Chapter 20: Si Cades

254 5 0
                                    

===★

Sa bilangguan, nagtuturo si Jes--

  pero bigla silang nagulat nang marinig na paparating ang mga nagbabantay.

  Bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto.

  Dumating ang mga nagbabantay habang hila-hila ang isang alipin na mahinang-mahina at ito'y binugbog nila.

--

  Binuksan nila ang kulungan nina Jes at pabagsak na itinulak ang alipin papasok!

  Humandusay ang alipin sa loob na mahinang-mahina, puro sugat at may dugo sa katawan.

  Napatingin ang lahat dito, marami agad ang naawa.

Ngbbntay: Nararapat lang yan sayo!!!

--ngunit nagsalita pa rin ang lalaki bagamat hirap na hirap na sa natamong hagupit..

Cades: Parang-awa nyo na... Pakiusap... maawa kayo sa akin...

Ngbbntay: Hindi kami maaawa sayo! Napakalaki ng iyong ginawang kasalanan!

-

  Tumingin ang nagbabantay sa loob ng bilangguan at tumingin lalo kina Jes,

Ngbbantay: At kayo! Ayaw nyo bang matulad sa lalaking ito!? Pwes, wag na wag kayong gagawa ng ipinagbabawal! Kapag hindi kayo sumunod at lumabag pa rin kayo, hindi lang ganito ang aabutin ninyo!

(nagkatinginan lang sila at hindi kumibo)

  At saka galit na galit na ini-lock ng mga nagbabantay ang kulungan at dali-dali ring umalis.

.
.
.
===★

  Naiwan sina Jes kasama ang aliping iniwan ng mga nagbabantay.

   Nang makaalis na ang mga ito, ay agad nilang nilapitan ang aliping sugatan, nag-alala sila.

Sina Hamat: Ano ang nangyari, kaibigan? Magsalita ka..

--ngunit hindi na masyadong makapagsalita ang alipin.

  Nakita ni Jes ang lalim ng sugat nito sa tagiliran at sa mga braso, sariwa pa at dumudugo.

Jes: Bakit nila ito ginawa sayo? Bakit..!? (naaawa)

--natataranta na sila at awang-awa na sa lalaki,

Cades: Hin--di... ko... na... kaya.. (naghihingalo)

   Nahabag sila sa kalagayan ng alipin.

Agad tumayo si Jes at kinalampag ang selda...

Jes: Tulungan nyo kami! Mga nagbabantay!!! Tuloooonnngggg!!!

(kinalampag pa nya ng maraming beses ang selda)

Jes: Tulong! Bumalik kayo rito!
.
.
.

***

  At sa lakas ng ingay na ginawa nya ay narinig sya ng mga nagbabantay,

Bumalik ang mga ito at galit na lumapit..

Ngbbntay: Ano't ang ingay mo!? Ano ang nais mo!?

(sumagot si Jes)

Jes: Tungkol ito sa alipin na ikinulong nyo dito! Pagmasdan nyo ang ginawa nyo sa kanya!

(tumingin ang mga nagbabantay)

Jes: Nanghihingalo na sya! Hindi nyo dapat sya ikinulong! Kailangan syang madala sa pagamutan!

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon