At last😂
Monique's POV
Today, we are going to church as agreed last night. Sabay kaming pumunta ng Cathedral at si Alex ang nagdadrive. Papa is sitting on the shot gun seat while me and Mama is sitting behind them. Nakatulog naman ako ng maayos after kong ayusin ang mga gamit ko kagabi. Maybe it's about time na ipagpaalam ko na sa kanila ni Mama ang plano kong umalis, though today is the highlight of the fashion week.
"Ma, Pa, I have something to tell you po." Panimula ko at humingang malalim.
"What is it?" Seryosong tanong ni Papa at dinungaw pa kami ni Mama. Nagkatinginan din sila ni Mama at sadyang nakikita ko ang emosyon sa mga mata nila. Puno ito ng pangamba. Habang si Alex naman ay nakafocus sa pagdadrive at hindi man lang umimik. Alam na din naman niya kung ano ang pakay ko.
"Hindi po ako makakadalo sa event---"
"Save it after the Eucharistic Celebration." Pagputol ni Papa sa sasabihin ko. Marahil alam niya ang plano ko. Tumahimik nalang ako, walang imikan hanggang sa makarating kami sa simbahan.
Nagkiss lang kaming kambal sa mga magulang namin nung nag peace be with you na. Yes you read it right, we still kiss our parents kahit malaki na kami. It's our sign of love and respect to them. Walang masama na kahit matanda ka na ay humahalik ka pa rin sa pisnge ng mga magulang mo. After the mass, umuwi din kami agad. We gathered in the study room and this time, I need to inform them of my plans of leaving. Hindi pa rin naman kami bihis at tinuloy nga ni Papa ang sinabi niyang "save it after the mass".
"Talk." Simpleng utos ni Papa.
Napakamot si Alex sa batok niya at humingang malalim. Tinignan siya ni Papa.
"Ikaw ang apektado?" Tanong nito at napakamot ulit si Alex sa batok niya.
"Hindi po Pa." He answered and grinned. Papa just smirked and Mama just rolled her eyes.
"H--Hindi po ako dadalo sa event tonight." I stuttered. I know na hindi sila papayag nito lalo na kung malalaman nila ang rason kung bakit.
"Why?" Simpleng tanong ni Mama na nakataas pa ang kaliwang kilay.
"May pupuntahan lang po." Saad kong nakayuko. I heard Papa sighed kaya napatingin ako sa kanila.
"Let's say may pupuntahan ka but will you be safe to your destination?" Si Papa ang nagtanong.
"Not a hundred percent safe Pa but I will do my best to keep myself alffnshdhdhdhdhdh" sinadya ko talagang hinaan ang pagkakabigkas ng last word.
"To keep yourself what?" He asked.
"To keep herself alive Pa." Sabat ni Alex and he crossed his legs. He smirked at the same time. I rolled my eyes heavenwards. Napakapakialamero talaga ng kambal ko eversince.
"To keep yourself alive. Hmmm." Papa repeated and he stared at me. Bigla naman akong naasiwa sa pagkakatitig ni Papa. Sinusuri niya ako na parang hindi niya ako papayagan sa desisyon ko.
"If that's what you want. But since nagmamadali kami ng Mama at kapatid mo, you need to have this." May inabot sa kanya si Alex na isang black box. Kung titignan mo mabigat ito pero napaka light ng material. Papa opened the box at tumambad sa akin ang laman noon. It's a metal syringe na may mahaba at malaking karayom. Just as I expected.
"We want you to have this to track you wherever you go." He said at kinuha ang syringe.
"Come here." Sabi niya at nakita ko ding ngumiti at tumango si Mama signaling me to sit beside Papa. Sinunod ko ang sinabi nila. Mas okay ng ganito na alam nila kung saan ako pumupunta kaysa sa mabahala sila kung ano na ang nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomansaThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?