Makipot na Pintuan

298 9 0
                                    

===★

Pagkatapos ng nangyari...

  nasa tahimik na lugar na si Jes.

  Hindi nya alam kung nasaan sya, madilim na madilim... wala syang makita.

  Kinuskos nya ang mga mata, at natanaw nya sa malayo ang nag-iisang liwanag sa lugar na iyon.

Tinitigan pa nya iyong mabuti...

  --at nakita nyang isa itong MAKIPOT na PINTUAN.

.
.
.

  Dahan-dahan syang lumapit sa pinto, hinaplos nya ito.

Bubuksan ba nya o hindi?

  Dahan-dahan na nyang binubuksan, at tumambad sa kanya ang nakasisislaw na liwanag!

  Napatakip sya ng mata sa sobrang liwanag.

~~

  Pero nagpasya pa rin syang pumasok sa loob... lumakad pa sya ng kaunti.

  Medyo nasisilam pa sya pero sa paglalakad nya ay nakakita na rin sya ng ayos.

--

  Humanga sya sa mga nakita,
mga ulap... mga bulaklak...

mabangong usok...

masarap na hangin...

at ang masarap sa pakiramdam.

  Ngumiti sya habang naglalakad, ang saya at gaan ng pakiramdam nya!

Kakaibang kasiyahan.

.
.
.

Jes: 'Wow..!! Nasa langit na nga ba ako? Ang saya naman! Hindi na ako natatakot mamatay ngayon..!!
  Kung ganito ba naman ang sasalubong sa 'kin pagkamatay ko, hindi ako matatakot. Masarap palang mamatay!

(napangiti sya)

Jes: 'Nagtataka ako kung bakit maraming taong takot mamatay? .. Kung iisipin lang nila na si Jesus ang sasalubong sa kanila... mga anghel... at ganito kasarap na lugar ang pupuntahan nila-- hindi takot, kundi pagkasabik ang kanilang mararamdaman!' :)

****

  Ngiting ngiti pa sya, patuloy sa paglalakad...

  --at sa paglalakad nya ay may narinig syang isang tinig,

.
.
.

A.Gabriel: Hindi ka matatakot mamatay kung sigurado ka na sa iyong pupuntahan.

(napalingon si Jes sa nagsalita)

Jes: Anghel Gabriel..?

(napangiti sya, kumislap ang mga mata nya sa tuwa)

A.Gabriel: Jes...

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon