Chapter 14

4.2K 121 20
                                        



Lorie's POV

Ibinaba niya ang hinahawakang baril at nilapitan ang boss ng mga kalalakihan.

"12 hours." Sambit niya.

Gumalaw ang mga mata ng lalaki at tumingin sa kanya.

"Labindalawang oras kayong hindi makakagalaw. Alas syete ngayon kaya bukas ng umaga sa ganitong oras din huhupa ang nararamdaman niyo." Maikling paliwanag niya.

Tumayo siya at inapakan ang parteng dibdib ng lalake kung saan ito tinamaan ng hindi ordinaryong bala.

"Alam niyo PO kasi," panimula niya na pinagdiinan ang salitang PO. "kung sana umayos kayo kanina ay hindi tayo aabot sa ganito. Sa panahon ngayon, mahirap hanapin ang 1.5 Million Pesos. Dugo't pawis ng mga magulang ko yung inilaan nila para mabili ang sasakyan kong yun. Tapos kayo cacarnapin niyo lang? Ha?!" Diniinan lalo ng paa niya ang dibdib ng lalaki. Namumula na ito sa sakit at hindi pa ito makasigaw.

Paralyzed ang mga katawan nilang lahat dulot ng toxin na inilagay ni Monique sa bala. Pero ang pagkaparalyze nito ay may dulot na sakit. Hindi namamanhid ang bahagi ng katawan pero hindi lang ito makakagalaw. Sinigurado niyang hindi aabot sa utak ang toxin at huhupa na ito sa loob ng labindalawang oras.

Tumayo ng tuwid si Monique at pumunta sa kanyang sasakyan. Pumasok siya dito at tinawagan si Matthew.
Patuloy ang pagbuhos ng ulan at natatalsikan na siya sapagkat basag na ang kanyang wind shield. Pieces of the glass are left on the rims of the windows.

Kriiiing! Kriiing!

"Hello? Malapit na kami." Sagot ni Matthew sa tawag niya.

She is staring at nowhere.

"Hurry up." She said as cold as the effect of the rain outside and then hung up.

She stashed her gun inside her sling bag and rested her head on the head rest.

She closed her eyes for a couple of seconds and released her calm breathing.

She gazed to the men outside. Her emotionless face turned fearless and gave them a smirk.

She tied her wet blond hair to a bun and stared blankly at nowhere.

She remained like that until her twin brother arrived.

Bumaba si Matthew sa sasakyan niya kasama si Mang Kalyo. Dala nila ang Ranger nito.

"What happened here Monique?" Tanong ng kambal niya na may pag aalala.

Lumabas si Monique sa sasakyan niya dala dala ang bag nito. Hinarap niya ang kanyang kapatid na tumitingin sa katawan ng mga lalaking nakahiga sa lupa.

"Nasira ang sasakyan. Kunin niyo nalang ang makina ng Everest." Sambit nito at naglakad papunta sa pick up.

Nagtinginan sina Matthew at Mang Kalyo.

Nag aalala ito sa kapatid niya matapos ang ganoong pangyayari.

Binuksan din naman nila ni Matthew ang hood at agad na dinettach ang makina.

Pinagtulungan nila ni Mang Kalyo na buhatin ito patungo sa likod ng pick up.

Pumasok na din agad sila sa sasakyan.

"Monique, what did just happen? Did you kill those men?" Matthew asked in a serious yet frustrated tone.

"I am able to kill those but I didn't. I won't give any explanation because it wasn't me who started the rumble a while ago." She defended.

"So ano ang nangyari? You don't need to explain. Just tell me what happened!" Tumaas na ang boses ni Matthew sa pagkairita sa kapatid nito.

She closed her eyes at sumandal sa upuan.

"Ginulo lang nila ang tulog ko at binasag ang sasakyan." Simpleng sagot nito.

"Kahit kailan wala akong makukuhang matino na sagot galing sayo." Sabat naman ni Matthew at pinaharurot na ang sasakyan.

Buong biyahe na wala silang imikan at nang makarating sila sa Rest House nila sa Tagaytay ay dumiretsong bumaba si Monique at pumasok sa loob. Di alintana ang malakas na bagsak ng ulan at ihip ng hangin. Marahil ay may bagyo sa Pilipinas.

Meanwhile.....

"Thank you for trusting the Calligaris Sir. We surely won't fail the deal and I'm looking forward for a success on the next Fashion Week." Pagpapasalamat ni Ares sa mag asawang Cold.

"Business is business Mr. Calligaris. Alam namin na magaling ang Papa mo sa pagpapatakbo ng inyong kumpanya at sigurado akong namana mo iyon sa kanya." Pagpupuri ni Mr. Cold.

"Well Sir, Papa is Papa. He makes sure that everything is at its best. Same as you Sir. You are a well established Businessman. No wonder AMC is on top of the list." Puri niya pabalik.

"Alam mo kung ano tayo aa business world. Kung hindi natin aalagaan ang ating kumpanya na parang anak natin ay hindi ito lalago. Nga pala Monica, wala pa ba sina Matthew at Monique? Malapit ng maghahating gabi." Tanong nito sa asawa niya.

"They will be here by and by. Matthew called me a while ago." Monica answered.

Bumukas ang pinto.

"Nandito na pala sila." Tumingin sila sa pinto kabilang na si Ares.

Pumasok ang basang-basa na si Monique. Ganun pa rin ang mukha niya, walang pinagbago, walang ekspresyon.

Sumunod si Matthew at Mang Kalyo.

"Now tell us what happened." Matthew ordered his twin sister.

Nabigla si Ares sa inasal ng kambal.

Nagtinginan naman ang mag asawa at makikita sa mukha nila ang pag aalala sa anak.

Tumigil si Monique sa pag akyat ng hagdan at humarap sa kanilang lahat dahan dahan.

Nakita niya doon si Ares na hindi niya namalayan ng pumasok siya ng bahay. Their gaze met.

Ares' POV

Si Monique ba ito? Bakit sobrang layo niya sa babaeng nakita ko kahapon. Yesterday she was a high class socialite with an accusative tone. But now, she is blank. You can't reflect something from her eyes. Her aura is so cold. To tap it all, she is scary. Scary, yun nalang talaga ang salitang magagamit ko na idescribe sa kung ano siya ngayon.

"Let's talk tomorrow. Dalhan niyo nalang ako ng pagkain sa kwarto ko. Salamat." She said in her usual tone.

Tumalikod siya ulit at dumiretso na sa kwarto daw niya.

"10 men paralyzed." Pag uumpisa ni Matthew.

10 men? Galing ba siya sa hospital? Akala ko ba flat tire lang yun kanina?

"She did it again Papa." Matthew continued.

Bumuntong hininga si Mr. Cold. Ako lang ata ang walang alam sa bagay na ito.

"May problema po ba?" Tanong ko na may pag aalinlangan. Hindi ko alam kung tama ba na magtanong ako sa usapang pampamilya nila.

"No Hijo. We're okay. May nangyari lang. Siguro mas mabuti na magpahinga kana. Mahaba din kanina ang byahe mo." Sabi ni Mrs. Cold.

Tumingin sa akin si Matthew at agad ding umibis paakyat sa second floor ng bahay nila.

Ano ba ang problema ng pamilyang ito?

To be continued.........

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon