Chapter 54

808 32 3
                                        

Writer's POV

Shock was evident sa mga mukha nina Monica, Monique, at Matthew ngunit nanatiling tahimik sa tabi ang mag asawang Kalyo at Blasing. Matagal ng panahon nang huli nilang makita ang dalawang matandang lalake. Lalo na't sa pagkakaalam nila ay matagal ng patay ang mga ito. Ngayon nga ay nasa harap nila ito na prenteng nakaupo sa sofa at nakangisi sa kanila.

"Papa?"Takang tanong ni Monica.

"Para kang nakakita ng multo Monica."Biro ni Hermano sa anak saka ngumiti at inilahad ang kanyang mga kamay nang tumayo ito.

Hindi naman maipaliwanag ni Monica ang kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nakita. Mahigit isang dekada na ang nakalipas at sa pagkakaalam niya ay namatay na ito. Siya pa naman ang labis na nagdalamhati noong nawala ang kanyang ama nang dahil sa bago lang ulit sila nagkasundo noon. Niyakap naman niya kaagad ang kanyang Papa at napahagulhol ito sa bisig ng kanyang ama.

"Seriously Grandpa? We all thought that you were dead. Literally we're seeing ghosts of two old men who died more than a decade ago."Puna ni Matthew ngunit tahimik lang si Monique.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Matt. Palabiro ka pa rin. Halika nga ditto." While the old Isidoro told him and he also took the chance to hug his grandfather.

"Lolo. Bakit ngayon lang kayo nagpakita?."Ngiting tanong ni Matthew habang nakayakap sa lolo niya.

"Ngayon ang tamang panahon para bumalik kami. Monique, hindi mo ba kami namimiss?"Tanong ni Isidoro nang humiwalay sa yakap niya si Matthew. Si Monica naman ay nanatiling nakayakap sa Papa. Nagpapakita talaga na Papa's girl din ito noong kabataan pa niya.

"Pinapanood niyo lang ba ang lahat ng nangyayari sa amin habang wala kayo?"Hindi maiwasang maitanong ni Monique. All these times ay buhay pala ang mga ito ngunit hindi man lang sila nagpakita or tumulong sa mga nangyayari sa kanya at sa pamilya niya.

"Kung sana nagpakita kayo years ago ay hindi siguro namatay si Papa o hindi ako nakidnap. Hindi siguro ako naging ganito." Saka siya tumalikod at pumanhik patungo sa kwarto niya.

"Ahhhhhhhh! Kung sana nagpakita sila dati pa, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Kung sana tinulungan nila kami, hindi mamamatay si Papa!" Sigaw ni Monique nang makapasok na siya sa kwarto niya. She's been pacing back and forth inside her room with frustration evident on her face and to her movements. Napapakuyom siya ng kanyang kamay at tinungo niya ang secret room sa loob ng kwarto niya. Doon siya nagpalabas ng galit niya. Pinag susuntok at pinagsisipa niya ang isang boxing bag na wala man lang proteksyon ang kamay niya. Sinisigaw na lamang niya ang kanyang galit. Mga butil ng pawis at di kalaunaý mga luha na niya ang tumutulo. Naghahalo na ang mga ito ngunit patuloy lang siya sa pagsuntok at pagsipa sa boxing bag ng walang kapaguran. Hanggang sa napahagulhol na lang siya at napaupo sa sahig nang mapagod siya. She cried her heart out. She cried all her frustrations and anger. She felt betrayed by her own grandparents. It was supposed to be a happy family reunion for others but for her, it was the worst.

"Monique, hija." Tawag sa kanya ni Hermano. Nakapasok ito sa secret room.

Nang marinig niya ang tinig nito ay agad niya itong tinapunan ng matalim na titig.

"Why are you here? Get out." She said calmly.

"We need to talk."Sagot ng lolo niya.

"I said get out!"Sigaw niya ngunit hindi natinag ang dalawang matanda.

"Pa, let's give her some time." Monica suggested but the old man refused.

"No. She can't be like that all the time. Bakit mo sinisisi sa amin ang mga nangyari? Kami ba ang nandito? Sino ang agresibong sumusugod sa kaaway? Kami ba? Sino ang matigas ang ulo? Kami ba? Sumagot ka!" Umalingawngaw ang boses ni Don Isidoro sa loob ng kwartong iyon. Sa dalawang matanda, si Isidoro ang mas strikto. Noong bata pa si Alexander ay palagi nitong tinatama ang pagkakamali ng anak. Hindi niya rin maipagkakailang maaaring nakuha sa kanya ni Monique ang ugaling iyon.

"Take it easy on her Doro."Puna naman ni Hermano.

"Kausapin nalang natin ng maayos." Dugtong niya pa.

"Hija, makinig ka sa amin. We've been watching you, matagal na. Hindi naming kayo pinabayaan. We have people to watch over you and HIA has been with you. Don't you realize that? Kung hindi kami nagtago, worse things could happen to our family at kami ng lolo mo ay ayaw na may mangyaring ganoon sa inyo. Iniingatan namin kayo kaya mag usap tayo ng mahinahon." Pagkasabi niya noon ay ibinaling nalang ni Monique ang kanyang atensyon sa boxing bag. Tumayo siya ulit at humataw ng isang malakas na suntok at sipa that ended up na mabutas ang boxing bag. Ganun siya ka lakas kung galit, nagiging agresibo.

"Take a bath and we'll talk in your mother's office. Go now." Sabi naman ni Isidoro at umexit nanaman si Monique ng walang pasabi.

"Saan ba kasi yan nagmana?"Out of the blue na tanong ni Isidoro.

"Hindi ganyan ka mainitin ang ulo ko. Marahil saýo nagmana yan."Then Hermano chuckled. Isidoro just raised his left eyebrow to Hermano at umismid.

"Halika na. Punta muna tayo sa office. Monica, please pakidalhan mo muna kami ng pagkain sa opisina mo. Baka gutom lang tong si Isidoro at mainit ang ulo niya ngayon."

"Okay Papa, ipapahatid ko nalang doon."Monica replied.








Monique's POV

Now I'm blamed sa mga nangyayari sa buhay ko. Dang it! Pero ako ba talaga ang may kasalanan? Si Papa, siguro kung hindi ako sumugod sa laboratory, hindi rin siya pupunta doon. Noong nakidnap ako noong bata pa ako, kung siguro hindi ako nagging pasaway at hindi ako tumakas upang maglaro sa park hindi siguro ako makikidnap. Ako nga talaga siguro ang may kasalanan. Ako ang mali sa simula't sapul. Ako yung matigas ang ulo. Ako yung nagdadala ng gulo sa buong buhay ng pamilya ko. Ako yung patagong pumasok sa HIA. Ako yung assassin na walang patawad. Ako rin yung babaeng nagmahal ng isang lalake na sasaktan din pala ako. Kung saan ibinigay ko ang lahat pati buo yung puso ko pero pinaglaruan lang din pala ako. Do I deserve these shits in my life? Nagsumikap din ako na maging mabuting tao. Mayroon pa rin namang kabutihan sa puso ko. Pinapatay ko lang iyong may mga malalaking kasalanan. Hindi ako pumapatay ng inosente. Pinpahalagahan ko ang buhay ng mga tao. Gusto kong maging doctor dahil gusto kong tumulong sa aking kapwa. Mahal ko ang pamilya ko. Hindi pa ba iyon sapat na maipakita ko na mabuti akong nilalang sa mundong ito? Kaya kong magsakripisyo para lang sa pamilya ko at sa mga taong mahal ko. Kaya kong ilagay sa alanganin ang buhay ko kung kinakailangan para lang maisalba sila. Kaya kong mamatay para sa kanila. Pero bakit parang ako yung may sala? Bakit parang ako yung ugat ng lahat ng ito. Kung mawawala na ba ako ay matatapos na rin ang lahat ng ito? Kung mamatay na lang kaya ako?








To be continued.......


Writer's Note:

Here is chapter 54! thanks for waiting everyone!


Please leave a comment guys and please do vote for this chapter and might as well not forget to FOLLOW me. hahaha! Yung mga notifs na ina add niyo sa reading lists niyo, yung mga votes niyo, yung finofollow niyo ako, yun ang mga nagpapasaya sa'kin ngayon. Because right now, I'm sad. Hello pala sa mga nag unfollow sakin pala. hahaha!


Hugs!

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon