Sa madilim na tagpo...

309 5 0
                                    

===★

  Dinala si Jes sa madilim na silid na may selda at wala man lang kagamit-gamit.

Kawal: Dito ka muna ikukulong!!

(at ikinandado ang selda)

Kawal: Bukas ay ililipat ka na sa totoong piitan! Nababagay lang sayo ang magdusa! Masyado ka kasing mapangahas!

(tumawa pa ang mga kawal)

--iniwan nila si Jes na nanlulumo.

***

  Napaluhod si Jes at nanalangin ngunit naluluha na sya.

.
.
.

Jes: Panginoon... akala ko pa naman ipagtatanggol Mo 'ko sa kanila... Akala ko hindi Mo 'ko hahayaan na madakip, akala ko bibigyan Mo ulit ako ng kapangyarihan para matalo sila pero--   pero nagkamali ako!

  (tumulo ang mga luha nya, napapikit sya at damang-dama  ang paghinanakit)

Jes: Pinabayaan Mo akong mahuli at makulong dito.. Bakit!?? Binigo Mo 'ko!

  (sumakit ang puso nya sa kanyang paghihinagpis at namula na ang kanyang mga mata)

.
.
.

Jes: Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit Mo hinahayaang mangyari ang mga bagay-bagay...
  Sinusunod na naman Kita ah? Bakit Mo hinayaang mangyari sa 'kin ito? Bakit Mo 'ko pinahihirapan..? Wala Ka na bang pakialam sa 'kin? Pakiramdam ko wala na akong halaga sa'yo... Hindi Mo na 'ko pinagkakatiwalaan!!!

.
.
.

-- At sa kanyang pagluha at pagdadalamhati, ay nagpakita muli sa kanya si Anghel Gabriel.

  Lalong nagniningning ang anghel sa madilim na lugar na iyon, mas lalo syang nakita at madaling mapapansin.

A.Gabriel: Jes...

  (tumingin si Jes at nagmadaling pinunasan ang sariling mga luha)

A.Gabriel: Jes, nanghihina ka na naman ba?

(hindi sumagot si Jes na sisinghot-singhot)

A.Gabriel: Pagmasdan mo, sa madilim na lugar na ito... ay lalo mong nakikita ang liwanag. Hindi mo ba nauunawaan?

(napaisip sya sa sinabi ng anghel sapagkat kitang-kita nya ang liwanag mula dito)

A.Gabriel: Sa madilim na tagpo ng iyong buhay ay mas kailangan mong masilayan ang LIWANAG... At ang liwanag na iyon ay manggagaling sa iyong PANANALIG!

.
.

===

  "Noong si Jesus ay namumuhay rito sa lupa, Siya'y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa Kanya sa kamatayan.
  At dininig Siya dahil sa lubusan Siyang nagpakumbaba.

  "Bagamat Siya'y Anak ng Diyos, natutuhan Niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis."
   (Heb.5:7-8)

===

.
.

A.Gabriel: Magtiwala ka sa Kanyang mga paraan. Ang pananalig mo ang magsisilbing liwanag. Mas kailangan mo ito ngayon, wag mong bitawan.
  Mas kailangan mo ang Diyos ngayon, wag mo Syang itaboy o palayuin sayo.
  Ang pagtitiis ay iyong mararanasan. Ngunit ang Pag-asa ay laging Buhay... at wala kang dapat katakutan.

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon