalingan at kahibangan ito? Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na ipahayag ito?

(mahinahong sumagot si Jes)

Jes: Si Yahweh.

Jotbata: Si Yahweh? Naniniwala ka sa Kanya? na kahit kailan ay hindi nagpakita?

Jes: Ngunit nararamdaman ko Sya, nakakasama at nakakausap. Sya ang tunay na Diyos. Mapalad ang mga taong naniniwala kahit hindi Sya nakikita.

--

  "Walang nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo'y mag-iibigan, nasa atin Sya at nagiging ganap sa atin ang Kanyang pag-ibig." (1 Juan 4:12)

....

Jes: Si Yahweh lang ang tunay na nagmamahal sa atin ng lubos.

Jotbata: Lapastangan ka!!! (pinagbuhatan nya ng kamay si Jes)

.
.
.

Jotbata: (ngumisi) Pagmasdan mo ako, napaka-yaman ko! Maligaya ako sa mga ginawa ko at tagumpay ako sa buhay kahit wala ang Diyos na sinasabi mo!

Jes: Hindi totoo yan! Nagkakamali ka!

Jotbata: Hindi ako nagkakamali! Akong si Jotbata... ang nagsikap para sa sarili ko! Nagawa ko ang lahat ng bagay! Masaya kami ng pamilya ko, maunlad kami dahil kay Baal at hindi sa sinasabi mong Diyos na matagal ng patay!

(hindi iyon nagustuhan ni Jes)

Jes: Bawiin mo ang iyong sinabi! Dahil buhay Sya! At Sya ang nakapangyayari sa lahat. Lahat ng kasaganahang natamo mo, ay galing sa Kanya! Utang mo sa Kanya ang iyong buhay, Siya ang dahilan kung bakit ka nabubuhay!

(ngunit tumawa lang si Jotbata)

Jotbata: Hibang ka ba!? S'ya ba ang tumutulong sa akin? Bakit, S'ya ba ang nagpakahirap at umisip ng paraan para yumaman ako?? .. Sya ba ang nagtiis? Para sabihin ko sayo, wala akong utang na loob sa Kanya! Lahat ng akin ay dahil sa aking sariling pagsisikap!

--
seryosong nagsalita si Jes..

Jes: Hindi kita pipilitin na maniwala, subalit ipapanalangin kita na ikaw mismo ang makaalam at makaramdam na kailangan mo Sya... na hindi mo ito kayang mag-isa.

(tumitig lang si Jotbata)

Jes: Kahit mayaman ka, kung wala naman si Jesus sa buhay mo... balewala ang lahat ng iyong pagsisikap. Isa kang dukha at kaawa-awa!

(kinabahan si Jotbata)

-- at umalis na si Jes.

  Namigay pa rin sya ng mga sulat na halos paubos na.

.
.
.

====★

author's note :

  Ano pa'ng mga pagsubok ang haharapin ni Jes??

Magtagumpay kaya sya?

Keep on reading... ♥

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon