Writer's POV
Flashback years ago....
"Papa? Papa, I'm scared." Tulala si Monique habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kusang tumulo ang luha ng bata habang hawak siya ng isang scientist sa leeg. She is a cheerful child and very friendly. Hindi makapaniwala ang pamilya niya na hahantong siya sa ganito.
"Papa." Tawag ulit nito. Kaharap nito ang kanyang ama, hawak-hawak ang isang baril na nakatutok sa lalaking kumidnap sa kanya. Takot at galit ang ama nito sa taong iyon. Kinidnap ang bata sa kadahilanang gusto nitong kunin ang utak ng bata para sa isang eksperimento kung saan mapagkakakitaan niya ito ng malaki at magiging sikat siya sa larangan ng siyensa kung maisasakatuparan niya ang kanyang nais.
Nanginginig ang kamay ni Alexander habang nakatutok ang baril kay Antonio. Magaling siyang mag asinta pero natatakot siya na baka sa isang maling galaw niya ay matamaan si Monique. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung matatamaan niya ang kanyang anak.
"Isang maling galaw mo lang Alexander, mapapaaga ang kamatayan ng anak mo. Plano ko pa sanang ako ang bubuhay sa kanya hanggang sa maging handa na ang kanyang utak para sa eksperimento ko pero parang isang maling galaw mo lang, mapapaaga pa yata." Paliwanag nito at agad namang ngumisi ng mala demonyo.
"At ayaw mo nun? Hindi kana masyadong gagastos pa sa anak mong ito. Makakatipid ka pa. Bwahahaha!" Dugtong nito.
"Demonyo ka Antonio! Huwag ang anak ko!" Sigaw nito. Bakit ang anak pa niya? Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ang anak niya pa?
"Wala ka ng magagawa Alexander. Perpekto ang anak mo. Ang utak niya ang magiging susi para sa kasikatan ko. Magiging malaki ang pangalan ko sa larangan ng siyensiya. Kikilalanin ako bilang isang henyo. Magkakaroon ako ng maraming pera. Lahat yan ay mangyayari dahil sa anak mo. Kung magiging matagumpay ang eksperimento ko sa takdang panahon, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Alam mo ba yun? Hahahahaha!" Hindi makapaniwala si Alexander sa naririnig niya. Kung titignan si Antonio, mukha na itong may problema sa pag-iisip. Nasobrahan na ito sa katalinuhan at desperasyon na magiging matagumpay ang kanyang eksperimento.
"Maawa ka sa bata. Ibalik mo na siya sa akin." Pagmamakaawa nito. Hindi niya maatim na makitang nasasaktan ang kanyang anak. Natural iyon dahil isa siyang ama at mahal na mahal niya ang kanyang anak higit pa sa buhay niya.
"Ibaba mo ang baril mo Alexander kung ayaw mong mamatay itong anak mo ng mas maaga." Agad namang sumunod si Alexander at dahan-dahang ibinaba ang baril sa sahig.
"Masunurin ka din pala. Ngayon, lisanin mo ang lugar na ito. Ako na ang bahala sa anak mo. Aalagaan ko siya katulad ng pag-alaga ng isang baboy." Napakuyom ng kamao si Alexander at tutok na tutok ang mata sa takot na anak. Tumutulo pa rin ang maliliit na butil ng luha nito dahil sa takot.
"Papakainin ko siya. Palalakihin at patatabain hanggang sa maging malusog siya at pwede ng katayin." Dahan dahan ang pagkakabigkas niya ng bawat salita at may diin ang mga tao. Pinapalasap niya kay Alexander ang katakot-takot na gagawin niya sa anak nito.
Habang galit na galit naman si Alexander sa kanyang naririnig. Kung pagplanuhan ni Antonio ay parang hayop ang anak niya sa gusto nitong mangyari. Humahanap siya ng tiyempo upang matapos na niya ang takot ng kanyang anak sa kamay ng lalaking kaharap niya. He needs to concentrate para magkaroon siya ng tyansang makasugod dito.
Pinag-aralan niya ang bawat anggulo at mga bagay na posibleng maging susi niya sa kanyang binubuong plano. Hindi niya kakayanin na mamamatay ang musmos niyang anak. Oo nga't matalino ito at masayahing bata pero natatakot siya na baka makaapekto ito sa bata hanggang sa lumaki ito. Mas ikinakatakot niya na baka ma trauma at makakaapekto sa utak ng anak niya. Kung sana'y pwede niyang palitan ang kanyang anak sa sitwasyon nito ngayon ay gagawin niya, maisalba lamang ito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang angking talino ng kanyang anak. She is a genius. Ganun din ang kakambal nito. Parehong espesyal ang utak ng mga anak niya at iyon ang hindi niya pwedeng ipaalam sa kaharap niya ngayong scientist. Kung tutuusin ay pwede ng maging successful ang kanyang eksperimento kahit na bata pa si Monique kung kasama nito ang kanyang kakambal. Without Matthew, the experiment will never succeed. Tanging siya, ang asawa niya at ang mga magulang nila ang nakakaalam sa sikretong iyon. Ngayon nga't wala na ang mga magulang nila ni Monica, dalawa nalang sila ang nakakaalam. Kahit mismo ang mga bata ay hindi ito alam.
BINABASA MO ANG
Try to Tame Miss Cold
RomanceThey're living in the same world where they can get whatever they want. They met in an unlikely way but they ended up together. But he made something that made her rage. Will he try to tame Miss Cold again?
