Chapter 31

3.4K 105 39
                                    



Someone's POV

"Boss, hindi po nakuha ng mga tauhan natin ang babae." Yun ang narinig ko galing sa taong kausap ko sa kabilang linya at gusto kong patayin ngayon ang taong ito.

"Inutil! Babae lang iyon, bakit hindi niyo pa matalo talo? Mga wala kayong kwenta! Maghanap ka ng tamang rason kung bakit di niyo magawa ng maayos ang pinapagawa ko kundi kayo ang malalagutan ng hininga!" Sigaw ko at agad na pinatay ang telepono. Mga walang kwenta!

Kailangan ko ang babaeng iyon sa eksperimento ko. I need her blood and brain. She is no ordinary damn woman, she is the image of perfection and intelligence. My father would have done already the experiment if that girl was way older when she was kidnapped. Now, I'm the sole heir of my father's plan. I need to put these things in success for the honor of my father.





Monique's POV

"Ortega", napangisi ako nang marinig ko ang boses niya. This woman, full of tricks and wisdom.

"Cold." Sagot niya. "See you at the back door." Dugtong niya at ibinaba ko na ang telepono.

Nakakalat ang katawan ng mga kalalakihan na sumugod dito sa loob ng venue at tumutulo pa rin ang dugo sa ulo ko. Ang galing talagang umasinta ni Ortega. Hindi niya manlang pinalayo ng konte sa akin ang lalakeng nasa paanan ko ngayon. Yan tuloy naligo ako sa dugo ng ibang tao. Tsss.

"Miss Cold." Ang security personnel iyon nang makalapit ito sa akin sabay offer ng table napkin na pampahid ko sa dugo na nasa mukha ko.

"Kindly clean up this mess. You know what to do." I said and he nodded. Agad siyang nagbigay ng instructions sa mga kasamahan niya at ako naman ay lumabas na ng event hall habang namumunas pa rin ng dugo. Hindi ko man maubos ang lahat ng talsik pero mas okay ng mabawasan.

Dumiretso ako sa back door at nakita kong nakaabang doon sa labas ang isang itim na kotse. I lead my way to where the car is at bumukas ang shot gun door. Nakaupo naman sa driver's seat si Ortega at nagpapatugtog ng music. It's "Lost On You" by LP, well she has good taste for music.

"You're welcome." Sambit niya habang ngumingisi nang maisara ko na ang door.

I smirked, "Thank you."

She shrugged at inistart ang sasakyan and we drove away.

"To your house?" She asked habang nakatuon ang attention sa daan.

"Yes, please." Sagot ko at bumuntong hininga.

"How did I get there?" She asked again grinning. Alam nga din talaga niya ang takbo ng isip ko. Ortega is one clever woman, she is well-trained just like me. Matangkad siya and has a dark hair. Maganda ang babaeng ito at di maikakailang matinik din ito sa mga pusa. Maalam din siya sa technology and is the best agent in HIA (High Intelligence Agency). Matangos ang kanyang ilong at matapang kung tingnan ang kanyang mga mata. Maninipis ang kanyang labi at hulmadong hulmado ang jawline niya. Maliksi din siya sa mga bakbakan at mabilis tumakbo dala ng mahahaba niyang mga binti.

Tumango ako sa tanong niya.

"It so happened when I passed by the place where you shot 6 men dead kanina. I overheard some of the members of their group talking about you being dead so I decided to go there as soon as possible." She explained at pinatay niya ang stereo at binalot kami ng katahimikan. Maaaring konektado ang mga pangyayaring ito noong bata pa ako pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang habol ng mga taong iyon sa akin at sa pamilya ko. My parents already gave ransom when I was young. I believe that once is enough and twice is too much. Mas may malalim pa na rason kung bakit nila ako hinahabol at hindi iyon pera.

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon