••••
Symon's POV
Lumapit ako kay Ellaine at hinawakan ko ang isa nyang kamay. Napatingin naman siya sa akin. Ngumiti siya. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo at dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa noo nya at hinalikan doon.
Pagkatapos ay tumitig ulit ako sa kanya.i
"Ipangako mo na hindi mo ako iiwan."
Mahinang sabi ko sa kanya."Promises are meant to be broken, Symon. Pero kahit anong mangyari, hindi ako lalayo sa'yo." Seryosong sabi nya.
Tumango ako.
"Aasahan ko yan, Ellaine."Ngayon na ang araw ng laban. Nandito na kami at naghihintay sa kanila. Napatingin ako kay Steve na pinsan pala ni Ellaine. Alam kong kinakabahan rin siya sa mangyayari.
Ang inaalala ko lang ngayon ay si Ellaine.Napatingin ako kina Genie at Harry na magkahawak kamay at nag-uusap. Wala akong alam kung ano nang meron sa dalawang yan.
Gabi ngayon at bilog na bilog ang buwan. Malamig rin ang simoy ng hangin. Sobra rin ang liwanag na binibigay ng buwan sa amin. Napakagandang pagmasdan ng buwan.
Sana kung gaano kaganda ang buwan ay ganun din ang maging resulta sa amin ng mangyayaring labanan.
Maya-maya pa ay dumating na sila.
At nagulat ako sa isang babaeng kasama nila. Si Hannah?Anong ginagawa ni Hannah? At bakit kasama nya sila?
Ngumisi yung pinakapinuno nila. Siya si..
"Deumus.." Banggit ni Ellaine sa pangalan ng pinuno nila.
Nakita ko namang ngumisi si Deumus. Pangalan pa lang nya ay pangdemonyo na. Tss -_-
"Ellaine, sawakas ngayon na ang hinihintay kong araw para ikaw ay patayin. Hindi ako nagtagumpay noon pero sisiguruhin kong mamamatay ka na ngayon." Sabi ni Deumus at ngumiti na parang isang pangit na Demonyo.
Sa lahat ng bampirang nakita ko na. Siya lang ang pinakapangit sa lahat ng bampira. Psh -,-
Gumanti naman ng ngisi si Ellaine.
"May pakiramdam ako na hindi ka parin magtatagumpay ngayon. And you know what? Bago ako mamatay, sisiguraduhin ko munang hindi ka na buhay."Pumula ang mata ni Deumus at inutusan ang mga bampirang kakampi nya na sugudin kami.
Bago makarating sa amin ang mga bampira ay tumingin sa akin si Ellaine.
"I love you, Symon."Kinabahan ako sa istilo ng pagsasabi nya sa akin na mahal nya ako. May kakaibang kaba na namutawi sa puso ko.
"I love you too, Ellaine." Sagot ko sa kabila ng kabang nararamdaman ko.Tapos nun ay nagsimula na kaming lumaban.
May isang sumugod sa akin pero agad ko itong nadukutan ng puso at kusa itong naglaho.
Pag may bampira akong napapatay ay tumitingin ako kay Ellaine. May kakaiba talaga siyang lakas. Malapit na siyang makaabot sa pwesto ni Deumus. Lalong lumakas ang kaba ko. Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at inisip yung sinabi ni Ellaine kanina sa akin na hindi siya lalayo sa akin.
Ibig sabihin lang nun ay hindi nya ako iiwan.Kanina pa ako nakikipaglaban dito pero parang hindi nauubos ang mga kalaban.
Buti na lamang at may kakaiba rin akong lakas para hindi mahirapan na talunin ang lahat ng bampira.
Napatingin ako sa ibang bampira na kakampi namin. Nakikita kong buong lakas ang ginagamit nila upang maubos lahat ang mga kalaban.
Biglang tumigil ang mga mga sumusugod sa akin at umalis saka lumaban sa iba naming kakampi. Nakakapagtaka.
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...