Chapter 51

1.6K 43 7
                                    

Monique


"Tama ang lead natin last time. This is the location of their big boss." Sabay pindot ni Francis ng isang button sa projector. Nasirado na lahat ng bintana kanina dito sa office ko kaya madilim dito. Ang tanging pinanggagalingan ng asul na ilaw ay ang projector. Makikita doon ang itsura ng area gamit ang mga puting linya that resembles the buildings and other landmarks. Nakatuon ang pointer niya sa isang area. Isa itong building pero mayroong underground, pamilyar.

"Nique." Sambit ni Niri. Lahat silang tatlo ay nakatingin sa akin. I know that they're thinking what I'm thinking.

"Hindi niyo lang masyadong napag-aralan ang area that time." Komento ni Francis na ikinatango ko.

"Besides si Moza lang naman ang rason niya noon kaya napunta siya diyan. But Cold, are you ready?" Tanong sa akin ni Ortega. She is right. My purpose why I went there was because of Niri and Trisha but it caused the death of my father.

"If nandoon ang pakay natin, so be it. I will gladly kill him in the place where they killed my father." Nagsitinginan naman silang tatlo.

"Anyway, yan nalang muna Francis. Marami pa akong gagawin. Pag usapan nalang natin ulit ito sa susunod." I told them and push the button of the remote control para bumukas ang mga bintana. Ayoko ng marefresh pa ulit sa utak ko ang nangyari noon. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit. Avoiding the topic for now will ease the things for me.

"Maglunch nalang muna kayo sa pantry before you leave. Mavy, please bring the foods in the pantry. Thank you." Tawag ko sa secretary ko. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang gagawin kong mga hakbang dahil hindi na ito basta-bastang mission. Kailangan kong maging handa. I need to put my family in the safest place para hindi na sila madamay pa. Ayoko ng mawalan pa.

"You need to be more careful this time, Monique. Kung naghahanda tayo, mas lalong naghahanda sila. They won't stop unless they'll kill you." Komento ni Francis. We are seated and having our lunch. Hinintay talaga nila akong makabalik bago sila kumain. I was thinking na kakain na sila kaagad nang umalis ako kanina.

"I know." Tanging naisagot ko. This time I won't fail. Maghihirap ang mga taong nanakit sa akin noon, lahat sila. Everyone who caused harm to me and to my family. Rage, yun nalang ang meron ako para magkaroon pa ako ng lakas ng loob para maghiganti. Iyon na lang ang aking puhunan para maisakatuparan ko ang mga gusto kong mangyari. ALam kong hindi ito tama lalo na't nadadamay pa ang mga kaibigan ko. But I need them to put my plans into a success.


Nagring ang intercom from my secretary and I answered it. I continued signing the papers when the three left my office. Aside from my plans, I still have a company to attend to at maraming tao ang mas nangangailangan ng tulong ng kompanya namin para mabuhay ang kani-kanilang pamilya.


"Ma'am, Mr. Calligaris wishes to see you." Ano nanaman ang ginagawa ng lalaking ito dito?

"Did he set an appointment?" I asked dahil sa pagkakaalala ko ay wala.

"No Ma'am. But he said he wants to give you something." Hayy. Makulit din ang lahi ng isang ito. Hindi ba niya nararamdaman na hindi ko siya gustong makita? Because whenever I see him, kumukulo ang dugo ko. Parang gusto ko ng pilipitin ang leeg niya. Nabubwisit ako.

"Fine. Let him in." I said nonchalantly. After a while, nakita ko ng nakatayo sa harap ko si Ares. May bitbit siyang red roses and chocolates. I don't find it sweet. Wala na bang bagong style diyan?

"Mr. Calligaris, what brings you here?" I asked him pleasingly. He plastered a smile on his face and offered the roses and chocolates.

"For you. I'm sorry for coming here without notice." He said still with a smile. I wonder what he's up to since I already told him not to court me.

"So, why are you here? And the roses? I believe I already made it clear that I don't want to be courted, Mr. Calligaris." I said and his smile a while a ago faded a bit.

"I'm sorry again but—- "

"Wala na bang ibang salita ang lalabas sa bibig mo kundi sorry na lang? Mr. Calligaris, as a businessman, you know that saying sorry doesn't apply all the time. Any flaws should be fixed and not to be fixed with sorry."

"What do you mean?" He asked. I know that I hit him big time.

"Huwag mo ng ipagpatuloy kung ano pa ang binabalak mo besides hindi kita gusto. Para kang bakla sa paningin ko." I know that it's harsh but I want him to swallow the truth. Sana magpenetrate na sa utak niya na hindi ko siya gusto.

"Bakit?" Parang wala sa sarili niyang tanong.

"You're not that kind of guy that I like. Hindi naman siguro mahirap iyon intindihin di ba? CEO ka, malamang sa malamang malawak ang comprehension mo. So please, leave now. Bring the flowers with you. I'm allergic to chocolates." Sana umalis ka na sa buhay ko.

"I will pursue you." He said at tumalikod na. I know masakit ang mga sinabi ko pero kailangan niyang imulat ang mga mata niya na hindi ko siya gusto.

"You don't have to. Hindi lahat ng bagay para sa'yo." Lalo na't kung binitawan mo. I will never ever bother to say those words in front of you. Mas gusto ko pang masaktan ka hanggang sa unti-unti kang mamatay sa depression. You deserve to die Ares. You deserve to die. Hinding hindi ko na ulit hahayaan na pumasok ka sa sistema ko. Wala ka ng silbi sa buhay ko. Ang pahirapan ka ang gusto ko lang mangyari. Hindi ko idadamay ang ibang tao kundi ikaw lang. Isa ka sa mga rason kung bakit bumalik ako. Gusto ko lang ang kamatayan mo.

to be continued.




Writer's Note:

Just a short update. Marami na rin kasi ang humihingi nito. I'm sorry for being MIA. I'm always busy at nawawalan na ako ng oras na magsulat.

Sa mga silent readers diyan, comment naman kayo. Please don't forget to vote and share!

Till the next update. Ciao!

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon