Kabanata : 21 - Fiancé

8.7K 203 2
                                    

2 months had passed simula ng malaman kong may mahal na si Symon at mahal na mahal nya ang babaeng 'yon.

Simula ng malaman ko ang bagay na yun ay umiwas na ako kay Symon. Hindi naman talaga kami close pero ngayon? Mas lalong hindi na.

Mas mabuti siguro na umiwas na lang ako. Baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya naman tuwing dinner, kahit di pa ako tapos kumain ay aalis agad ako pag dumating na si Symon. Siguro nahahalata na nila yon.

Tulad ngayon. Kumakain kami ng breakfast. Bihis na kami ng uniform. Friday kase ngayon. Wala si Symon. Nauna na yatang kumain.

"Ellaine, nakita mo ba si kuya kagabi? Tiningnan ko kase sya kanina sa kwarto nya pero wala sya dun." Sabi ni Genie habang nandito kami sa hapag at kumakain.

"Huh? Akala ko ay nandyan sya." Sagot ko naman.

Kung ganun? Kaya pala di sya nagpakita nung dinner kagabi ay dahil wala talaga sya. Hanggang ngayon? Nasan naman kaya yun.

"Hay. San naman kaya nagsuot yung kuya ko?" Buntong hininga ni Genie.

Si Harry naman ay tahimik lang na kumakain. Napansin kong nagiimikan na ulit sila ni Genie. Mabuti naman kung ganun. Siguro ay napag-usapan na nilang dalawa ang sitwasyon nila.

"Tara na." Sabi ni Harry at tumayo.

Tapos narin naman kaming kumain.
"Wait. Di ba kayo magtotoothbrush man lang?" Nakangiwing tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ay! Oo nga pala." Sabay nilang sabi at tumakbo papuntang kusina.
Napailing na lang ako.
Parang mga bata.

×××

Papunta na sana kami ng kotse ng makasalubong namin si Symon papasok ng mansyon.
Pero hindi sya nag-iisa.
May kaakbay syang maganda at sexy na babaeng nakakulay pula na dress.

Parang may kung anong kutsilyo ang tumarak sa puso ko. Hindi lang isang kutsilyo kundi marami. Maraming-marami...
Gusto kong umiyak ngayon pero umiwas na lang ako ng tingin at tumingin ako kay Genie.

Kumunot ang noo ni Genie.

"Kuya! Sino naman ang babaeng yan!?" Pasigaw na tanong nya bago pa makapasok yung dalawa sa loob.

Tumingin ako dun sa dalawa.
Tumigil si Symon pati na yung babaeng kaakbay nya.

Tumingin sya sakin bago kay Genie.
Nanlamig ako sa way ng pagtingin nya. Sobrang cold. Wala kang makikitang emosyon. Blangko.

"She's my girlfriend. Fiance to be exact." Sagot nya na kinalambot ng tuhod ko.

At dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ay mabilis akong umalis doon at pumasok ng kotse.
Pagkaupo ko sa loob ng kotse ay tumulo agad ang luha ko.

Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko kahit anong pigil ang gawin ko. First time ko magmahal pero nasaktan lang ako.
Bakit kase sya pa e!

Bumukas ang pinto ng kotse kaya naman pinunasan ko agad ang luha ko at pinikit ko ang mata ko.

"Ate.." Si Harry. Minulat ko ang mata ko at niyakap si Harry na nasa tabi ko. Umiyak ako ng umiyak.

Tinatapik naman ni Harry ang likod ko.
"Ansaket Harry! Sobra.." Sabi ko habang umiiyak.
"Iiyak mo lang yan ate.." Sabi nya kaya yun ang ginawa ko.

Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay lumayo na ako kay Harry at pinunasan ang luha ko.

"Ate, bakit ka kase nageyeliner yan tuloy mukha kang aswang." Asar nya sakin.

"Aish! Aswang talaga? Kaasar ka ha!" Inis na sabi ko.

"Teka. Nasan si Genie?" Tanong ko.
"Kinakausap yung kuya nya." Sagot naman ni Harry.

"Ah okay.. Lika nga dito." Sabi ko kay Harry at hinigit ko yung braso nya palapit sakin at ginulo ko ang buhok nya.

"Arrgh! Ate naman! Ilang oras kong inayos yang buhok ko sa harap ng salamin tapos guguluhin mo lang!? Wala kang awa! Ikaw na nga ang dinamayan ko ngayon heartbroken ka e! Iba na lang kase mahalin mo! Yan tuloy! Nagulo pa ang buhok ko! Hmp!" Mahabang sermon nya sakin.
Napatawa ako.

"Harry, mahirap mag-iba ng taong minamahal." Sabi ko.

"Dahil ang love ay hindi parang damit na kapag nadumihan ay papalitan.." Dugtong ko pa.

Natahimik naman si Harry. Siguro naman ay nagets nya ang ibig kong sabihin.

Nagulat kaming dalawa ng malakas na bumukas ang pinto ng driverseat.

"Arrghh! I hate that guy! I hate that bitch!! I hate them both!!!" Sigaw ni Genie at pinalo ng pinalo ang manibela ng kotse.

"Bakit? Anong nangyare?" Tanong ni Harry sa kanya.

Tumigil sa pagwawala si Genie at humarap samin.

"That guy! Yang kuya ko! Baliw na sya! Pakakasalan nya ang babaeng linta na yun! E halata ngang madami ng nakadali dun e! Halata namang malandi yun e!" Sigaw nya na nakapagpangiwi sakin.

Grabe si Genie. Halatang galit talaga sya kase nawawala ang pagiging mabait nya. Pati sa words. Gosh! Yung term nya e.
Napailing na lang ako.

"Hayaan mo na Genie. Siguro ay mahal nya talaga yun kaya nya pakakasalan." Sabi ko naman kahit pakiramdam ko ay durog na yata ang puso ko.

"Hindi! Hindi yun ang babaeng mahal nya!" Sigaw ulit nya.
"Huh?" Takang tugon ko.

Kinuha ni Genie ang bottled water na nasa bag nya at ininom.

"Wala wala. Tara na. Hayaan na lang natin ang dalawang buwisit na yun!" Sabi nya at pinaandar na ang kotse.

×××

Ni isang topic ay wala akong naintindihan. Nandito ako ngayon sa park at nakaupo sa swing. Pinapanuod ko ang mga batang naglalaro ngayong hapon. Mag-isa lang ako. Nagpaalam na rin naman ako kina Genie na gusto ko munang mapag-isa. Itetext ko na lang si Genie pag uuwi na ako.

Ayokong umuwi ng ganito kaaga. Gusto ko pag-uwi ko ay antukin agad ako at makatulog. Ayokong makita si Symon.
Ayokong makita ang babaeng pakakasalan nya.

Papagtuunan ko na lang ang pag-aaral ko. Para makakuha ako ng magandang trabaho pagkatapos ko mag-aral. At para makaalis narin kami ni Harry sa mansyon. Ayoko naman na nandun parin kami pagtapos ikasal ni Symon.

Ako rin ang mahihirapan pag nangyari na nandun parin kami. Baka mamatay na lang ako bigla dahil sa sakit sa puso.

Napangiti ako ng mapait.

I love him..

But..

He don't feel the same way...









**************************************************************************************
-LonelySilent

×AYESH🌷×

Thank you po sa mga magbabasa😘

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon