Kabanata : 24 - Sisihan..

8.1K 190 6
                                    

Genie's POV

"Kung hindi dahil sa'yo edi sana walang nangyaring masama kay Ellaine! I really really hate you!!" Umiiyak na sabi ko kay kuya. Pinapalo ko pa sya.
Wala naman syang sinasabi. Tahimik lang sya.
Nung napagod na ako ay umupo na lang ako sa upuan dito sa hospital na para sa mga taong naghihintay sa tabi ng emergency room.

Iyak lang ako ng iyak.

Napatingin ako sa gawi ni Harry. Nakatulala lang sya. Malalim ang iniisip.
Gusto ko sana syang lapitan pero hindi ko na lang muna gagawin. Mas mabuti muna siguro na makapag-isip sya.

Tumingin ako sa pinto ng emergency room kung saan ay nandoon si Ellaine. Madaming nawalang dugo sa katawan nya kaya paniguradong kritikal ang kalagayan nya.
Napatayo ako ng bumukas ang pinto ng ER.
Nilapitan ko agad ang doctor.

"Kamusta na po ang kaibigan ko?" Nag-aalalang tanong ko.

Binigyan ako ng malungkot na mukha ng doctor.
"Masyadong malubha ang kalagayan ng kaibigan mo. Madaming naapektuhan sa parte ng katawan nyang tinamaan ng kutsilyo. Marami ring dugo ang nawala sa kanya. I don't think she can survive. Himala na lang kung magiging maayos pa sya. Aaminin ko na. Na makina na lang ang nagpapahinga sa kanya ngaun." Sabi ng doctor at umalis.

Nanlumo ako sa narinig ko at napaupo sa sahig. Okay lang sana kung bampira si Ellaine. Dahil ang mga bampira, pag may sugat ay kusang naghihilom pwera na nga lang kung puso ang tinamaan. Pero hindi e.. Tao si Ellaine kaya ngayon ay may posibilidad na mamatay sya.

Tumingin ako sa kuya ko habang nakaupo pa rin sa sahig.
"Ano? Masaya ka na ba? Ha!? Masaya ka na ba na may posibilidad ng mamatay ang kaibigan ko!? I hate you Symon!" Sigaw ko sa kanya at tumayo na. Tiningnan ko si Harry na nakaupo habang nakapikit. Nakasandal yung ulo nya sa pader.
Lumapit ako sa kanya.

"Harry.." Sabi ko sa mahinang boses.
Kitang-kita ko ang pagpatak ng luha nya kahit nakapikit sya.

"Mahal na mahal ko sya.. Mahal na mahal ko ang ate ko.. Hindi sya pwedeng mawala. Hindi pwede.." Sabi nya at nagcrack na yung boses nya.

"Sshh. Hindi sya mawawala. Gagaling sya.." Sabi ko at niyakap ko sya.
Ngayon, kitang-kita ko na talaga ang pag-iyak nya.

Mahal na mahal talaga ni Harry ang ate nya.

Ellaine, sana gumaling ka na.

×××

Harry's POV

Nakatulala na naman ako. Nandito ako sa labas ng ICU. Hindi ko kayang puntahan si ate. Wala akong lakas na tingnan sya na sa ganung kalagayan. Kanina ay nilipat sya dun. Pero ni isang tingin mula ng ilipat sya ay hindi ko ginawa. Hindi ko sya titingnan hangga't hindi sya gumigising.

"Harry.."

Napatingin ako kay Genie na may dalang supot. Sa tingin ko ay pagkain.

"Kumain ka muna." Sabi nya.
Umiling ako.
"Wala akong gana."

Bumuntong hininga sya.
"Harry, sa tingin mo ba ay matutuwa ang ate mo pag nalaman nyang nagpapalipas ka ng gutom?"

Tumawa ako ng mapakla at tiningnan sya sa mata.
"Pa'no nya naman malalaman ang bagay na yan? E nandyan nga sya sa loob na yan!" Sabi ko sabay turo dun sa ICU room. "Nandyan sya habang walang malay! Nandyan sya nakahiga at hindi natin alam kung gagaling pa sya! At hindi natin alam kung mamamatay sya!!" Sigaw ko kay Genie. Alam kong mali na sigawan ko sya dahil concern lang naman sya pero I can't help it. Masyado na akong nag-aalala sa ate ko.

"Hindi naman yata tama na sigawan mo ang kapatid ko, harry." Tumingin ako ng masama kay kuya Symon.

Tumayo ako. Mas matangkad sya sakin kaya medyo nakatingala ako ng konti sa kanya.
"Alam mo!? Ikaw ang pinakapuno't-dulo kung bakit nandito ngayon sa ospital si ate habang nag-aagaw buhay! Akala ko iba ka! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari! Kung alam ko lang! Sa oras na magising si ate! Hinding-hindi mo na kami makikita gaya ng gusto mo.." Sumbat ko sa kanya.
Tahimik lang naman sya.

Umupo na lang ulit ako sa silya.
Napahilamos ako sa mukha ko.

Don't worry ate Ellaine.. Paggising mo, sasabihin ko sayo ang mga lihim na itinago ko. Mga lihim na magpapabago ng buhay natin.

×××

Genie's POV

Nakaupo ako malayo kay Harry. Hindi ko sya malapitan dahil natatakot akong baka magwala na naman sya dahil sa galit.

Kanina pa umalis si kuya. Tss. If I know ay pupuntahan nun yung higad at sipsip nyang fiance! Tsk.

Hindi ako pedeng umalis dito sa ospital dahil ni isang tingin ay ayaw gawin ni Harry sa ate nya. Walang magbabantay sa ate nya pag ganun. Ayaw nya man lang itong tingnan. Hays.

"Hays.." Sabi ko at bumuntong hininga.

Sana lang magising na si Ellaine.

Naalala ko nung time na tinulak ni Ellaine si Sipsip na fiance ni kuya. Bakit parang anlakas naman ni Ellaine? Hindi yun normal para sa isang taong gaya nya. Nakakapagtaka. Aish! Nevermind na lang.

Alam kong nagtataka kayo kung paanong naisugod agad namin si Ellaine dito sa hospital..

×flashback×

"ELLAINE!/ATE!" Sabay na sigaw namin ni Harry.

Tumagos sa tiyan nya yung kutsilyo at bumagsak sya sa kalsada.

Nilapitan namin si Ellaine.

"Ellaine, gumising ka please!" Nagmamakaawang sabi ko sa katawan nyang nakahandusay. Wala na syang malay.
"Anong gagawin natin?" Nagpapanic na sabi naman ni Harry.

Tumingin ako sa tatlong lalaking bampira na may kasalanan kung bakit nandito sa kalagayang ito ngayon si Elle.

"Hahahaha. Wow! May tagapagligtas ka na pala ngayon Scott." Natatwang sabi nilang tatlo.

Ramdam kong pumula na ang mata ko at lumabas na ang pangil ko.

Susugod na ako ng..

"Ako na Gen." Napatingin ako sa humarang sa'kin.

"Kuya Sy.." Mahinang banggit ko.

Tumingin sakin si Kuya.

Pulang-pula ang mata nya at nakalabas ang pangil nya.

Tumingin sya dun sa tatlo at sinugod sila.
Kinagat ni kuya ang leeg nila at kinuha nya yung puso nung tatlo. Sobrang bilis ng galaw na ginawa nya.

Tumingin sya samin.

Puno ng dugo ang bibig nya at kamay nya. Kung normal na tao lang siguro ako ay malamang na nanginginig na ako sa takot dahil sa ginawa nya.

Nawala na ang pangil ko at pamumula ng mata ko.

Kaya naman lumapit ulit ako sa pwesto nina Elle.

"Andami ng dugong nawawala sa kanya.." Natatakot na nagpapanic na sabi ni Harry.

Lumapit si kuya samin at binuhat si Elle papuntang kotse. Sumunod rin kami ni Harry.

"San tayo pupunta kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Hospital." Maikling sagot nya.

Buti na lang at dumating si kuya.

Pero sinisisi ko sya sa nangyari ngayon kay Ellaine..

×end of flashback×

Yun ang nangyare.

Hays. Sana lang magising na si Ellaine..














**************************************************************************************
-LonelySilent

×AYESH🌷×

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon