Monique's POVNatapos kaming kumain ni Calligaris at puno ng kwentuhan ang sandaling iyon. May sense din pala siyang kausap pero medyo mahangin din talaga.
He asked me kung saan ko gustong pumunta, sinagot ko ng Batanes. Eh sa doon ko talaga gustong pumunta, di naman siya nagtanong kung saan ko gustong susunod na pumunta. Psh!
"So saan mo nga gustong pumunta ngayon?" Tanong niya. He is now very careful with his question. Haha!
"Sa bahay." Sagot ko.
"Uuwi ka na? Agad? Ang aga pa oh." Napakamot siya sa ulo niya.
"Gusto kong umuwi ng bahay. Okay lang kung gusto mong sumama hanggang hapunan. Uuwi na din sila Mama at Papa." At dun lumiwanag ang mukha niya. Loko to ah.
"Doon na ako titira?" Eh? Tumaas ang kilay ko sa tinuran niya. Parang bata. Tss.
"You wish." Tanging nasabi ko at nauna ng maglakad ngunit mapapasabak nanaman ako nito.
Snatcher. Patakbo sa direction ko ang snatcher. Langya! Mall to ah, bakit may snatcher dito? At bakit dito niya pa naisipang mang snatch? Tsk! Utak naman talaga ng mga tao oo.
Nang makalapit na siya, I blocked his foot using may left foot kaya ayun subsob ang mukha sa sahig. Ay? Di pala ako mapapasabak ngayon, may mga guards eh.
Pinosasan mga guards ang snatcher na yun pero matalim ang titig niya sa akin. Wala akong pakealam. Kasalanan niya yun. Mga taong ganyan, sana naghanap ng matinong trabaho. Hindi yung magnanakaw tapos pag nadakip ay sila panang magagalit. Psh!
"Mr. Calligaris---" oh nakatulala siya at may tinititigan. Tinignan ko ang direksyon kung saan siya nakatitig.
Another oh, babaeng abo ang buhok, maganda ang mata, inosente ang mukha. Angelic kung titignan, matangos na ilong at mapupulang labi. May kasama itong lalake, clean shaven, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, maganda ang pagkakahulma ng mukha. Sino kaya ang mga to? Ex girl friend?
Nasa loob sila ng isang international clothing line store. Pumipili ang babae ng blouse habang ngingiti ngiti sa lalake. Pahawak hawak naman sa mukha ng babae ang lalake. Ewwww. Ganyan ba ang mga taong in love?
At ang mokong na kasama ko, di maalis ang mata sa kanila. Parang tulog na mulat ang mata. Tulala. Hahaha.
I snapped my fingers in front of his face at dun siya natauhan. Pahalata eh. Sa harap pa naman kami ng store na yun.
"Huwag titigan at baka matunaw. Kung kailangan ng closure, lapitan." Napabaling siya sa akin.
"What did you say?" He asked full of confusion.
"Wala. Di ko na uulitin ang sinabi ko." Sagot ko lang sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga? Ha?!" Medyo tumaas ang boses niya at napatingin sa amin yung dalawang taong kanina niya pa tinititigan.
Pero di ko gusto ang tono ng pananalita niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.
"Yes." One word and I left. Abnormal ah.
I dialed Alex's number, two rings and he answered.
"I know that you are just in the vicinity. I need a ride. North wing." I said.
"Okay." He replied and I hang up.
Diretso lang ako ng lakad, di alintana na may isang Ares Martin Calligaris na tumatawag sa akin. Tsss.

BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomantikThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?