Writer's PoV"So ibig sabihin, may tendency na buhay pa si Antonio the First, Ma." Biglang komento ni Matthew dahil sa mga narinig niya.
"Yan ang hindi natin masisiguro. Maaaring buhay pa siya but he's 80 years old already or more." Sagot naman ni Monica. Napaisip ng malalim si Monique. Tama ang kapatid niya, maaaring buhay pa ang matandang Antonio. Isa pa ang pumapasok sa isip niya, ang kanilang mga lolo.
"Sina Lolo Ma. Baka buhay din sila." Sabi nito na nakaagaw ng atensyon ng Mama niya.
"Imposibleng mangyari iyon because it has been a long time at wala ng signs na buhay pa sila." Sagot naman nito.
"Pero baka buhay pa nga sila. Di ba Ma? Besides you never mentioned to us ever since the reason why namatay sila ni Lolo. Kaya pala never ko siyang nakita noong bata pa kami sa wake. Umiyak ang tao na walang patay." Pahayag ni Monique na ikinatawa ni Matthew. Napatingin naman sa kanya ang kakambal niya at Mama nila.
"Oh. I'm sorry Ma. I just find it funny kasi tama naman si Alex. Umiyak din kami dati dahil sa namatay sina Lolo pero wala namang coffin or ash." Matthew reasoned out. Monica just glared yet he just smiled from ear to ear.
*knock knock*
Pumasok si Yaya Blasing sa office.
"Monique, may bisita ka hija." Panimula nito.
"Sino daw Ya?" Tanong naman ni Monique. Hapon na at malapit ng lumubog ang araw.
"Si Sir Ares, hija." Monique's forehead creased. Ilang ulit na nitong sinabihan si Ares na hindi siya interesado sa kanya.
"Please tell him to leave Yaya or else tell him to kill his self." Pabalang na sagot nito. Natawa nanaman si Matthew sa tinuran ng kakambal niya.
"What?" Tanong ni Monique sa medyo mataas na tono.
"Wala. Sigurado ka bang wala na talaga?" Biro ni Matthew.
"Ano bang pinagsasabi mo Alex?" Instead of answering her, Matthew just shrugged.
"Bababa ka ba Hija?" Tanong naman ni Yaya Blasing.
"Don't be rude to your guest. Kung ayaw mo sa kanya, pakisamahan mo nalang. Pero kung ayaw na ayaw mo na talaga, ikaw na bahala." Sabat naman ni Monica sa anak niya.
Monique just rolled her eyes in response. Ngayon lang nagsabi ng none sense ang Mama niya. Marahil pinagtitripan na din siya nito katulad ng kambal niya.
Someone's POV
"You are the heir of this family so it is in your hands to kill that woman and bring her to me. Kung hindi nagawa ng ama at kuya mo, ikaw ang tatapos nyan."
And this person stood firm and nod to what his grandfather told him.
Monique's POV
Nakakabuwisit na talaga tong lalake na to. Pwede naman niya akong lubayan eh. Ano ba sa "hindi ko siya gusto" ang hindi niya maintindihan? But knowing Ares, he just doesn't know how to quit. The fact that he's taking advantage the thought of me having an amnesia.
There he is. Sitting on the couch with his hands clasp together, his legs were apart from each other and head bowed down. Simply shows that he's waiting for me. Beside him is a bouquet of peach and pink carnation. Tsss. As if I would buy such strategy.
"Ehem." Tumikhim ako to catch his attention and hindi naman ako nabigo doon. Ngumiti siya ng konti when he raised his head and saw me. The old Ares Martin Calligarsis, the playboy, yung minahal ko. Just damn it! Bakit ba kasi tayo nagkakamaling magmahal ng taong sasaktan lang din tayo? Yung taong sasagarin tayo na pati yung pride natin ay kailangan nating bitawan lang para habulin sila. Bakit kaya ganun? Love moves in mysterious ways ika nga. Malaki ang chance na masasaktan tayo kung hindi natin poprotektahan ang puso natin. Yung sa akin naman, sinira ko yung pader na nakaprotekta sa puso ko para sa kanya. I took the risk pero wala eh, binalewala lang ako. How painful it was.
"What brings you here?" I asked him in my usual tone.
"Hi. Binibisita lang kita. Kamusta ka?" He asked nang tumayo na siya. He still looks the same.
"I'm fine. Thanks for asking. Pwede ka ng umalis kung mangangamusta ka lang. Besides malapit ng mag gabi. Hindi maganda na bumisita kapag gabi na." I told him. Ngumiti siya ng alinlangan. Alam kong hindi maganda yung sinabi ko pero I want him to know that I'm not comfortable of his presence.
"Wala na ba talagang chance?" He asked. Gago nagtanong pa. Hahaha!
"Isn't it obvious? Or talagang di ka makakaintindi ng hindi? Why fight for something that's not even possible?" Pucha! Bakit parang may hugot yon?
"Please. Just leave." And tumalikod na ako para pumunta sa kwarto ko.
Matthew's POV
"Ma, tama pa ba ang nangyayari?" Tinignan lang ako ni Mama saka ngumiti.
"Sa ngayon hindi ko pa alam anak. Pero magtiwala lang tayo na magiging maayos ang lahat. Hindi man ngayon pero sana sa madaling panahon." Yun ang sagot niya sa akin and that made me hopeful. Whatever our parents say, we always believe in that and I trust Mama.
"Puntahan mo muna ang kapatid mo at baka kung ano nanaman ang gagawin niya kay Ares." Tugon ni Mama. Tumango lang ako at lumabas na rin para pumunta ng sala since doon naman talaga ang receiving area ng bahay. Hehe.
Yun nga, nakasalubong ko si Alex pabalik ng kwarto niya. Ang bilis naman nilang mag usap at hindi pa ako pinansin. Sigurado akong pinauwi na naman niya si Ares. How rude of her. Pero ako mismo ay may konti pa ring galit kay Ares. Kamuntikan ng mawala sa amin si Alex. Mabuti nalang at naka survive siya sa aksidente at sa trauma. Pero her thinking right now is what I'm not sure of. Tahimik siya lalo at minsan hindi ko na mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Should I say dangerous? I don't know. Nauuhaw ako, makababa nga at uminom ng cranberry juice.
Pero nadatnan ko pa rin si Ares na nakaupo sa couch. Nakatulala. Oh? Akala ko nakauwi na to?
"Nandito ka pa pala." My words brought him back to reality.
"Ah. Oo, uuwi na din ako. Pakibigay nalang nito kay Monique. Umakyat kasi agad siya at hindi ko man lang to nabigay." Tango na lang ang sinagot.
"Sige aalis na ako. Salamat." Sabi niya pa at sakto naman na dumaan si Yaya Blasing at pinahatid ko na si Ares sa pintuan.
He's taking advantage of the condition of my sister na may amnesia "kuno". I am fully aware of that. Hindi lang din gusto ni Monique ang presensiya ni Ares kaya napagdesisyonan niya rin iyon at galit pa siya. Sana lang ay walang negatibong epekto itong plinano niya.
Writer's POV
Dumaan ang tatlong buwan at patuloy pa rin sa pagsusuyo si Ares kay Monique. May mga pagkakataong pinapadalham niya ito ng bulaklak sa bahay nila o di kaya ay sa opisina. May mga instance din na binibisita niya ito sa bahay nila pero ganoon pa rin ang trato sa kanya. Naiirita na rin si Monique at minsan na niya itong tinutukan ng baril para umalis na. Ngunit hindi natitibag si Ares, ganun pa rin ang lakas ng loob niyang bisitahin ang dalaga.
Isang araw ay may biglang bumisita sa bahay ng mga Cold. Tanging si Blasing lang at si Kalyo ang naiwan doon. Nagulat ang mag-iina sa nadatnan nila sa sala pero sa isip ni Monique ay hindi nga siya nagkakamali.
To be continued.........
Writer's Note:
Hi loves! I'm sorry for a very late and a lame update. I was just busy and nahihirapan akong iinsert ang pagsusulat. Kain, tulog at trabaho lang ang buhay ko ngayon the fact that I live in the hospital. I hope that you all understand and I pray that all of you are safe against COVID-19. May God bless us all.
Hugs!❤️

BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomanceThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?