Chapter 20

3.9K 106 22
                                        



Lorie's POV

Nagising si Ares sa tunog ng buzzer ng unit niya. Maaaring si Katherine iyon, dala ang mga bulaklak na pinabili niya dito.

Bumangon ito at tinungo ang main door ng unit niya. Nakasuot lamang ito ng white cotton boxer shorts niya. Binuksan niya ang pinto at nabigla si Katherine sa nakita nito.

"Sir naman eh!" Angil nito na nakayuko.

"Is that your way of greeting your boss, Katherine?" He asked with a teasing tone.





Katherine's POV

"Good morning Sir." Bati ko sa boss ko na diretso ang tingin sa mata. Sinabayan ko na din ng ngiti.

Iniiwasan kong magkasala ang apat kong mata. Pandesal, sarap sa agahan at kape nalang ang kulang.

"Hahaha! Pasok ka na nga. Baka isipin pa ng mga tao mamaya dito na minomolestya mo ako."

"Ako pa ba Sir? Sana po tshirt pinabili niyo sa akin." Sagot ko na pabalang and he gave way naman para makapasok ako.

Sinirado niya ang pinto at naglakad papuntang kwarto niya.

Inilapag ko ang bouquet sa center table at pumunta ng kusina. Halatang kakagising palang niya at hindi pa nakakapag almusal.

I prepared his usual breakfast. Sandwich and coffee. Ganito palagi ang kinakain niya. Di ba siya nagsasawa dito? Kahit sa office ganito din pinapagawa niya sa akin.

Executive Assistant ang maganda niyong lingkod at the same time personal alalay ng boss kong di ko alam ang utak. Pero mabait naman si Mr. AMC at medyo close din kami. Medyo lang hahaha.

Wala ng maitatago sa akin si Sir. Lahat kita ko na kasi. Papa ko ang EA noon ng mga magulang ni Sir Ares pero noong nagkasakit na ang Papa niya, nagretiro na rin si Papa at ako ang ipinalit. Siguro masasabi kong malaki ang tiwala ng pamilya Calligaris sa pamilya ko. Mabait sila at hindi ko rin naman maipagkakailang mananatili talaga sa kumpanya nila ang kanilang mga tauhan.

Pagkatapos kong magluto dito ay pumunta na ako sa living room. Dito na din ako kakain, abusado ba akong empleyado? Hindi naman. Parang kuya ko na din si Sir at ganoon din ang turing niya sa akin. Wala kasi siyang kapatid na babae kaya ako yung pinagtitripan niyang gawin na kapatid.

Lumabas si Sir Ares sa kanyang kwarto na nakabihis na. He is wearing his beige shirt. Bakat ang bisceps, triceps at lahat ng muscles sa katawan niya. Kahit yung ano bakat sa white jeans niya. He is simply wearing his brown leather boots. Ang hot!

"Drooling over me Kath?" Panunukso niya sabay taas taas ng kaliwang kilay niya.

"No Sir. Eww!" Tanging sagot ko at umirap nalang.

"Wala tayo sa office at walang trabaho ngayon Kath. Stop calling me Sir or I'll kick your ass out from this condo without your sandwich? Hmmmm" Kalurkee tong si Sir, pagbabantaan pa ba ako?

"Wala na nga Ares. Sus! Kain kana dun. Chupeh!" Sagot ko nalang.

Pumunta siya ng kusina at ako dito lang sa living room, nakahiga sa sofa niya. Soft and comfy. Yieee!

Buti nalang nagpareserve na ako kagabi kay Nadiel ng bulaklak at buti nalang talaga, always ready ang Florist na yun. Doon si Sir nagpapabili ng flowers palagi, maganda kasi ang mga bulaklak nila at fresh na fresh pa. Malaki tiwala niya kay Nadiel. To quote VIP ang lolo niyo. Hahaha!




Ares' POV

Tinapos ko ang pagkain ng sandwich na gawa ni Kath. Parang kapatid ko na din yun kasi kaya malaki tiwala ko sa kanya. I don't manipulate her and she has her free will pero minsan ang sarap niyang pagtripan. 😂😂😂

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon