Monique
"What are you saying?" Tanong ni Mama. I know naguguluhan siya sa nangyayari ngayon.
"Ma, please doon na muna kayo sa Slovenia. Mas safe kayo doon." I told her. We are seated ngayon dito sa office niya sa bahay. Kasama namin si Matthew.
"So you want us to leave this house and the Philippines? Ano nanaman ba ang pinasok mo?" With the tone of her voice, she is frustrated and concerned.
"Yes Ma, I bought a property there. Mas okay kayo doon and safe." I explained and there was a glint of shock on her face.
"Kailan ka pa nagkaroon ng property sa Slovenia at saan ka kumuha ng pera?" Tanong ni Matthew. Kahit siya ay walang kaalam-alam sa pinanggagawa ko. All this time, he thought na naka focus ako sa company. I've been discreet with my whereabouts.
I sighed. "Actually, property iyon ng Athena." I honestly said.
"What? What are you up to now? At bakit naglihim ka sa amin ni Mama?" Hindi ko iyon sinagot.
"Doesn't mean that we let you hang out with them ay okay na sa amin ang pinanggagawa niyo. I let them be with you that time when you were in New York because we know that they could help you overcome the trauma that you have gone through. Pero anak naman, hindi ba't napag-usapan na natin ito? Hindi mo na kailangan pa na maghiganti. Tapos na yun lahat sa nakaraan. Patay na si Antonio. Para saan pa yang ginagawa mo? Tapos na ang laban." Mahabang litaniya ni Mama. I know that this is some sort of disrespect pero hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari.
"Ma, ngayon palang nag-uumpisa ang totoong laban." I said at naguguluhang nagtinginan sina Mama at Matthew.
"Ano'ng laban ang pinagsasabi mo?" Tanong ni Matthew.
"Oo nga't patay na si Antonio pero may humahawak sa kanya dati kaya gusto niya akong mapatay. May big boss pa sila, Ma. We weren't aware of that matter last time pero naghanap kami ng information about their group. HIA has something to do with them. Ma, you know HIA hindi ba? This has something to do with the rivalry of my grandparents, ng mga magulang niyo ni Papa. Gusto kong kilalanin ang big boss. Kasi kung pagod na po kayong makita akong nasa bingit ng kamatayan, ako po pagod ng maglaro ng habulan at magtago kay kamatayan. Ma, please just this time. Tatapusin ko lang ang lahat ng ito kaya nagmamakaawa po ako na sumunod po kayo sa sinasabi ko. Sa Slovenia nalang po muna kayo, please Ma."
Napahilamos ng mukha si Alex at napahilot naman ng sentido si Mama saka ako tinalikuran at tinungo ang bintana.
Sa totoo lang frustrated na ako. Parang iiyak ako na hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. Kahit ako gusto ko na rin ng tahimik na pamumuhay. Gusto ko ng matulog ng maayos at makapaggala ng maayos. Yung tipong walang nakamasid sa'yo kahit saan ka pumupunta. Although maraming connections sina Mama at Papa dati, mas marami akong kilala ngayon kahit nasa underground pa at sa black market.
"Tell me first what is happening. Sino ang mga kalaban at kung sinu-sino ang mga kakampi natin." Sagot ni Mama nang lingunin niya ako.
"Ma, you don't need to know. Ako na po ang bahala." I frustratingly said.
"Monique, papunta ka palang pero pabalik na'ko." She started. Bigla akong natigilan sa sinabi niya dahil sa parang may laman iyon.
"Don't think like you can manage everything. I know that you are a genius. Both of you are genius but you can't finish all of these just by yourself or with your friends. Anak, I know that you care for us but you need help. Hindi mo ito kakayanin ng mag isa. Lalo na't nag uumpisa ka palang na alamin ang mga kalaban natin. Akala mo hindi ko alam ang mga pinangagawa mo ngayon? Hindi lang ako nagsasalita kasi gusto ko na ikaw mismo ang magsabi sa akin." She continued.
"Ma, ano ang ibig mong sabihin?" Kahit si Alex ay naguguluhan na din. Marahil wala din siyang alam sa mga nangyayari ngayon.
Writer's PoV
"You still have a connection with HIA, right? Your friends, Niri and Ortega. Both of them are at the HIA and you kept all of these from me. Pero like I've said, I have my ways on how to find out your whereabouts. Kami ng Papa niyo ay miyembro din ng HIA." Monique's brows creased as well as Matthew's.
"Bakit hindi namin to alam Ma?" Matthew asked.
"There are things that need to be kept and buried that is why hindi ito umabot sa inyo especially you Monique. Your father and I decided to keep this dahil hindi namin gusto na madamay pa kayo sa ganoong buhay namin dati. Lalo na noong nakidnap ka. Kaya nag away-away ang mga grandparents niyo dahil doon. Pabor ang mga magulang ko na hindi na kayo magiging miyembro ng HIA pero ang mga magulang ng Papa niyo ay hindi. Haaay." Napahinga ng malalim si Monica.
"I guess it's about time for you to know the history." Dugtong nito.
"HIA or mas kilala bilang High Intelligence Agency ay mayroon pang ibang meaning. Binubuo ito ng mga pangalan ng tatlong tao who established it. Hermano, Isidoro, Antonio."
"Sina Lolo?" Tanong ni Matthew at agad namang tumango si Monica.
"Magkakaibigan silang tatlo. They established HIA for the means of protecting the Filipinos but Antonio betrayed the two. Nangyari ang una noong ginahasa ni Antonio si Esmeralda. Siya ang dating nobya ni Lolo Hermano ninyo. Nagbunga ang ginawa niya kaya pinanganak si Antonio Jr. Siya yung scientist na nakilala niyo at yung kumidnap sa iyo noong bata ka pa na siya ring ama ni Antonio na pumatay sa Papa mo." Tamang nakikinig lang ang magkapatid sa Mama nila habang nagkukwento ito.
"Dahil sa panggagahasang iyon, naging malayo na ang loob nila Papa Hermano at Don Isidoro na Papa ng Papa niyo kay Antonio. Lumaki kami ng Papa niyo na magkaibigan at sa bandang huli ay nagkahulugan ng loob. Minahal namin ang isa't-isa hanggang sa napagdesisyonan namin na itago ang HIA sa inyo at hindi namin iyon ipapakilala sa inyo dahil gusto naming mabuhay kayo ng normal. Pabor si Papa doon ngunit hindi naman si Don Isidoro. Dahil daw kayo ang tagapagmana ng agency sakali. Doon nag umpisa na lumayo na din ang loob ng matalik na magkaibigan. That was the reason why your Papa and I left then and we started on our own. But later we felt happy because naging okay na din silang dalawa noong ipinanganak na kayo. Pero si Antonio, hindi nagtatapos ang kanyang kasamaan sa pag-agaw ng nobya ng kanyang matalik na kaibigan. Nalaman niya na may angking talino ka Monique na hindi matutumbasan na kahit sino man. He planned everything at ipinasa sa anak niya ang kanyang mga plano bago siya mamatay. Kung kaya't noong 12 years old ka na, his son Antonio kidnapped you. I don't know his real reason why gusto niyang kunin ang utak at dugo. Para daw iyon sa isang experiment at itransfuse niya sa daw sa kanyang heir para maging pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo dahil sa kanyang katalinohan."
"Now, he's going to make us as the culprit of World War III." Komento naman ni Monique. Monica just smiled.
"But I see no wisdom in his words. Baliw na ang paningin ko sa kanya at ganoon din ang tingin sa kanya ng mga lolo niyo. He died and hindi namin alam kung paano. Bigla na lang siyang naglaho bago pa sumabog ang submarine na sinasakyan ng mga lolo niyo. Kaya walang trace ng katawan ng mga lolo niyo ay marahil nawala na sila sa karagatan or worst ay nakain na ng nga hayop sa dagat." Napatungo si Monica at bumuntong hininga. Makikita na she's been through a lot.
To be continued....
Happy New Year everyone! After two months of not updating, here it is! Thanks for being with me until 2020. God bless you all!
Don't forget to Vote, Comment, and Share! Since you are already here, might as well follow me.
Thank you very much 2019! Hello 2020!
BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomanceThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?
