Kabanata 43 - Kuyang Stranger (KS)

7.6K 166 5
                                    

••••

Ellaine's POV

Gaya ng lagi kong ginagawa ay nandito na naman ako sa office habang pinipirmahan ang mga importanteng papeles na dapat kong pirmahan.
Kahapon ay umuwi na rin kaagad si Harry pagkatapos naming mag-usap at magkulitan.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng may pumasok sa isip ko. Oo nga at marami kami para labanan sila. Pero naisip ko na mas marami parin sila kesa sa amin. Kailangan kong maghanap pa ng mas maraming bampira para talunin sila. Hindi pwedeng kaunti lang kami. Hindi ko naman minamaliit ang mga kakampi ko pero mas mabuti na yung sigurado. Kung mas marami kami mas mapapabilis namin ang pagpatay sa kanilang lahat ng walang natitira.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at may tinawagan. Si Eli. Nakabalik na sya kagabi.

Mabilis naman siyang sumagot.

"Hello Eli."

"Ano pong iuutos nyo miss Ellaine?" Tanong agad nya.

"Gusto ko sanang puntahan mo ang mansion nina Symon. Yung pinuntahan natin nung una kong balik dito sa pinas." Utos ko sa kanya.

"Sige po. Ano pong sasabihin ko sa kanya?" Tanong ulit nya.

"Sabihin mong pumunta sya dito sa office. May importante akong sasabihin sa kanya." I answered.

"Yun lang po ba Ms.?" Paninigurado nya.

"And isama nya na rin sina Harry at Genie." Pagtatapos ko.

"Masusunod po Ms. Ellaine." Huling sabi nya.

And then I ended the call.

Pag trabaho ang pinag-uusapan ay pareho kaming seryoso ni Eli. Pero pag pagkakaibigan naman ay nagkakasundo kami sa ibang bagay.
Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat ng nagsisilbi sa pamilya namin.

Bestfriend na ang turing ko sa kanya.
Sana lang hindi ako nagkamali na pinagkatiwalaan ko siya.

Itinuloy ko na ulit ang pagpirma ko. Hihintayin ko na lang sila dito. Dito sa office ko ang pinakasafe na lugar para pag-usapan ang mga importanteng bagay. Baka kase pag sa labas kami o kaya sa ibang lugar mag-usap ay baka kung ano pang gawin nila.
Naisip ko kanina na sa isang restaurant na lang kami mag-usap pero naisip ko nga 'yon kaya dito ko na lang napagpasyahan na papuntahin sila.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon