Lorie's Note:
Give chance to baby Ares. Hahaha! Baka magtampo eh. Thanks for those nights together baby. Hugs!!#DreamOnLorie 😂😂😂😂
Ares' POV
I decided to get up, top less and leaving my boxer shorts on. I headed to the kitchen bare footed.
I prepared the coffee maker and poured some roasted coffee beans. Hinayaan ko nalang muna ito kasi automatic naman. I opened the fridge and took two pieces of egg plus the lettuce and tomatoes. Isinama ko na rin ang jar ng sandwich spread. I turned on the exhaust fan and the conduction stove and heated the teflon frying pan. Sanay na ako sa ganitong pamumuhay. Kaya kong ipagluto ang sarili ko ng hindi umaasa iba. I'm not even a fan of fast foods at bihira lang akong kumain sa mga restaurants.
I cracked the eggs and using a wire whisk, I mixed it in a glass bowl at nilagyan ko na din ng iodized salt. I don't use MSG (monosodium glutamate) when cooking. Itms bad to your health according to research.
Nang mainit na ang pan, I added a small amount of. Canola Oil, mga two teaspoons lang. I checked my coffee at okay naman ito. Bumalik ako sa harap ng stove and poured the egg to the pan. Hinintay kong maluto ang isang side and turned it to its other side. After two minutes, okay na. I transferred the scrambled egg to my ceramic serving plate and placed it on the table.
Hinugasan ko na din ang lettuce at tomatoes and sliced the tomatoes in round shape. Kumuha ako ng wheat bread tapos nilagyan ko ng one teaspoon of sandwich spread. I sliced the egg into three portions. Yung isang portion ay nilagay ko na sa ibabaw ng tinapay tapos lettuce and tomatoes. Another bread, spread, egg, tomatoes and lettuce. And then another pile of it until yung ikaapat na tinapay to top the sandwich. Perfection.
Kumuha ako ng saging sa fruit tray. Kumagat ako at nag diretso sa coffee maker. I poured the finished coffee sa coffee mug ko at naglagay ng powdered milk habang ngumunguya. I don't use creamer sa kape then I added a tablespoon of brown sugar. Okay na to for my breakfast. Umupo ako sa upuan at humarap sa mesa habang kinakain ko ang aking almusal.
Limang taon akong namumuhay dito na mag isa. Minsan nalang akong umuuwi ng bahay. Noong kami pa ni Charlene, pumupunta din siya dito pero wala siyang hilig sa pagluto. Ay mali, hindi siya marunong magluto. Simpleng babae nga siya pero kung makaasta ay mayaman siya. Natatawa ako minsan kung bakit ako nainlove sa babaeng yun. Pero sa totoo lang, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon pero hindi na ganun ka tindi gaya ng dati. Siguro natuto na rin akong wala siya sa tabi ko at nandun siya sa best friend kong si Top.
Minsan nga naman kung saan seryoso ka, dun ka pa gagaguhin. Yung akala mong best friend mo ay siya pa ang tatraidor sayo. Tipong binigay mo lahat ng trust mo sa isang tao pero lolokohin ka lang nito. Ang mas masakit ay aasa kang parang tanga na ang resulta ay never siyang magiging sayo.
I was a crap back then when I found out that they ended up together. Naglasing ako, nagsigarilyo, nangbabae na halos ang pag aaral ko sa Masters ay kinalimutan ko na. Kamuntikan na akong mafailure pero sa bandang huli, narealize ko na huli na pala ang lahat. Wala na akong babalikan. Bakit ko oa sisirain ang buhay ko? Babalik ba siya kapag gusot gusot na utak ko? Hindi di ba? So I decided to be back on track. Binawi ko ang failing grades ko. I stood up and didn't look back to those nightmares that happened.
Pero alam ko sa sarili ko na nagbago ba ako. Nag iba na ang pananaw ko sa buhay. I do work outs. I even joined the triathlon. I did everything just to alter my attention. Then one day, I realized that I don't deserve. I realized that girls shouldn't be taken seriously. They just want my body. Kailangan nila ako para sumikat sa industriya at isa pa'y purong mga modelo ang kinakama ko. Kasi alam ko na ginagamit lang ako na parang laruan. That's when I believe to the saying "What you give is what you receive". Kaya naisip kong, kung ginagamit nila ako dapat gagamitin ko din sila. Kaya't laruan lang ang tingin ko sa kanila aside from Mama.
BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomansThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?