Ch.7 Iligtas ang naliligaw

337 9 0
                                    

====★

  Bumalik na sa Lungsod si Jes, pinagmasdan nya muli ang paligid-- maingay, magulo, punó ng kasiyahan.

Naglakad pa sya ng kaunti,

Jes: 'Paano ko sisimulan?'

--

  Napatingin sya sa isang lalaki na nakaupo sa tarangkahan ng tahanan.

Payat ito, madungis, malalam ang mga mata..

  ngunit may ngiti sa labi habang hawak ang marijuana at sarap na sarap dito.

  Nanlaki ang mga mata ni Jes, may namuong galit sa mukha nya, gusto nyang sakalin ang lalaki!

.
.
.

  Lumapit sya sa lalaki, galit na kinuha ang marijuana at itinapon!

Siquem: (nabigla) Sino ka!? Ano'ng pakialam mo sa akin? Bakit mo tinapon ang kaligayahan ko!?

Jes: Kaligayahan mo? Masama yon para sayo! Kaya ko tinapon yon para sa kabutihan mo!!!

(gusto mang magalit ng lalaki, ay wala itong magawa dahil lumbay na lumbay ito at tila lasing din)

Siquem: Pare.. (ngiting sabi at ipinatong ang kamay sa balikat ni Jes)  Wag mo na akong sitahin, pare-pareho lang naman tayong makasalanan... at alam kong tinira mo rin iyon ahahahhaa!!!!

(nagtaka si Jes)

Jes: 'Paano nya yun nalaman?'

  Tumawa pa ng tumawa ang lalaki.

Siquem: Wag ka ng magmaang-maangan!! Halika pare, sa loob ng aking tahanan. Hindi ako nagagalit sayo sa pagtapon mo ng damong iyon... dahil marami pa naman ako hahaha!

  (ipinakita ng lalaki ang maraming marijuana, napakunot-noo si Jes)

Siquem: Halika! Saluhan mo 'ko! Tiyak na masisiyahan ka dito. Malilimot ang ating mga problema!

--ngunit matapang na nagsalita si Jes..

Jes: Gumraduate na ako dyan!!! Matagal na akong tumalikod sa mga kasalanan! Matagal ko ng nilimot ang mga bisyong yan!!!

.
.
.

  Galit na sinunggaban ni Jes ang leeg ng lalaki, napasandal ito sa may pintuan at nabigla.

Galit pa rin syang nagsalita...

Jes: Hoy ah! Wag na wag mo akong tutuksuhin! Ayoko ng magkasala! At ikaw ah? Bakit mo ba sinisira ang buhay mo? Ano'ng magandang maidudulot nyan sayo?! Ipakikilala ko sayo si Jesus, para malayo ka sa masasamang bisyo mo!!!

--

  Napangiwi ang lalaki, halos hindi na makahinga sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang leeg.

A.Gabriel: Jes!

--nagulat si Jes nang makita si Anghel Gabriel na nakatayo pala malapit sa kanya.

A.Gabriel: Hindi ganyan ang pagtrato sa kanya! Hindi ganyan ang pangangaral! Maling-mali ang ginagawa mo!

-

  Tila nahimasmasan si Jes, agad nyang binitawan ang lalaki na naghabol ng hininga.

Natakot sya at tumingin sa langit,

Jes: 'Patawad po...'

(tumingin ulit sya sa lalaki, nag-alala sya)

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon