Hindi na naman ako natulog kaya naman gising na ako ngayong ala una ng madaling araw.Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang paligid. Madilim pero kita pa rin naman ang daan.
Bumaba ako ng hagdan at pagkababa ko ay dumiretso naman ako sa kusina.
Binuksan ko ang refrigerator saka ko kinuha yung gatas.
Nilagay ko yung gatas sa baso at saka ininom. Pero konti pa lang ang naiinom ko ng mapatakbo agad ako sa lababo saka sumuka. Shet! Ang asim nung gatas!
"Huh! Masarap ba? Masarap ba ang gatas na nilagyan ng kalamansi?"
Napatingin ako sa nagsalita.
Bitch! Si Hannah!
"Ikaw ang may pakana nito?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na naman na sya talaga.
"Oo. May angal ka?" Nakangising sagot nya habang nakacrossarms pa.
"Ano bang ginawa ko sa'yo at ginawa mo ang bagay na 'to?" Kunot noong sabi ko.
"Wala naman. I just want to have fun in this mansion." Sabi nya.
"Baket? Anong tingin mo sakin? Isang laruan?" Inis na sambit ko.
She smirked.
"Oo. Isa kang laruan na dapat paglaruan. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin sayo. Papaikutin ko ang mundo mo. Hindi kita hahayaang kumilos ng sarili mo! Dahil isa ka lang laruan na dapat ay hindi iniingatan! Kundi ay dapat sinasaktan!" Galit na sabi nya sakin.Kumunot ang noo ko.
"Anong problema mo sakin? Eh kagabi lang naman tayo nagkakilala. Hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. How come na galit ka agad sakin?""Alam mo kung bakit? Kase masyado ka nyang gustong ingatan!"
"Huh? Sino?" Takang tanong ko.
"Di ako tanga para sabihin sayo kung sino. Ayokong magkaroon kayo ng ugnayan sa isa't-isa." Sabi nya at tumalikod na saka mabilis na nawala.
Naiwan akong nakatulala sa pwesto kung saan ay nakatayo kanina si Hannah. Sino naman ang tinutukoy nya?
Kelangan ba talagang isipin ko lahat? Tulad nung lalaking nakita ko sa mga puno nung time na nandun ako sa balcony. Tapos ngayon, eto namang sinabi ni Hannah. Sino naman ang gusto akong ingatan? Anggulo!
Imbis na tumunganga ay bumalik na lang ako sa kwarto.
Pagkapasok ay umupo agad ako sa kama.
Tapos ay humiga na ako.
Bakit may mga bagay at tao na pilit akong ginugulo?
×××
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon nga ay 7 AM na.
Lumabas ako ng kwarto na nakabihis na.
Naligo na ako at nag-ayos kanina para kakain na lamang ako.
Saktong bababa na sana ako ng hagdan ng magkasabay kami ni Hannah at bigla ba naman akong inirapan saka nauna na sa pagbaba.
Napansin ko lang. Lagi syang nakablack. Tapos yung lipstick nya ay black din. Aaminin ko na maganda at sexy sya. Kaso ansama rin ng ugali. Kaya siguro di rin sya magawang magustuhan ni Symon ay dahil sa kapangitan ng ugali nya.
Buti na lamang ako. Kung papipiliin si Symon between me and Hannah. Dapat ang piliin nya ay ako. Dahil MABAIT, MAGANDA, AT MATALINO AKO! Kaya dapat ako ang piliin nya. Di na sya lugi sakin.
Kabaitan lang ang wala si Hannah pero overall ay pasado sya.
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...