WAKAS...

397 26 14
                                    

====★

Naging mangangaral na nga si Jes.

May malaki na rin syang simbahan na dinadaluhan ng marami.

Nagagalak sya dahil marami na rin syang nahikayat na mga tao na lumapit sa Panginoon.

.
.
.

===★

Isang linggo ng umaga...

Habang nangangaral sya ng may ngiti sa labi,

-- nandoon ang lahat ng mga taong nakilala at nakasalamuha nya sa istoryang ito...

Lahat sila ay nakaupo at taimtim na nakikinig sa kanya.

Nandoon sa unahan si Pastor Roy na ginagabayan sya,

nandon ang inay nya, si Julia, si Fred, si Dado, si Ian, si Moymoy, si Bobby, si Madona...

--yung mayamang pamilya,

yung lalaki sa kalinderya, yung may-ari ng kalindreya,

si Theresa,

--yung mga sanggano dati...

Yung holduper noon sa bus,

yung babae sa dorm,

yung mga bodyguard ni Don Ramon,

-- nandon din si Don Ramon,

yung matatanda sa barko..
sina Vincent,

nakangiti rin si Linea at si Jamesha...

Nandon din ang mga manlalayag na tumulong sa kanya, at si Kapitan Ker.

Nakaupo rin sa di kalayuan sina Jerico, Canaan, Samaria, Jotbata, Tamar, Beer-seba,

Palmira, ang Gobernador, si Siquem, ang mga kawal...

sina Mang Jordan, Mang Hebron, Haran, ang ina na may sakit ang anak, ang mag-anak na sinapian noon ng dyablo,

ang mga dating bilanggo..
sina Elim, Iconio, Hamat...

si Cades, ang mga nagbabantay..

-- si Reyna Gaza, si Haring Asiria,

at ang marami pang mga tao sa lunsod na napuntahan nya.

(ang mga suot ng mga taga-Higron ay kagaya na rin ng mga suot nina Jes)

Ang mga tauhan dito ay ginamit lang na instrumento ng Diyos upang tulungan si Jes na makapagbagong-buhay at makapagsimulang muli.

Sa isang gilid ay nandoon si Anghel Gabriel na nakangiti at nakatayo habang pinagmamasdan sya.

Nagsasalaysay na si Jes sa kanyang pangangaral...

==★

"Walang matuwid... wala ni isa." (Roma 3:10)
"Sapagkat lahat tayo ay hindi makakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." (Roma 3:23)

Lahat tayo ay makasalanan, marami tayong pagkakamaling nagagawa sa buhay tulad ng pagsisinungaling, pagka-makasarili, pandaraya.. pag-iisip ng hindi maganda, panghuhusga, paggawa ng masama...

Para tayong bulaklak na nahiwalay sa kanyang ugat at lahat tayo mamamatay. Ang kabayaran ng kasalanan ay walang hanggang pagkahiwalay natin sa Diyos.

Hindi sapat ang pagiging mabait para makarating ka sa langit.

Hindi mo rin kayang iligtas ang sarili mo. Hinding-hindi mo mababayaran ang mga kasalanan mo.

Ngunit dahil iniibig ka ng Diyos... ay gumawa S'ya ng PARAAN!

Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si JESUS upang mamatay sa Krus at bayaran ang iyong mga kasalanan. (Juan 3:16)

Siya ay namatay para sa akin at para sayo...

Nabuhay Syang muli, at ngayon ay nag-aalok ng buhay na walang hanggan.

Hindi natin kayang sagipin ang ating sarili, hinding-hindi natin ito kayang mag-isa,

dahil KAILANGAN natin si JESUS... Siya lang ang makapagliligtas sa ating lahat.

PAANO..??

Simple lang...

"ANG MAGTIWALA SA KANYA."

Ang pagsisisi at pagtalikod sa masama, at pagtitiwala kay Jesu-Cristo na kaya ka Niyang iligtas at mapalapit ka sa Diyos Ama.

"Pinawawalang-sala tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig natin kay Jesu-Cristo." (Roma 3:22)

Handang limutin ng Diyos ang ating mga kasalanan, basta't buo ang pagsisisi at pagbabagong-buhay... na sumusunod sa Kanya.

Tayong mga nilikha N'ya ay mahalaga.

Aminin mong ikaw ay makasalanan, humingi ka ng tawad at tanggapin mo si Jesus ng buong puso...

At makakasama mo S'ya sa langit sakali mang ika'y mamatay dito sa lupa.

Ito ang MABUTING BALITA!

LIBRE LANG ANG MAGTIWALA AT SUMUNOD KAY JESUS!

Mayroon bang hadlang upang LUMAPIT at MAGTIWALA sa Kanya?

'Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi...

"Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang Kanyang utos, pagkat ito ang buong katungkulan ng tao.

Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama... ay isusulit natin sa Diyos."

-- Mangangaral 12:13-14

~~~*~~~

(ang bawat pangalan ng mga tauhan sa Calling God part 2, ay mga lugar po)

~*~

Author's Note :

Salamat sa Panginoon at nakapagsulat ako ng ganitong istorya.

Napagod man, ngunit sadyang napaka-sarap sa pakiramdam na nakatapos ako nito! :)

God is really Great!
Thank You Lord!!!

Kahit ano pa man, I'm so glad na natapos ko ito para sa Kanya at para sa inyo. ♥

Salamat sa pagbabasa!

Sana'y na-inspire kayo at marami kayong natutunan.

I really appreciate the Votes, Comments and Support!

THANK YOU !!! ^___^

--better alaissa

♥•♥•♥

THE END???

Ikaw naman ang magpatuloy ng misyon!

GOOD LUCK !!!

=====†=====

Jesus calling...
"Follow Me"

=♥=★=♥=★=♥=★

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon