Chapter 30

4.2K 122 34
                                        



Ares POV

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga sofa lobby ng hotel na pagdadausan ng pre party para sa fashion week. Sadyang hinihintay ko ang pamilya ko para sabay na kaming umakyat sa event hall. Importanteng nandito sina Mama at Papa dahil sila ang pundasyon ng AMCFL. Wala ako sa kung ano ako ngayon kung hindi dahil sa kanila.

Nakita ko ang kambal na Cold papasok sa hotel. Suot ni Monique ang coat ng kapatid niya at kita sa mukha nilang dalawa ang pagkaseryoso. Ano kaya ang nangyari? Ilang araw na din ang nakalipas matapos ang pangyayari sa club. Ni hindi ko kinamusta si Monique. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin lalo na't napagalaman ko mula kay Top na mahirap siyang paamuhin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya pinakilalang business partner lang dati. Ilang gabi ko na ding hindi siya maalis sa isipan ko. Ilang araw ko ng sinusubukang kamustahin siya pero nauunahan ako ng takot. Takot na baka hindi niya ako kausapin. Hanggang sa umabot na sa ganitong sitwasyon na tinitignan ko lang siya sa malayo. She is as stunning as ever. Papunta silang magkambal sa diresksyon ng rest rooms. I admire their closeness. Sadyang makikita mo ang pagka family oriented nila.

Pagkalingon ko sa hotel entrance ay eksakto namang pagkadating nina Mama at Papa kasama ang dalawa kong kapatid. My mother is one of a kind. She is wearing a white gown and Papa with the twins have their tux to fit them.

Sinalubong ko sila ng ngiti at ganun din ang ginawad nila sa akin.

Mama opened her arms expecting me to hug her and so I did.

"Kanina kapa ba dito?" Papa asked and patted my shoulder.

"Hindi naman Pa." Sagot ko at bumaling sa kambal.

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila.

"We're doing good Kuya." Sagot ni Ashton at nag thumb up lang si Asher. Future lawyer and a doctor, how about me? Entrepreneur, tss. Kung sana pinursue ko din ang law school dati eh di sana lawyer na ako pero kailangan kong bigyan ng pansin ang kumpanya namin. Ako ang inaasahan ng mga magulang ko lalo na't hindi maayos ang health status ni Papa.

"Let's proceed to the venue guys." Sabi ko at nagpaunang maglakad papasok sa elevator. Sumunod na din sila at pinindot ko ang button papuntang second floor. Saktong pagsira ng elevator door ay siya ring paglingon ni Monique sa gawi namin. Nagtama ang aming mga mata ngunit ganun pa rin ang nakikita ko. Mga mata niyang walang kislap kundi parang blangko canvas, wala kang makikitang kwento o emosyon man lang. Sadyang kakaiba siyang babae, she's unpredictable though she's known as Miss Cold. Miss Cold for her personality. Mga mata niyang puno ng sikreto na kahit sino ay hindi malalaman kung ano ang nakapaloob dito. She's a treasure box kung ihahambing ko siya sa isang bagay.

Natigil ako sa pag iisip nang tumunog ang elevator hudyat na nasa 2nd floor na kami. Bumungad sa amin ang mga taga media at kabilaan ang pagkuha ng mga litrato.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ni Mama nang makalabas na kami ng elevator. Hinimas niya ang likod ko. Nginitian ko lang siya bilang sagot sa tanong niya.

"Parang ang lalim ng iniisip mo." She said na puno ng pag-aalala di alintana ang media na nasa paligid namin.

"Okay lang po Ma. Kinakabahan lang ako para sa fashion week." Liar Ares. Liar. It's the best that I can say.

Ngumiti si Mama at tumango.

"We trust you son." Si Papa yun na nakahawak sa likod ni Mama habang ang kambal naman ay nagmistulang mga heartthrobs na modelo at panay ang tindig nila na parang mga sikat at gwapo. Well, di ko naman sila masisi because my brothers are definitely good looking at nagmana sila sa akin. Sila din mismo ang mga models ng mga sapatos na pinoproduce ng kumpanya namin. Kaya di maiiwasan na sikat din sila sa mga paaralang pinapasukan nila. They have the looks, brain, money and everything. Habulin din ng mga chicks pero hindi nila pinapansin. They are very devoted to their studies and sang-ayon naman ako dun.

Try to Tame Miss ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon