Nagising ako dahil sa araw na tumama sa mukha ko. Tumingin ako sa paligid, nandito parin ako sa tabi ng dalampasigan. Dito na pala ako nakatulog kagabi.Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ito. Hays. Nagugutom na talaga ako kahapon pa. Wag na lang kaya akong kumain para mamatay na ako? Napapagod narin naman ako e.
Pagod na ako.Bumangon na ako ng maramdamang iba na ang init sa balat ko. Tantya ko ay tanghali na.
Nakakalungkot isipin na wala silang pakialam sakin. Ni hindi nga nila ako hinahanap e.
Bakit pa ako magtatagal dito kung ako lang ang naiiba sa kanila? Puro sila bampira at isa lang akong normal na tao. Walang kapangyarihan. Walang kahit ano pa man.
Tiningnan ko ang dagat. Payapa silang umaalon. Pawang walang problema. Ang tanga ko naman. Paano naman magkakaproblema ang dagat? Hay. Nababaliw na rin ako.
Naramdaman ko na lang na pumatak na naman ang luha ko. Naalala ko na naman na hindi na ako naalala ng kapatid ko. Wala na. Wala ng may pakialam sa'kin. Kahit si Genie ay hindi yata ako hinahanap.
Tumayo na ako at naglakad sa direksyon kung saan papunta sa kanila. Nakapagpasya na ako na babalik ako ng mag-isa pauwi. Buti na lamang at may pera akong dala.
Pagkarating ko sa room ko ay nag-impake na ako ng mga gamit na dala ko. Hindi ko na kayang matagalan pa ang pagstay dito.
Matapos kong mag-impake ay binitbit ko na ang backpack ko. Buti na lamang at kaunti lang ang dinala kong gamit.
Lumabas na ako ng room at bumuntong hiningan. Kelangan ko na lang sigurong tanggapin ang mga nangyare na. Dahil wala naman akong alam na paraan para mabago pa.Naglakad na ako papunta sa gate na malaki.
Pero bago yun ay madadaanan ko ang kubo na lugar kung saan ang kainan. Nakita ko sila. Tumingin sila sa'kin. Masaya silang kumakain nung nakita ko.
Si Harry ay walang emosyon katulad ng kay Hannah at Symon. Pwera lang kay Genie na tatayo na sana kaso pinigilan sya ni Symon. Ngumiti ako ng mapait.Nagtataka at nasasaktan ako sa mga nangyayari. Bakit kelangan nilang gawin ito sakin? Diba dapat ay dinadamayan nila ako at inaasikaso? Bakit kelangan nila akong pabayaan sa sitwasyong ito?
Lagi na lang akong sinasaktan ng mga taong mahal ko. Si Genie, Si Harry at si Symon..
Umiwas ako ng tingin sa kanila at tumingin sa direksyon kung saan ay patungo ako.
Naglakad na ulit ako ng walang lingon.
Kung titigil pa ako rito sa resort na 'to ay malamang na mamamatay ako sa gutom at sakit.Nakarating na ako sa gate at lumabas na.
Pagkalabas ko ay huminga ako ng malalim. Pinunasan ko agad ang luha na pumatak mula saking mga mata.
Alam nyo ba yung pakiramdam na gusto mong magsisigaw at umiyak ng umiyak dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan mo dahil sa pagpipigil sa luha na gustong kumawala sa mga mata mo?
Nararamdaman ko yan ngayon.
Gusto ko silang sigawan at gusto kong bumalik doon at itanong kung bakit ginagawa nila sa'kin to. Pero wala akong lakas ng loob para gawin ang bagay na 'yon.Nagsimula na akong maglakad kahit wala akong ideya kung saan ako dadaan para makauwi.
×××
Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko na alam kung tama ba ang direksyon na tinatahak ko.
Tumingin ako sa paligid. Nakaramdam ako ng takot. Tiningnan ko ang relo at alas singko na ng hapon. Malapit ng dumilim. At nandito ako, naglalakad sa hindi ko alam kung saan. Habang napapalibutan ng mga naglalakihang mga puno.
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...