Pagtatago sa bundok

233 6 0
                                    

===★

  Nasa bundok na nga sina Samaria.. nakaupo ang iba, ang iba ay nakatayo, nag-iisip, naiinip at nangangamba.

  Doon sila nanatili ng magdamag ngunit, nagrereklamo na agad ang iba..

.
.
.

Ginang: Malalakas ang mananamba ni Baal! Delikado tayo pag natunton nila tayo!

Babae: Saka marami sila. Nakakatakot!

Lalaki: Lumayo na lang ulit kaya tayo kay Yahweh? Bumalik na din tayo sa dati nating mga gawain!

-

Pero nagsalita si Siquem,

Siquem: Huwag kayong magsalita ng ganyan... mas lalo tayong dapat magpakatatag, hindi ba? Magtiwala lang tayo!

(nainis naman ang isang babae)

Babae: Puro naman tiwala eh! Pero ano bang ginagawa ni Yahweh!? Wala!

Jotbata: Ano'ng wala...?

(tumingin lahat kay Jotbata)

Jotbata: Hindi nyo ba natatandaan na Sya ang nagpaihip ng isang malakas na hangin upang mapataob ang mga kawal!? Natitiyak kong ginawa Nya iyon upang protektahan tayo!

Mga tao: Pino-protektahan Nya tayo?

Samaria: Wala Syang hindi kayang gawin...

Tamar: Talaga?? (may inis)  Kung may kaya Syang gawin, bakit hindi Nya tayo tulungan!? Bakit hindi Nya paslangin lahat ng mga kawal pati ang Gobernador, upang tayo na lang ang matira! Bakit hinahayaan Nya tayong magdusa?

(nagtinginan kay Tamar ang lahat)

Tamar: At isa pa, halos mamatay na tayo sa gutom! Nagkukubli lang tayo dito! Hindi ko alam kung bakit pa ako sumama sa inyo! (napaiyak)

Samaria: Tamar... (may lungkot)

.
.
.

Nainis na rin ang iba.

Ginang: Ayaw na namin! Mabuti pa nung gumagawa kami ng masama, hindi kami naghihirap ng ganito!

Ginang2: Samantalang ngayon na nagpapakabuti na tayo, ay lalo lang bumibigat ang ating problema at nagdudusa pa rin kami!

Lalaki1: At bakit pa kailangan nating magtago at magpagutom dito!?

Samaria: Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Yahweh, panghawakan natin ang Salitang iyon.

.
.
.
.

***

  Pero lumipas pa ang mga araw... wala silang makain at lalo silang nagutom.

Marami na rin ang dumadaing sa sakit ng tiyan.

  Nalungkot si Samaria sa mga nangyayari, kaya nagpasya syang lumakad mag-isa malayo sa mga tao.

.
.
.

===★

  Pumunta si Samaria sa isang tahimik na bakante sa bundok, tumabi sya sa isang puno at dahan-dahan syang lumuhod.

  Tumingin sya sa langit at paiyak na sinabing...

Samaria: Panginoong Yahweh.. kung tunay ka nga talagang Diyos... bigyan Mo kami ng palatandaan ngayon. Parang-awa Mo na.. Ayoko ring mabuwag ang samahang binuo ni Jes para sayo...

(humikbi)

Samaria: Gusto Ka na naming paglingkuran... kaya pakiusap, bigyan Mo kami ng biyaya at ipakita muli ang Iyong kapangyarihan upang hindi kami lumayo Sa'yo..

  (pumatak na ang mga luha ni Samaria)

Samaria: Noon ay hindi ako naniniwala... ngunit ngayon, tinalikuran ko na ang aking masasamang gawa, nagsisisi na ako at ibinibigay ko na aking puso Sayo.  Susunod na ako sa Iyo... Pakiusap, wag Mong hayaang mawala ang aking pananampalataya..!

--

  At noon din ay may liwanag na tumapat kay Samaria mula sa kalangitan. Halos masilaw sya sa liwanag.

Samaria: Panginoon, Ikaw na ba yan?'

--at may biglang tumapik sa balikat ni Samaria...

.
.
.

  Agad syang napatingin sa likuran at nakita si Jotbata na sinundan pala sya.

Jotbata: Samaria, ano'ng ginagawa mo dito?

-
tumayo na si Samaria at sumagot,

Samaria: Nananalangin ako kay Yahweh...

(napangiti si Jotbata)

Jotbata: Samaria, si Yahweh ay nagbigay na sa atin kanina lang nang umalis ka.

(nagtaka si Samaria at nagulat)

Samaria: Tunay ba ang iyong sinabi?

Jotbata: Oo. Nagpadala na Sya ng mga tinapay buhat sa langit!

--at napangiti sila.

****

  Naglalakad pa lang si Samaria pabalik, ay lubha na syang namamangha at nakadama ng katuwaan.

Samaria: 'Tunay nga... alam na ng Diyos ang ating hihilingin bago pa natin sabihin sa Kanya... Napaka buti Nya... Wala kaming dapat ikabahala, basta't nagtitiwala sa Kanya.'

.
.
.
.

===★

  Bumalik na nga sina Samaria at Jotbata sa mga tao roon at nakita nila na nagsisikain ang mga tao, mayroon ding inumin.

Lumapit si Samaria,

Samaria: Saan ninyo nakita ang mga tinapay na iyan? (nakangiti)

-- masaya namang sumagot ang isa..

Babae: Nakita namin ito sa isang puno roon, nakalagay sa isang supot at may inumin sa tabi nito!

Samaria: Talaga?? (tuwang-tuwa)

Lalaki: Sa tingin namin ay si Yahweh nga ang nagpadala nito..

--

  Ngumiti sila at lalong natuwa si Samaria, binigyan rin sya ng isang tinapay.

Samaria: Salamat...

.
.
.

Haran: Kailangan nating humingi ng tawad kay Yahweh, at kailangan nating magpasalamat!

--

  Sumang-ayon silang lahat, nagpatirapa sila sa lupa at nagpuri..

Lahat: Purihin ang Diyos na Buhay! na nagbigay sa atin ng pagkain at inumin! Isa Syang Dakila!!!

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon