Mga makikilala 2

388 10 0
                                    

===★

Si SAMARIA...

  Napatigil sa paglalakad si Jes nang makita ang isang napaka gandang tore.

  Magaganda ang nasa palibot nito at matibay ang pagkakayari sa pader.

Jes: 'Mukhang mayaman ang nakatira dyan...'

--

  Pinagmasdan nyang mabui ang harapan ng magandang tahanan, sobra syang humanga.

   Mayamaya'y lumabas ang isang magandang babae, naka-make up, puro kolorete din sa katawan...

  ngunit-- kakaiba ang suot nito, mahaba na may pang-aakit ang balabal nito na nakatali sa kanyang ulo.

  Mabango rin ang babae, nakakahalina sya kung maglakad at may pang-aakit ang mga mata.

-- Ngumiti ang babae nang makita si Jes at masaya itong lumapit..

Samaria: Magandang araw, Ginoo.

(medyo nabigla si Jes)

Samaria: Ginoo, hinihingi mo rin ba ang aking serbisyo? Napaka kisig mo at magandang lalaki ka!

-- lalong lumapit sa kanya ang babae na nakangiti pa rin,

Samaria: Nandito ka ba para abangan ako at sabihing kailangan mo ako?

Jes: Nagkakamali ka. May itatanong lang ako.

Samaria: Ano naman iyon? (nang-aakit)

Napalunok si Jes,

Jes: Itatanong ko lang kung ikaw ang nakatira dyan? Pagmamay-ari mo ba ang tahanan na yan?

Samaria: Hindi. Dahil ang Gobernador ang nakatira dyan. Yan ang isa pa nyang tahanan, dyan sya naglalagi kapag kailangan nya ng aliw.

  (umikot pa si Samaria at ipinatong ang kamay sa balikat ni Jes)

Jes: Ah...??

(ngumiti ulit si Samaria)

Samaria: Hindi na ako maglilihim sayo. Kilala naman ako dito na isang babaeng bayaran... at marami kaming taga-aliw na umaakit sa mga kalalakihan.

(nabigla si Jes)

Samaria: Marahil ay dayo ka rito. Wag kang mag-alala, makikilala mo rin kami, at hahanap-hanapin mo... lalo na ako.

(may pang-aakit pa itong tumingin)

Samaria: Kung kailangan mo ng serbisyo ko, ipagtanong mo lamang ako at ituturo nila ako sayo! Samaria... Samaria ang pangalan ko. Limang pirasong pilak na lang ako para sayo.

***

  Nabigla si Jes, natulala at nakita na lang nya na naglakad na palayo si Samaria.

  Nagtaka man, ay tumingin na lang ulit sya sa tahanan ng Gobernador.

Hindi na sya nag-alinlangan.

.
.
.

===★

  Sa likod ng tahanan, ay umakyat si Jes sa bakod.

  Medyo mataas nga lang ito kaysa sa inaakyat nyang bahay dati.

  Nakarating sya sa tuktok ng bakod at saka sya palihim na bumaba.

Tumabi sya sa mataas na pader.

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon