Chapter 19: Si Canaan sa mga tao...

247 5 0
                                    

===★

  Sa gubat naman naglalakad si Canaan at nanghuhuli ng tipaklong...

  Sya lang mag-isa ang naglalagi doon at pamilyar na sa kanya ang lugar.

--

  Ngunit sa panghuhuli ni Canaan, napalayo na sya sa kanyang tirahan... Patuloy pa rin sya sa panghuhuli.

Hanggang sa...

.
.
.
.

  natanaw nya mga tao mula sa malayo.

  Agad syang nagtago sa isang puno at sumilip, nagtaka sya..

Canaan: Paanong napunta rito ang mga taga-lungsod? Namamalik-mata ba ako? Sa pagtigil sa bundok... ngayon ko lang sila nakita dito! Naliligaw ba sila..? Ano ang nangyari?'

***

  Naglakad pa ng kaunti si Canaan palapit, pinagmasdan ang mga tao. Nagtago ulit sya sa isang puno, nag-alinlangan sya..

Canaan: 'Sila nga ang mga tao sa lungsod na malulupit at sumasamba sa diyus-diyosan! Paano sila napadpad dito? Naririto ba sila upang huliin ako?'

--
tumitig pa sya ng mabuti upang makasiguro, pero mayamaya'y...

napansin sya ni Haran.

  Agad hinugot ni Canaan ang kanyang tabak.

Haran: Sino ka?? (tanong kay Canaan) Nais mo ba kaming huliin? Pinadala ka ba ng Gobernador upang huliin kami?

(napatingin kay Canaan ang mga tao at sila ay natakot)

Ngunit nagtaka rin si Canaan,

Canaan: Ano ang ibig nyong sabihin...? Hindi yata't ako ang huhuliin ninyo?

(tinitigan sya ng mabuti ng mga tao, at nakita sya ng isang babae)

Babae: Canaan..? (takang tanong)

--nagtinginan ang lahat.

Sila: Si Canaan? Canaan!!!

(nabuhayan sila ng loob at napangiti)

Jotbata: Canaan! Lumapit ka na dito! Sapagkat taga-sunod na rin kami ni Jesus, at lingkod ni Yahweh! Hindi ka namin huhuliin!

..

  Lalong nalito si Canaan, tumingin sya sa lahat.

  Kinabahan sya, pero nawala ang pangamba nya nang makita ang mga tao na nakangiti sa kanya.

Canaan: Totoo ba ang inyong sinasabi?

Haran: Oo, Canaan! Wag kang mag-alala, hindi ka namin gagawan ng masama!

==★

   Lumapit na nga si Canaan sa kanila.

Jotbata: Lahat tayo dito ay patas-patas na.

Samaria: Walang mayaman, walang mahirap... Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.

Canaan: Ngunit, maari ko bang malaman kung paano kayo nagbalik-loob kay Yahweh? Ano'ng nangyari sa inyo?

--sumagot si Samaria,

Samaria: Sa tulong ni Jes.

Canaan: Si Jes..? (nagulat)

Samaria: Oo. Sya ang nagpahayag sa amin ng ipinasasabi ni Yahweh, sya ang tumulong sa 'min upang makilala muli ang Diyos.

(napaisip si Canaan)

Canaan: 'Si Jes... nagkita na kami noon, hindi ko inakalang mahihikayat nga nya ang mga taong ito. Ang alam ko, malupit ang mga taga-lungsod.'

--

Ginang: Noong una, hindi namin matanggap ang katuruan nya.. Subalit, dahil sa kanyang mga ipinamalas at sa mga salitang aming narinig mula sa Panginoon, ay doon na kami nagsisi, humingi na tawad at nagbalik-loob.

B-seba: Tinalikuran na rin namin ang masamang gawain, nagsama-sama kaming lahat. Nagtayo rin kami ng Templo para kay Yahweh... ngunit-- sinira nila.

 (nalungkot sila)

Tumingin si Canaan sa lahat,

Canaan: Nasaan si Jes? Ibig ko syang makita.

Siquem: Dinakip sya at ibinilanggo ng mga kawal! Maraming umanib sa sektang ito... pero mas marami ang nagmalupit sa 'min.

Samaria: Napakalupit nila sa amin lalo na ang Gobernador, ipinahuhuli nya kami at papatayin kapag sumamba pa rin kami sa tunay na Diyos.

Canaan: Ngunit ayaw nyo ng suwayin si Yahweh kaya ba, nagtago na lang muna kayo dito?

Sila: Oo, Canaan..

Canaan: Subalit hindi habambuhay kayong magtatago, kailangan ipaglaban natin ang ating Diyos!

Ginang: Ngunit paano?

Canaan: Huwag kayong mag-alala, tutulungan ko kayo!

(natuwa sila)

.
.
.
.

===★

Samantala...

  magkausap na sa isang tahanan ang Gobernador at si Palmira...

  Nakangisi sila habang may binabalak na masama.

Palmira: Hindi na makita sa lungsod na ito ang mga lingkod ni Yahweh, simula nang ipahayag mong ipapapatay mo sila.

(tumawa ang Gobernador)

Gbrndr: Hahaha! Mga duwag talaga sila! Mga mahihina! Hindi nila kayang ipaglaban ang kanilang Diyos... Mabuti pa tayo, kayang-kaya nating ipaglaban si Baal.

Palmira: Wala talagang makakatalo sa atin, mas lalong matutuwa si Baal! At dahil sya ang ating diyos, tiyak na pagpapalain nya tayo.

--
lalong lumapit si Palmira sa Gobernador,

Palmira: Nagtago na ang mga lingkod ni Yahweh. Natatakot sila sa 'tin!

Gbrndr: Ngunit kahit ano pa'ng tago ang gawin nila, matutunton pa rin natin sila!

Palmira: Tama ka...

--hinaplos naman ng Gobernador ang pisngi ni Palmira.

Gbrndr: Napaka ganda mo talaga, Palmira.

Palmira: Totoo ba? Paano na si Samaria? Hindi na ba sya maganda sa iyong paningin?

Gbrndr: Ang mukha ngayon ni Samaria ay mukhang alipin! Mas mukha syang maralita ngayon dahil sa pagsamba nya kay Yahweh!

(ngumisi)

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon