Kabanata : 34 - New Family?

7.3K 159 8
                                    

Ellaine's POV

Minulat ko ang mga mata ko.

"Hon, gising na sya."

Napatingin ako sa nagsalita.

May lumapit naman sa kanyang isang babae. Tingin ko ay magboyfriend/girlfriend sila.

"Sino kayo?" Tanong ko sa mahinang boses. Uhaw na ako at gutom.

"Kumain ka muna. Buti na lamang at nagising ka na. Pangalawang gabi mo na rito." Sabi nung babae at iniabot sakin ang tray na may pagkain.

Agad ko naman itong kinuha at nagsimulang kumain. Alam kong kung titingnan ako ngayon ay para akong taong nakulong ng matagal sa kulungan ng hindi kumain ng isang linggo.

Sa ngayon, di ko muna iintindihin ang kahihiyan dahil gutom na gutom na talaga ako. Kung mag-iinarte pa ako sa kalagayan kong ito ay malamang na mamamatay ako.

Napatigil ako sa pagsubo ng mabilaukan ako.

Agad namang kumuha ng tubig yung babae at ibinigay sakin.
Ininom ko naman ito.

"Salamat." Sagot ko at nagpatuloy ulit sa pagkain.

Wala na talaga akong kahihiyan. Dito pa ako sa kama kumakain.

Pagkatapos kong maubos ang pagkain at uminom ng tubig ay kinuha na nila yung pinagkainan ko at inilagay sa isang tabi.

Napatakip ako ng bibig ng bigla akong dumighay.

"Sorry." Hinging dispensa ko ng mapatingin sila at marinig ang dighay ko.

Ngumiti lang sila ng tipid.

"Ahm, ayos ka na ba?" Tanong nung babae. Maganda sya at halatang anak mayaman dahil sa makinis na balat.

"Ah, oo. Maraming salamat sa inyo. Pano nyo pala ako nakita?" Sabi ko.

"Pabalik na sana kami ng mansyon ng makita kitang nakahiga na sa gitna na ng kalsada. Kaya naman dinala ka namin dito at pinatingnan ka narin namin sa personal doctor namin." Sabi naman nung lalaki. Gwapo sya at may makinis rin na balat. Bagay talaga silang dalawa.

"Maraming salamat sa tulong nyong dalawa." Pagpapasalamat ko sa kanila.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong naman nung babae na nakapagpatahimik sakin.

Naisip kong wala na pala akong mapupuntahan dahil hindi na ako parte ng buhay nina Genie. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin.

"Actually, wala na akong matitirhan." Malungkot na sabi ko at napatungo.

"Really?!" Masayang sabi nung babae.

Napatunghay naman ako at tumingin sa kanya.

"Oo." Sagot ko naman.

Tumingin sya sa lalaki at ngumiti.

"Pede ba kitang akuin na parang sarili kong anak?" Nakangiting sabi nung babae.

Napakunot ang noo ko. Huh? Gusto nya akong maging anak? Juiceme! Kebabata na talaga ng mga nag-aasawa ngayon. Siguro ay mag-asawa sila. Nagpakasal sila ng maaga!? Iba na talaga panahon ngayon. Sabagay, baka mayaman naman sila at kaya ng bumuhay ng mga anak. Speaking of anak.

Tumingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mata.

"Maaga kayong nagpakasal no?" Tanong ko.

Kumunot naman ang noo nila.
"Huh? Hindi naman. Kase nagpakasal kami ay 30 na sya tapos ako ay 35 nung magpakasal kami noon. Matanda na nga kami nung magpakasal e iha." Sabi nung lalaki na nakapagpabilog ng mata ko.

"Ha? Eh ilan taon na kayo ngayon?"

"Ako ay 100 years old na tapos sya naman ay 105 na." Sabi nung babae at tinuro yung lalaki.

WTHell!

Seriously??

"B-bampira k-kayo?" Nauutal na tanong ko.

"Oo, ganun na nga iha." Ngumiti ng alinlangan ang mag-asawa.

Hinihintay nila ang magiging reaksyon ko.

"A-ah. Okay po." Sabi ko na lang.

"So, pumapayag ka na ba?" Nakangiting sabi nung babae.

Nakakaguilty naman kung hindi ako papayag samantalang tinulungan nila ako.
Tumango naman ako.

Nabigla ako ng bigla akong niyakap nung babae.

Agad rin naman syang bumitaw.

Nakita ko pa kung pano nya pinunasan ang pisngi nya. Umiyak sya?

"Ah eh, wala po ba kayong mga anak?" Curious na tanong ko.

Nakita ko namang nagkaroon ng lungkot ang mga mata nila.

"Meron, dalawa sila. Panganay na babae at bunsong lalaki. Pero..
Bigla na lang silang nawala. Hindi namin alam kung sino ang kumuha sa kanila ng sabay.

Nung panahong yon ay marami kaming mga kaaway sa negosyo at kapangyarihan kaya naman may posibilidad na sila ang kumuha sa mga anak namin..
Hindi ko lang alam kung pinatay ba nila.. Dahil kung hindi edi sana ay bumalik na ang mga anak namin.

30 years old na ang panganay namin noon. At 20 years old naman ang bunso namin. May mga isip na sila kaya naman kaya na nilang bumalik pero hindi.. Baka nga wala na sila..." Malungkot na kwento nung lalaki.

Bigla naman akong nakaramdam ng sakit at lungkot sa kwento nila.
Edi sobrang matanda na rin pala yung mga anak nila kung sakaling buhay pa ang mga ito.

"Ah, sorry po at tinanong ko pa." Hinging dispensa ko.

"Okay lang." Sabi naman nila at ngumiti.

"Ako nga po pala si Ellaine Smith." Nakangiting pagpapakilala ko.

"Ako naman si Emelia Ford." Nakangiti ring sabi nung babae.
"Ako naman si Rupert Ford." Pagpapakilala naman nung lalaki.

"Simula ngaun ay tatawagin mo na akong mommy! At sya naman ang 'yong daddy!" Masayang sabi ni Emi-- err mommy at tinuro ang asawa nya.

"O sya sige na. Magpahinga ka muna. Bukas ay may pupuntahan tayo." Nakangiting sabi ni m-mommy.

"Ah okay po m-mom." Sabi ko na nakapagpalapad ng ngiti nya.

"Goodnight daughter." Sabay nilang sabi.

"G-goodnight m-mommy, d-daddy." Sabi ko sa kanila.

Tapos nun ay lumabas na sila ng kwarto.

Pangalawang gabi ko na pala rito. Antagal ko palang nakatulog.
Bumuntong hininga ako. Wala na akong choice kundi tanggapin itong bago kong buhay dahil wala na akong mapupuntahan pa.

Pinikit ko na lang ang mata ko sabay ng pagpatak ng luha ko.

Naalala ko na naman ang mga taong mahal ko na sinaktan lang ako.

Bakit nila nagawa ang bagay na 'yon?












××××××××××××××××××××××××××××××××××××

-LonelySilent

×AYESH🌷× LS

Vote. Comment.

Tenkyu! ♥

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon