Ares' POV
"No. A deal is a deal. I'm your girl friend now." Natigilan ako sa narinig ko. Ang feeling na parang kayong dalawa lang ang nag eexist sa mundo at wala ng ibang tao. Bakit ngayon ko lang naramdaman to? Bakit kakaiba to sa lahat? Bakit parang mas espesyal to kaysa kay Charlene? Napangiti ako sa isipang girl friend ko na si Monique. Ang saya lang.
Nilampasan niya ako at pumunta siya sa dulo kung saan walang tao. Iniwan ko ang sasakyan namin at pinuntahan ko siya.
"I'm sorry sa nangyari----" Pag uumpisa ko pero she stopped me using her right hand.
"It's alright. Everything happens for a reason." Yun ang sinabi niya at napabuntong hininga nalang ako.
"Pwede mo namang bawiin ang sinabi mo." Kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Mariin kong pinikit ang mata ko at bumaling sa kanan para hindi niya makita ang reaksyon ko.
"Like I said. A deal is a deal. Isa pa, gusto mo ring maexperience magkaroon ng boy friend kaya okay na." Doon nalang ako napatingin sa gawi niya. She is smiling. A genuine smile at tumingin siya sa akin. Mas ikinagulat ko ang sumunod niyang sinabi.
"Welcome to my world." Yun lang ang sinabi niya pero nakangiti pa rin siya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng katagang iyon pero nagbibigay ito ng kaba sa akin na hindi ko mawari. Parang positibo ang pagkakasabi niya ngunit mayroong kakaiba na hindi ko masabi kung ano iyon.
"Pwede bang ligawan nalang kita? Gusto ko maging pormal ang relationship natin kung okay lang sana." Mga salitang hindi ko alam kung saan nanggaling. Mga salitang ngayon ko lang nagamit.
"The famous pervert playboy in town asked me that he wanted to court me. Is that for real?" She said amused na nakatingin sa akin na may panunuyang tono.
"I thought you were just playing around. Are you serious about this?" She asked me. Her eyes are interrogating mine.
Actually I'm guilty about this pero kailangan kong manindigan.
"I am serious and I will court you." I said in a serious yet smooth tone.
"Ayaw mo ng short cut. Gusto mo talaga long method. Okay then, thanks for the race. See youu around." She said at tinalikuran na ako na umiling iling.
Sumakay siya ng sasakyan niya at nagpaharurot umalis. Nasapo ko ang noo ko, hindi ko malang nakuha ang cellphone number niya. Napailing ako sa nagiging reaction ko ngayon. Bakit ko ba to ginagawa? Bakit ko pinatulan ang dare ni Troy na hindi naman ako nag agree doon? Maybe I'm just challenged by this girl. Yes, challenged lang ako. She's going to be a part of my collection. That's all. I'm Ares Martin Calligaris for heaven's sake. I get what I want.
I need somebody to help me and so I'll call Katherine.
Three rings and she answered.
"Good evening Sir." She greeted me.
"Kath, buy me some Calla lily first thing tomorrow. Dalhin mo sa condo ko."
"Hindi na po red roses? Bagong babae po ba Sir? Yieeee." She teased.
"For Miss Cold." Tanging sagot ko at natawa ako sa reaction niya kahit di ko siya nakikita ngayon.
"Ow. Hmmm. Iba yan Sir. I will bring calla lily first thing tomorrow in your unit." She said.
"Yes. See you tomorrow. Good night." I said.
"Good night Mr. AMC." She bid ang I hang up.
BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomanceThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?
