Chapter 23

4.1K 109 10
                                        



Ares' PoV

"Totoo nga. Maiinlove din ako one day. Malay mo, baka sa'yo pa." That made me speechless.

Ang puso ko, parang drum. Ang lakas ng tunog nito. Bakit ngayon lang to nangyari? Bakit ko to nararamdaman? Bakit? Hindi ko alam ang kasagutan. Bakit ganito?

"Ares." Magkakagusto siya sa akin? Talaga? Malaki ang chance that she is going to like me? For real?

"Ares." Eh di malaki din ang chance na mananalo ako sa pustahan namin ni Troy. Malaking balita to, isang magandang balita.

"Ares! Bro!" Nabigla ako. Nawala ata ako sa sarili ko. Pero sandali nasaan na si Monique?

"What are you grinning bro?" Matthew asked. Kanina pa ba siya dito?

"Ah, wala. Nasaan si Monique?" I asked him. Muntik na ako dun ah.

"Pumasok siya. May kinuha lang. Dito nalang muna kayo? Susunduin ko sina Mama at Papa sa airport. Spend dinner with us later."

"Sure. Thank you. Ingat ka."

"Thank you." He said and left. Nakasalubong niya si Monique. He kissed her cheek at nagpaalam na aalis na.

Ganyan ba sila ka close? Kung hindi ko lang alam na magkapatid sila, siguro masasabi ko ng may relasyon silang dalawa. Well, I'm impressed on how their parents brought them up. I can see how their family loves each other. Ganun din sa pamilya namin. Pero umpisa noong magbukod na ako, madalang na akong umuwi ng bahay. Tumatawag naman ako doon everyday. Papa had his early retirement. I didn't know pero iba ang kutob ko. May sakit nga siya pero I saw him last time talking to investors out from our company. He is maybe up for something, another company?

"Mahilig ka bang mag day dream?" Monique asked. Pero sa lahat ng bagay, bakit day dream pa ang naisipan niyang itanong?

"Huh? Hindi. Bakit?"

"Kasi tulala ka kanina tapos ngingiti ngiti ka pa. Affected ka masyado sa sinabi kong baka magkagusto ako sayo?" Grabe ang prangka namang babae to.

"Ahhhh. Hindi naman. Iba lang ang iniisip ko." I said and smiled.

May dala siyang sketch pad. She showed me the designs of the clothes para sa Fashion Week. One week nalang at araw na ng event.

"These will be the top designs." Pinakita niya ang mga design. Well I must say that I am impressed. She has a very good skill in this. She's an artist to quote.

I scanned the sketch pad at sari saring mga damit ang nandoon. Iba't ibang kulay at iba't ibang disenyo. Pastel colors ang nagpatingkad doon. She is very creative.

"Ang galing mo palang gumawa." I commented and she smiled.

"Thank you. Mabuti naman at nagustuhan mo. I already sent copies of these sa office mo. And ready na din ang mga damit." She said at itiniklop na ang sketch pad niya.

"Every thing is set for the fashion week. I hope that it's going to be a success." Tanging nasabi ko ng mag ring ang phone ko.

"Excuse me." Tumango siya at pumasok sa bahay nila dala ang sketch pad niya.

"Hello, bro." It's Troy.

"Oh? Napatawag ka?" I asked him. Parang walang back ground ah. Usually may chick to eh.

"Invited ba ako sa fashion week? Hahaha!" Tanong niya. Loko to ah. Bakit to tumatawa?

"Alam kong pupunta ka kahit di ko sabihin."

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon