Chapter 44

1.3K 42 12
                                    

Writer's POV

She checked her Father's pulse through his carotid artery at wala na talaga siyang naramdaman doon. Mas lalong siyang umiyak.

"Papa." She whispered. Ang bigat ng pakiramdam niya . She can barely breath. Parang anumang segundo ay babagsak na ang katawan niya sa kanyang dinaramdam. Parang tuyo na ang mata niya pero patuloy pa rin ang paghikbi niya. Ngunit di kalauna'y tumulo na din ang luha niya. Tahimik siyang umiiyak habang yakap yakap ang ama. Inaalalayan niya ang kalahati ng katawan nito habang siya ay nakaupo sa sahig.

Bumukas ang pintuan ng silid na iyon at iniluwa si Ortega. Bakas sa mukha nito ang awa kay Monique dahil alam niya ang nararamdaman ng kaibigan sa pagkakataong iyon. Her father was shot also when she was little.

"Cold." Tawag niya dito pero hindi ito lumingon sa kanya. Patuloy lang itong umiiyak.

"Papa." Rinig niyang sambit ng kaibigan. Nilapitan niya ito.

"I'm sorry Cold." Ortega uttered. She squatted beside her and pat her back for comfort.

"Don't say sorry. It's not your fault." Sagot ni Monique sa kanya.

She sighed to what she heard. "I called your brother. I guess papunta na din sila."

Hindi na sumagot si Monique at patuloy nalang siyang umiyak. Alam niyang wala na siyang magagawa sapagkat patay na ang Papa niya. She can't revive him anymore.

Ilang sandali palang ay dumating na si Matthew kasama ang Mama nilang si Monica. Walang katapusang iyak ang maririnig sa kwartong iyon. Mas lalong lumakas nang dumating ang Mama nila. Kahit si Matthew ay hindi napigilan ang umiyak. Mahal na mahal nila ang Papa nila. Lahat ng pagmamahal at pangangailangam nila sa buhay ay ibinigay nito. Hindi ito nagkulang sa kanila bilang isang ama. Tinuro nito sa kanila ang lahat na kailangan nilang malaman at mahal na mahal sila nito ng kanilang Mama.

Lumabas na sila sa building na iyon habang karga ni Matthew ang Papa niya. Bakas ang mga butil ng luha na kumakawala sa mga mata nila. Kahit sila ni Niri at Trisha ay hindi mapigilan ang maluha dahil sa eksena. Nalulungkot sila sa nangyari sa ama ng kaibigan.

Dinala nila ang katawan nito sa hospital para marecognize na patay na ito. Walang humpay ang pagluha ng kanyang ina habang si Monique ay nakaupo lang sa bench sa hallway ng nakayuko at ang mga kamay nito'y nakatakip sa mukha niya. Her breathing isn't normal. May dalang galit ito at sakit. Galit sa mga taong pumatay sa Papa niya at sakit dahil nawalan siya ng ama. Ang pinakamamahal niyang ama. She felt so weak kasi wala siyang nagawa para masagip ang Papa niya. Ano pa ang silbi ng pagiging member niya ng HIA kung di man lang niya naipagtanggol ito.

"Alex." She heard her brother calling her. Tumabi ito sa kanya saka hinagod ang kanyang kaliwang braso. Namumula din ang mga mata nito galing sa kakaiyak. Their father, he has been the best to them.

"Be strong. Be strong for Mama, tayo ang hinihugotan niya ng lakas ngayon. Malalampasan din natin ito." Sabi nito para pagaanin ang kanyang loob.

She wiped her tears with the back of her hand and heaved a deep sigh. Ngumiti ang kakambal niya sa kanya at ganun din ang ginawa niya pero halatang pilit ito. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya na parang hindi pa rin tumitibok ang puso niya dahil sa sakit. Marahil ganoon din ang nararamdaman ng kakambal niya. They are very close to their father kaya mahirap tanggapin na namatay ito sa ganoong paraan. Ngunit may parte rin sa kalooban nila na guminhawa. Ito ay dahil wala na ang scientist na iyon at ang anak nito. Sana lang ay wala ng iba pang tao ang mahimasok sa buhay nila upang tangkain sila.

Lumipas ang ilang araw na namalagi ang labi ni Alexander sa bahay nila. Hindi nila gustong ipirmi ang Papa nila sa isang exclusive chapel. Pinili nilang sa bahay nalang nila upang mas makasama pa nila ito sa maikling panahon.

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon