Kabanata 6

12.1K 283 5
                                    



Sabado ngayon kaya nakatambay lang kami dito sa bahay. Buti na lang at may T.V rito sa mansyon nina Genie. At infairness ay hindi naman makaluma. Flatscreen eh. Akala ko kase puro makaluma lang ang mga gamit rito.

Nung unang pasok namin rito ay akala ko walang T.V . May sarili lang pala itong taguan. Galing! Hahaha.

Buti na lang at napansin ni Genie na nabobored kami ni Harry kaya itinuro nya samin ang T.V.

"Ate." Tawag sakin ni Harry.

Tumingin ako sa kanya.

"O?"

"May napapansin ka ba sa kuya ni ate Genie?" Bulong nya sakin.

Kumunot ang noo ko.

"Ha? Ano namang napapansin?"

"Kase kagabi. Nagising ako ng madaling araw. Eh nauhaw ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Tapos nakita ko kung kuya ni ate Genie." Sabi nya.

"O? Ano bang nakita mong ginagawa nya?" Tanong ko.

"Kase may iniinom syang pulang-pulang inumin. Akala ko nga wine ehh. Pero parang hindi kase sobrang pula eh. Tapos nasa may pinto sya. At bukas yung pinto tapos nakatingala sya sa maliwanag na buwan. Ang creepy ng dating eh pero ang cool." Natutuwang sabi ni Harry.

Dahil sa pagtawa nya ay bineltukan ko sya.

"Aray naman ate." Daing nya.

"Para ka kasing tanga dyan na natutuwa pa." Asar na sabi ko.

"Eh tunay naman ate ehh. Ang cool. Kase nakahubad pa ang t-shirt nya nun habang nainom ng pulang inumin tapos nakatanaw sa maliwanag na buwan. Para syang isang bampira. Hahaha." Natatawang sabi nya.

"Nako Harry! Tumigil ka nga. Baka marinig ka ni Genie ehh. Nakikitira na nga lang tayo dito kaya wag ka ng magchismis dyan. Daig mo pa babae ehh." Saway ko sa kanya.

"KJ mo talaga ate." Sabi nya.

Di na lang ako nagsalita at tinuon ang atensyon sa pinapanood namin.

Pero sumagi sa isipan ko yung sinabi ni Harry na nakahubad ng T-shirt yung kuya ni Genie. Tama kaya yung hinala kong may abs sya? Ilan kaya yung abs nya?

"Ilan kaya?"

Napatakip ako ng bibig ko ng marealize kong naisatinig ko pla ang iniisip ko.

"Anong ilan ate?" Nagtatakang tanong ni Harry.

"Ah wala wala." Sabi ko na lang.

Nagkibit balikat na lang sya at nanood ulit.

Nakakapagtaka naman at kanina pa naliligo si Genie. Nilamon na siguro yon ng bathtub.

Tumayo ako at nagpasyang lumabas ng mansyon. Nakakabagot na sa loob.

Katamtaman lang ang init ng araw kahit 12 na ng tanghali.
Kaya siguro maputla sina Genie at kuya nya kase halos wala ng sikat ng araw dito sa kanila.

Anlaki ng garden nila. Umupo ako sa upuan na meron dito sa garden. Angganda dito kase punong-puno ng mga roses.

Sino kayang nag-aalaga sa mga bulaklak na 'to? Wala naman kasing maids dito sa mansyon nina Genie.

Tumayo ako at lumapit sa mga bulaklak. Kukuha sana ako ng isa ng may malamig na boses ang pumigil sakin.

"Tapos? Anong gagawin mo sa rose na yan pag nabunot mo na?" Tanong nya sakin.

Humarap ako sa kanya.
Napigil ko na naman ang aking paghinga.

"Wala na." Sagot ko.

"See? Kukuhanin mo pero di mo naman alam ang gagawin sa kanya. Bagkus siguradong itatapon mo lang din pag nalanta na." Seryosong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ahm. Sorry. Di ko naman alam na bawal pumitas ng bulaklak rito." Nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin.

Masyado akong nalulunod sa mga tingin nya kaya mas mabuting umiwas na lang.

"Wala akong sinabing bawal." Dipensa nya.

Tumingin ulit ako sa kanya pero tumalikod na sya at aalis na.

"Wait!" Tawag ko.

Tumigil sya at humarap ulit sakin.

"Why?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"Ahm. Ah. What's your name?" Tanong ko at umiwas ng tingin ulit dahil sa hiya.

Kahihiyan! Gosh!

"Symon." Sabi nya at tumalikod na saka lumakad papasok ng bahay.

Symon? Yun ang name nya! Yes nalaman ko rin sa wakas! Alam ko na ang name ng crush ko!! Kinikilig ako! Tapos kinausap pa nya ako ngayon! Gosh! Happiness!

Nakangiti ako habang tumatalon sa tuwa.

"Ahm anong nangyayare sayo Ellaine?" Napatigil ako.

Si Genie pala.

"Ahehe. Wala lang." Awkward na sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"Bakit ka nga pala andito? Tapos ka na bang maligo?" Tanong ko naman.

"Ah oo. Tapos na. Hinanap kita kase baka kung san ka na nagpunta. Malawak pa naman dito. Lalo na at delikado sa gubat." Sabi nya.

Tumango na lang ako at pumasok na kami sa loob.

Sheez! Buti na lang at hindi na sya nagtanong pa. Pagpasok namin ay wala sa sala ang kuya nya. Siguro nasa library. Nabanggit kasi sakin ni Genie na ang library daw dito sa bahay ang tambayan ng kuya nya. At ayaw daw nito na iniistorbo sya pag nakatambay 'to roon.

Napakaintrovert pala ng crush ko. Hmm.

Siguro madaming sikreto yun. Kase di sya palakuwento so, sinasarili nya lahat ng bagay na meron sya.

Interesting rin pala ang buhay ng crush ko. Yikes! Balang araw , malalaman ko rin yon! Aja!

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon