Tiningnan ko ang wrist watch ko. At 8 PM na pala. Pero ngayon palang nagsisimula ang tunay na party. Di ko alam kung hanggang anong oras 'tong party na ginawa nila para sakin. Nakaupo lang ako dito sa gilid habang sumasayaw ang lahat. Si Harry naman ay kasama si Genie. Sila ang nag-aasikaso sa mga estudyanteng dumalo. Tinanong ko kanina si Harry kung pumasok ba sya sa school nya. Inexcuse naman daw sya ni Symon kaya okay lang na absent sya ngayon.
Speaking of Symon? Di ko na sya nakita simula nung ihatid nya ako dito sa court kanina. Di ko na alam kung san sya nagpunta.
"Uyy! Ellaine! Party mo 'to kaya dapat magsaya ka!"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Genie. Magkasama sila ni Harry.
"Hahaha. Di na ako mahilig sa mga party." Sabi ko at umiling.
Dati ay gustong-gusto kong magparty pero ngayon? Di na ako sanay.
Ilang taon na rin kase ang lumipas."Bahala ka." Sabi ni Genie at hinila na si Harry.
Yung dalawang yun! Parang mas magkapatid pa sila kesa samin ni Harry eh.
Tumayo na ako at pinilit kong makipagsiksikan palabas nitong court.
Ng makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwang. Napakaingay ba naman sa loob at napakasikip pa.
Tahimik..
Naglakad ako sa may field at kitang-kita ko ang napakagandang bilog na buwan. Habang nakatayo ay pinikit ko ang mga mata ko habang nakatingala sa buwan.
At minulat ko ulit. Pinagmasdan ko ng buwan. Napakanda nito. At sobrang nakakaakit."Anong ginagawa mo rito sa labas?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita. Tumingin ako sa nagsalita.
Si Symon, nakatingin sya sa buwan habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya.
Kung makikita nyo lang sya ngayon. Napakacool ng itsura nya. Dagdag mo pa yung pale skin nya. Para syang isang..
Bampira..
Napailing ako sa naisip ko. Dahil sa napanood kong movie ng bampira kaya ito tuloy ang naiisip ko. Nubayan!
"I'm asking you Lady." Cold na sabi nya.
Parang lalo ko tuloy naramdaman ang malamig na simoy ng hangin dito sa field.
"Ahm. Gusto ko munang makalayo dun. Naiingayan na kase ako tsaka ansikip dun." Paliwanag ko.
Tumango lang sya at saka tumingin sakin.
Nagulat ako ng mabilis syang nakalapit sakin. At pumuwesto sa likod ko habang ang bibig nya ay nasa bandang leeg ko.
Nakaramdam ako ng matinding takot. Bakit ambilis nya? Bampira ba talaga sya?
"Your smell is so sweet." Bulong nya sakin na nakapagpatindig ng balahibo ko.
"W-what?" Nanginginig na tanong ko.
Naramdaman ko ang pagngisi nya.
"Are you afraid?" Malamig na bulong nya parin.
"N-no."
"Really? Huh?" Mapang-asar na tanong nya.
Imbis na lalo akong matakot ay linakasan ko ang loob ko at lumayo sa kanya. Hinarap ko sya.
"Symon! Ano bang ginagawa mo?!" Takang tanong ko.
Tiningnan nya ako sa mata at ngumisi.
"Ramdam ko ang takot mo. And you know what? I love it." Sabi nya.
Tumindig lahat yata ng balahibo ko sa istilo ng pananalita nya.
"A-ano bang sinasabi mo dyan!?" Sabi ko na halata na talaga ang takot ko.
"Alam mo? Naaamoy ko ang napakabango mong dugo. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganyan kabangong dugo na dumadaloy sa katawan mo." Parang nababaliw ng sabi nya.
Lalong tumindi ang takot ko.
"I-sa k-ka bang b-bampira?" Tanong ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko.
Imbis na sumagot ay dahan-dahan syang lumalapit sakin. Kaya naman ay umaatras ako.
Lapit
Atras
Lapit
Atras
Lapit
Atras
Tumigil sya at ngumisi na naman.
"Bakit ka lumalayo?"
"Eh ikaw! Bakit ka lumalapit!?" Balik tanong ko sa kanya.
Napasigaw ako ng mabilis syang nakalapit sakin at binuhat ako sabay mabilis na tumakbo papunta kung saan.
Huminto sya at ibinaba ako.
Napaupo ako sa lupa. At takot na lumayo sa kanya.
Tiningnan ko kung san nya ako dinala. Gubat. Napakadilim dito.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakangisi sya sakin.
"H-halimaw k-ka!!" Nanginginig na sigaw ko sa kanya.
"No, honey. I'm not a monster. I'm a Vampire." Sabi nya at dahan-dahang lumabas ang mga pangil nya.
Kahit nahihilo pa ay dali-dali akong tumayo at tumakbo.
Di ko alam kung san ako makakarating basta ang nasa isip ko lang ay ang tumakbo at makatakas kay Symon.
Habang tumatakbo ay tumulo na ang luha ko. Anong gagawin ko?
Takbo lang ako ng takbo ng may humigit sakin at kinagat ako sa leeg.
Nanghina ang katawan ko at di ko na alam ang sumunod na nangyari.
***
Minulat ko ang mga mata ko.
Agad tiningnan ang paligid. Nandito ako sa kwarto dito sa mansyon. Napaupo ako bigla. Pero agad akong napangiwi ng makaramdam ng sakit sa bandang leeg ko. Hinawakan ko 'to at napaigik ako sa sakit.
Naalala ko yung kagabi. Totoo ba yun?
Bumukas ang pinto at bumungad si Harry.
Agad syang lumapit sakin.
"Ate! Ayos ka na ba?" Tanong agad nya.
"Anong nangyare?"
"Nakita ka naming nakabulagta sa gitna ng field ate. Buti na lang at kasama namin si kuya Symon kaya binuhat ka nya hanggang kotse tapos sya pa ang nagbuhat sa'yo dito sa kwarto. Ano ba kaseng nangyare sayo ate?" Sabi ni Harry.
Kumunot ang noo ko. Pero ang alam ko ay nasa gubat ako kasama ang bampirang si Symon!
"Harry iabot mo nga sakin yang salamin! Dali!" Sabi ko kay Harry at inabot nya sakin yung salamin na nakasabit sa dingding dito sa kwarto.
Tinapat ko sa leeg kong mahapdi yung salamin. Pero laking gulat ko ng walang anumang bahid ng sugat doon.
Pero bakit masakit?"Ate? Okay ka lang ba?" Tanong ni Harry.
"Ahm Harry. Pakisabi kay Genie na di ako makakapasok. Masama kase ang pakiramdam ko." Matamlay na sabi ko at humiga na ulit.
Di na sumagot si Harry at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
Totoo bang lahat ng nangyare kagabi? Totoo bang bampira si Symon? O lahat ng yon ay imagination ko lang? Pero bakit ako nahimatay sa field? Aish! Di ko talaga alam kung anong nangyare.
Dahil sa bigat ng pakiramdam ko ay nakatulog na ulit ako.
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...