Kabanata 1

22.2K 469 17
                                    



***
"Ellaine! Diba sinabi ko sayong ayusin mo ang pagplantsa ng mga damit na 'to!" Galit na galit na sigaw sakin ng tita ko.

"Tita sorry po. Di ko naman sinasadyang sunugin ang ibang parte nyang damit nyo." Katwiran ko sa kanya.

"Aba! At sumasagot ka na ngayong bata ka?! Alalahanin mong ako ang dahilan kung bakit nag-aaral parin kayong dalawa nyang kapatid mo!" Sabi nya at sinabunutan ako gamit ang isa nyang kamay.

"Aray tita. Wag nyo naman po akong saktan." Daing ko.

"Naku! Talagang masasaktan ka sakin!"

Pagkatapos akong sermonan ng tita ko ay pumasok na ulit sya sa loob ng bahay. Nandito kase ako sa labas dahil naglalaba ako ng mga damit nina tita.
Hays. Napaluha na lang ako dahil sa pagkaawa ko sa sarili ko at sa kapatid ko.

Wala na kaming magulang. Namatay sila dahil sa car accident. Kinupkop naman kami ng kapatid ko ni Tita. Akala ko magiging maganda ang buhay namin pero impyerno pala ang mararanasan namin. Buti na lang at pinag-aaral parin kami ng kapatid ko.

"Ate. Wag ka ng umiyak. Balang araw ay makakaahon rin tayo sa buhay ng ganto at magiging katulad rin ng dati ang buhay natin." Sabi sakin ng kapatid kong si Harry. 15 years old na sya at nagpapasalamat akong naiintindihan nya ang sitwasyon namin kahit lumaki kaming lahat ng bagay ay nabibili namin dati.

Mayaman kami dati. Masaya at lahat ng bagay nakukuha. Pero simula ng mamatay ang parents namin 2 years ago ay nagbago ang lahat.
Binenta lahat ni tita ang ari-arian namin pagkalibing sa parents namin ni Harry.

Pero ni isa wala kaming perang nakuha mula kay Tita. Lahat ng perang nakuha nya mula sa nabenta nya ay pinangbili lang nya at ng mga anak nya sa mga luho nila.

Wala akong nagawa kase wala na kaming ibang mapupuntahan at wala na kaming ibang alam na kamag-anak bukod kay Tita. 17 years old na ako ngayon. At first year college. At ang kapatid ko naman ay highschool na.
Pareho kaming matalino kaya pareho kaming scholar aming eskwelahan. Nagpapasalamat akong matalino ang mga magulang namin.

"Ate natulala ka na." Sabi ni Harry.

Niyakap ko sya habang nakaupo ako sa maliit na upuan.

"Ate naman! Antanda ko na eh. Niyayakap mo pa ako ng ganyan." Reklamo ng kapatid ko.

Napatawa ako. Binata na talaga ang kapatid ko.

"Osya hindi na. Tulungan mo na lang akong magsampay nitong mga nilabhan ko." Sabi ko at tumayo na.

Malapit na akong matangkaran nitong si Harry. Hays. Nagmana kasi 'to kay Daddy kaya matangkad. Ako naman ay nagmana kay Mommy kaya maliit lang ang height ko. Saklap.

"Nga pala ate. May bibilhin akong materials sa SM mamaya. Kailangan kase para sa experiment namin bukas." Paalam nya sakin habang nagsasampay kami.

"O magkano ba yun?"

"Nako ate. May ipon naman ako kaya wag ka ng magtanong kung magkano. Dahil alam ko namang may mga mas importante ka pang bibilhin." Sabi naman nya.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo naman ate. Ako pa!" Nakangiting sabi nya.

Anggwapo talaga nitong kapatid ko. Di na ako magtataka kung maraming nagkakagusto rito.

"Sige. Basta mag-ingat ka sa pagpunta mo mamaya sa SM." Paalala ko.

"Sure thing ate!"

Maya-maya pa ay natapos na kami sa pagsasampay.

"Ate liligo lang ako." Sabi ni Harry at pumasok na sa loob ng bahay.

Naupo muna ulit ako dito sa maliit na upuan. Bumuntong hininga ako. Pinagsasabay ko ang pagtatarabaho dito sa tita ko at pag-aaral ko. Kung hindi ako gagawa dito , siguradong hindi na kami papag-aralin at pakakainin ni tita. Waring pinapasweldo kaming dalawa ni Harry. Hays.

Simula nung mawala ang yaman namin ay lumayo na sakin ang mga kaibigan ko dati. Siguro kaya lang nila ako kinaibigan ay dahil lang sa mayaman din kami katulad nila pero ngayon ay hindi na kaya lumayo na sila.

Ang katwiran nila ay hindi na ako makakasabay sa gimik at bagay na meron sila. Dahil hindi ko na afford ang mamahaling bagay.

Dun ko nalaman na hindi sila tunay na kaibigan. Mga plastic! Tsk.

Imbis na maghabol sa kanila ay iniwasan at nilayuan ko na lang sila. Bakit ko hahabulin ang mga taong hindi totoo. Ang mga taong kaibigan ka lang pag may kaya sa buhay. Tss.

Pero di ko naman ikakaila na nasaktan ako nung narinig ko yun mula sa kanila. Dahil syempre minahal ko sila kase tinuring ko silang kaibigan ko.

Pero ako hindi nila tinuring na kaibigan.

"Ate! Aalis na ako." Sigaw ni Harry ng nasa gate na sya.

Tiningnan ko sya.

"Mag-iingat ka!" Sigaw ko rin.

Tumango naman sya tapos lumakad na palabas ng gate.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at pumasok na sa loob ng bahay.

Buti na lang at pagkasermon sakin ni tita kanina at pagkapasok sa bahay nya ay umalis rin ito kanina. Kaya nakaalis ang kapatid ko kase siguradong di yon papayagan ni tita.

Malapit lang naman ang SM dito samin at pwedeng lakarin.

Pumasok na ako sa kwarto na pang maid at nahiga sa kama. Buti na lang at kama ang tinutulugan namin ng kapatid ko. Mahirap kayang matulog ng matigas ang hinihigaan mo.

Sana naman pagdating ng panahon ay malampasan na namin ang hirap na nararanasan namin ng kapatid ko. I smiled bitterly, kailan naman 'yon mangyayari?

God please help us.

I sighed.

At dahil na rin sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok at nakatulog.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon