Chapter 33

2.7K 71 17
                                        



Monique's POV


"Ma, labas po muna ako." Pagpapaalam ko kay Mama. Nasa study room siya kasama si Papa. Umuwi na din ang iba pang mga kasama namin dito sa bahay and even Ares. He wanted to stay pa sana pero I disagreed. They need to rest. We also sent our personal guards to look after them.

"Saan ka pupunta?" Papa asked at tumingin sa suot ko. Suot ko pa rin ang black shirt ko at shorts. Di ako nagpalit simula kanina ng matapos akong maligo na nandoon pa si Ares sa kwarto ko. Suot ko din ang black cap ko. Mahamog sa labas.

"Magpapahangin lang po." Sagot ko naman. Pumasok na muna ako sa study room. Alam ko namang marami pang tanong to bago ako makaalis.

"Saan ka magpapahangin?" Tanong agad ni Mama.

"Sa convenient store." Sagot ko sa mapanuring tanong ng maganda kong ina.

"Pahangin? Sa convenient store. Di ba may aircon naman sa kwarto mo? It's past 11 in the evening. " Sabat ni Papa. Napakamot nalang ako ng batok ko.

"Eh, ---"

"Iinom lang yan. Maraming alak dun sa baba, bakit kapa lalabas?" Biglaang sagot ni Matthew na kakapasok lang din. Nakapangtulog na siya. Tsss. Matthew pa rin tawag ko sa kanya kasi nagtatampo pa rin ako. Argh!

"Pakealam mo?" Pabalang kong sagot sa kanya.
"Both of you, sit down." Utos ni Papa. May diin sa pagkakasabi niya. Umupo na din kami. Dito ako sa single sofa chair malapit kay Mama at doon naman umupo si Matthew malapit kay Papa.

"Both of your attitudes are bothering us. Bakit ganyan kayong dalawa? Isa ka pa Matthew, bakit ganyan ka kanina? Ha? Para kang nawala sa sarili mo. What is wrong with you? At ikaw naman Monique, sabihin mo sa amin ang nangyari. Mag usap tayo ngayon bago kayo matulog. Ayusin niyo ang pag-uugali niyo. I won't tolerate such inappropriate attitude of yours." Mahabang litaniya ni Papa. Here we go. I rested my back sa sandalan ng sofa and crossed my legs na parang lalake.

"Hoy babae, ayusin mo ang pagkakaupo mo." Suway sa akin ni Matthew na itinuro pa ang mga paa ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko.

"Hoy lalake, wag mo kong ma hoy hoy. Tao ako at may pangalan. Ano bang problema mo? Ha? Anak ng---"

"Monique." Mama warned me at hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagsasalita. I just closed my eyes and heaved a deep sigh.

"Tell us what happened Matthew. The real thing and never think of lying." Papa said emphasizing the word "lying".

Matthew cleared his throat and rested his head on his palm. Sinakop niya ang kanyang mukha. He seems to be so bothered. I wonder what's bugging him.

"Bago pumunta dito, may sinabi si Trisha." He started still covering his eyes with his palms.

"Yung girlfriend mo?" Tanong ni Mama. I can see that our parents were astonished. Obvious ang mapanuring mga mata nila. Tumango naman si Matthew at agad na inalis ang mga palad sa mukha niya.

"I don't know Ma. Naguguluhan ako. She acted so weird kanina. Hindi siya yung Trisha na nakilala ko. I don't know. She told me not to listen to Alex." He frustratedly explained. Ginulo niya ang buhok niya. Hindi makinig sa akin? Why is that?

"Bakit naman niya sasabihin yun?" Tanong ni Mama na ikinakunot ng noo niya.

"F*ck may problema ba siya sakin? Akala ko ba okay siya last time?" Sabat ko but Mama looked at me. She gave me a warning look because I cursed. I zipped my mouth.

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon