Ellaine's POV"Anak, are you okay? Seems like there's something wrong with you."
Napatingin ako kay mommy.
"Mom, paano kung hanggang ngayon ay mahal ko parin pala sya?" Sabi ko at tumingin ulit sa labas.
Nandito kami sa terrace. Napagpasyahan kong hindi muna pumasok. Naipadala ko na rin naman ang perang gagamitin ni Charles para sa eskwelahan.
"Anong problema kung mahal mo pa nga sya? Hindi mo naman kasi mapipigilan yang nararamdaman mo e. Bakit? Nag-aalala ka na naman ba sa posibleng mangyare kung malaman mo ngang mahal mo si Symon?"
Tumingin ako kay mommy.
"I'm just...scared." Mahinang sambit ko."Why?" Tanong naman ni mommy.
"Mom, wala na rin naman akong chance pa kung malaman ko mang mahal ko parin si Symon kase nandyan si Hannah. Hindi naman ako baliw para isiping hindi nagkaroon ng deep connections ang dalawa sa loob ng sampung taon na lumipas." Mapait ang bawat salitang sabi ko.
"Ask him."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.
"Mom! I'm not that desperate!" Inis na sabi ko.
"What? You're just going to ask him, dear. Di mo naman sya hihilahin at dadalhin sa simbahan para sabihin mong hindi ka desperada."
"Yeah right. But It's not easy. Natatakot akong mareject. Tsaka kung mahal nya ako edi sana sya yung mauunang magtapat diba?"
Nagkibit balikat lang si mommy.
Bumuntong hininga ako.
"Baby, just follow your heart." Huling sabi ni mommy at saka mabilis na nawala. Vampire Speed.
Napaisip ako. Paano ko susundin ang puso ko kung mas matimbang ang sinasabi sakin ng utak ko na wag na lang. Hays.
Hindi ko pa naman sigurado kung mahal ko pa sya.
Sana hindi na.
×××
Kanina pa ako nakakulong dito sa kwarto ko. Wala akong ganang lumabas. Wala rin naman akong pupuntahan.
"Hey baby! Lumabas ka naman. Magshopping ka."
Napatingin ako sa may pinto. Nakadungaw ang ulo ni mommy sa may pinto.
"Great idea! Gusto mong sumama mommy? Mother and daughter bonding? What do you think?" Nakangiting sabi ko.
"Sure!" Masayang sabi ni mommy.
"Okay! Just wait for me downstairs mom."
"Okay baby!" Sabi naman ni mommy at umalis na.
Umalis na ako sa kama at pumunta sa closet ko.
Kinuha ko yung rip jeans ko at black heels tapos sandong black tsaka color black din na checkered (tama ba spelling? Hehe)
Bumaba na ako at nakita ko si mom na seryoso lang na nakatingin sa lapag habang nakaupo sa sofa. May problema ba?
Nilapitan ko sya.
"Mom, are you okay? Looks like there's something bothering you?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kelan kaya Ellaine? Kelan kaya natin sya makakasama?" Malungkot ang tinig na sabi ni mommy.
Ngumiti ako ng tipid at hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
"Mommy, makakasama rin natin sya. Hindi pa nga lang sa ngayon. Pero gagawin ko ang lahat para lang bumalik sya. Hindi pa ngayon ang tamang oras para dyan mommy. Kahit naman ako ay gustong-gusto ko na rin syang mayakap at makasama."
"Ellaine, I'm so thankful that you became my daughter." Nakangiting sabi ni mommy.
"Mas maswerte ako dahil ikaw ang mommy ko!" Nakangiti ring sabi ko.
"Let's go na nga mommy! Nagdramahan pa tayo dito e!"Tumawa naman sya at tumango.
×××
Pagkarating namin ni mommy ay bumaba agad kami ng kotse.
Pumasok kami sa mall at dumiretso muna kami sa dress sections.
"Mom, what do you think? Maganda ba ito sakin?" Tanong ko kay mommy na namimili rin ng dress.
Tumingin sya sa'kin at ngumiti.
"Lahat naman ay bagay sa'yo Elle."
"Baka naman sinasabi mo lang yan kase nanay kita ha." Biro ko kay mommy.
Natawa naman sya."I'm telling the truth dear." Nangingiting sabi nya.
Napangiti na lang din ako. Ayaw na ayaw ko talagang nalulungkot si mommy kahit anong mangyare. Kaya gumagawa ako ng paraan para maging masaya lang sya lagi.
Pagkatapos naming mamili ng dress ay pumunta naman kami ng men's section para bilhan ng damit si daddy.
"Ellaine, sa tingin mo ba ay bagay 'to sa daddy mo?" Tanong nya habang ipinakita ang damit na para kay dad.
Tumango naman ako.
"Yeah mom. Bagay yan kay daddy."After naming mabilhan si daddy ng damit ay dumiretso naman kami sa jollibee!
At dahil sinuggest ko ay pumayag naman si mommy.
Hindi pa nakakakain si mommy sa jollibee, mcdo, chowking! Mga ganun. Kaya gusto kong ipatry sa kanya.
Mayaman kase simula dati pa kaya puro sila restaurants na mamahalin.Gusto kong matikman naman ngayon ni mommy ang sarap na meron sa jollibee.
Nakaorder na kami at ready to eat na.
"Hmm. Masarap ang chicken nila. Malasa." Comment agad ni mom matapos nyang matikman ang friedchicken ng jollibee.
Napangiti ako. Tama ang desisyon ko na dito kami kumain.
Matapos naming kumain ay umalis na kami at lumabas na kami ng mall.
Habang naglalakad kami papuntang kotse ay tahimik na naman si mom.
"Mommy, may problema ba?" Concern na tanong ko.
Tumingin sya sakin.
"Wala naman anak. Nag-aalala lang ako sa maaaring mangyari pag dumating na ang araw na iyon.""Sisiguraduhin kong tayo ang mananalo laban sa kanila." Seryosong sabi ko.
"Sana lang malampasan na natin 'to."
"Mom, don't worry dahil nandito ako na gagawin ang lahat para lang maisaayos ang mga dapat ayusin."
Sakto namang nakarating na kami sa kotse at sumakay.
Nakatingin lang ako sa labas habang nag-iisip.
Wala akong ideya sa posibleng mangyare sa araw na iyon. Hindi ko alam kung magtatagumpay kami laban sa kanila. Hindi ko alam kung aayon sa amin ang tadhana. Lahat sana ng gusto kong mangyare ay matupad.
Sisiguraduhin kong hindi nila mahahadlangan ang mga planong pinaghandaan ko ng sampung taon.
Hindi ko sasayangin ang oras at taon na pinagtuunan namin ng pansin.Anong silbi ng pagod na ginawa namin kung hindi maisasaayos ang lahat. Kaya naman hindi ko hahayaang may sumira ng mga gagawin ko.
Sa loob ng sampung taon ay marami akong nalaman. Tungkol sa ibang tao o bampira at tungkol sa sarili ko.
Madami akong nalaman na nung una ay hindi ko pa pinaniwalaan.Pero nung nakakita na ako ng ebidensya ay dun ko na tinanggap na..
Ako pala ay TUNAY na anak nina mommy at daddy. Sila ang tunay naming magulang ni Harry.
At isa pala akong..
BAMPIRA..
××××××××××××××××××××××××××××××××××××
-LonelySilent
LS ×AYRESH🌷×
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampiriELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...