Chapter 24

3.8K 110 13
                                    



Monica's POV

"Papa, sa palagay mo tamang manligaw ang isang Calligaris sa isang Cold?" Nakahiga na kami ngayong mag asawa sa aming kama. Masyado kaming pagod sa byahe.

Nanggaling kami sa France upang mag asikaso ng aming negosyo doon. Negosyo kung saan hindi pa alam ng aming mga anak.

"Malaki na si Monique, I mean dalaga na siya. Maaaring ito na ang tamang oras upang magkaroon na din siya ng manliligaw." Sagot ng asawa ko.

"Manliligaw ay pwede pero paano kung mahulog na talaga ang loob niya kay Ares? Baka masasaktan lang sjya sa mga maaaring mangyari sa susunod."

"Kaya na iyon ng anak natin. Matalino siya. She is independent. She's no longer a kid Mama. Maaaring matumba siya pero alam kong kakayanin niya yun lahat. Nasa tamang edad na siya, besides we are here to guide here. Hindi natin kailangan pigilan siya sa kanyang nararamdaman. Alam ko mayroong puwang si Ares sa puso niya."

Napabuntong hininga ako sa tinuran ng asawa ko. Maaaring tama siya. Sana nga ay kaya ng anak namin ito.

"Wag ka ng mag isip ng malalim. Matulog na tayo. Alam kong pagod ka na." Tumango nalang ako at hinalikan niya ako sa noo.

"Good night." Sabi niya.

Ngumiti lang ako. "Good night."





Monique's POV

Nagising ako sa sound ng alarm clock. It's 0500HR and I need to make an early shower. Pumasok ako sa banyo at naligo lang. I blow dried my hair at nagsuot ng sports bra ko at leggings plus my work out shoes. I tied my hair into a pony tail at dumiretso sa gym dito sa loob mg bahay.

I did a bit of stretching from head to toe before I proceeded sa treadmill. I had 15 minutes sa treadmill and started to do crunches for 15 counts in 6 sets. Nagpatuloy lang ako sa usual routine ko at pumasok si Alex sa gym.

"Kanina ka pa dito?" He asked me leading into one of the barbels.

"Oo. 6am na eh. Galing ka sa labas?" Pawisan siya, baka nag jogging.

"Yeah." Tanging naisagot niya. He lifted the barbel and do his personal stuff while I, hanging my self upside down. Naka angkla ang mga tuhod ko sa matibay na tubo 8 feet from the floor. I am doing upside down crunches, mahirap pero worth it.

Inversion exercises like this is used to relieve lower back pain. Other potential benefits include improved circulation, improved posture and relief from exercises that compress the spine kaya kahit mahirap kinakaya ko.

Nakita ko si Alex na may hawak na tubo leading to my direction. Huminto siya sa harapan ko while I'm still doing my upside down crunches.

Hinawakan niya ang tubo sa dulo nito at akmang hahampasin ako ngunit napigilian ko iyon. Sinangga ng kamay ko ang tubo at hinigpitan ang hawak ko doon. Nag agawan kami ng tubo pero binitawan niya din ito sa huli.

Mga 5 feet ang haba ng tubo kaya ginawa ko itong stand at humiwalay ang mga tuhod ko sa inaangklahan nitong tubo. It was like a hand stand pero tubo ang pantukod ko. I swing myself at a 180 degrees and landed on the floor. Itinabi ko ang tubo sa kinalalagyan nito.

Nakatalikod ako sa direction ni Alex pero naramdaman kong may isang bagay papunta sa direksyon ko.

Hindi nga ako nagkakamali, tinapon ni Alex ang isang gym ball pero inilagan ko iyon.

"You want to play?" I asked him with a smirk. Puno kaming dalawa ng pawis dahil sa kanya kanyang work out namin.

"The mat is ready. Ang lumampas sa mat ay talo." Sagot niya.

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon