Kabanata : 20 - Inlove

8.9K 217 2
                                    

"hey.. Gising na. ngayon ka aalis diba?"

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad ay si kuyang stranger.
"Huh?" Nakakunot na tugon ko.

"Ngayon ka na uuwi diba? Di na kita kelangan pang ihatid dahil nalaman na nina Symon na nandito ka sa akin.."

Napabangon ako ng marinig ko ang pangalan ni Symon.
"OMG! He's here!?" Sigaw ko.

"Tsk. Yes. So, get up. Halatang galit na sila sakin kanina pa." Sabi nya.
Tumango ako at tumayo na sa galing sa kama.

Tumakbo ako papasok sa Cr at nagmumog muna at inayos ko ang buhok ko saka ako lumabas.

Hinila ko na si KS (kuyang stranger) papunta sa labas ng mansyon nya.

Ng makalabas kami ng gate ng mansyon ay nakita ko na sina Genie at Symon na nakatayo sa labas ng gate.. Madilim ang awra ni Genie lalo na si Symon.

"Eh? Bat ganyan itsura nyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Pero di nila ako sinagot bagkus tiningnan nila ng masama si KS.

"Wag mo na ulit gagawin ang bagay na ito. Dahil sino bang mapapahamak? Ikaw o sya? Diba sya! Kaya matuto kang dumistansya!" Sigaw ni Symon kay KS.
Napatalon ako dahil sa lakas ng pagsigaw nya.
Tiningnan ko si KS na nasa tabi ko.
"Masisisi mo ba ako? Kung gusto ko lang namang makasama sya. Napapagod na akong maghintay.." Nakayukong sabi ni KS.

Sino bang tinutukoy nila? Ako ba? Ay! Wag assuming Ellaine!

Pero ako lang naman ang kinidnap ni KS ee.

"Hindi yan sapat na dahilan! Wag mong sirain ang plano! Dahil kahit ako! Napapagod na rin maghintay pero anong ginagawa ko?! Naghihintay parin diba!!" Galit na sigaw ulit ni Symon.
Nakakatakot sya. Pumula na kase ang mata nya.
"Siguro naman ay alam mo kung anong mangyayare pag nalaman nila 'to." Pahabol pa ni Symon at mabilis na nakalapit sakin at hinawakan ang noo ko and everything went black.

×××

Minulat ko ang mga mata ko.
"Anong nangyare?" Mahinang bulong ko.

"O ate! Gising ka na pala."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Harry.
"Harry, anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.

"Nahimatay ka kase kahapon kaya naman pangalawang araw mo na ngayon dito sa hospital.." Explain nya sakin.

"Huh?" Napatingin ako sa paligid ko. Nasa Hospital nga ako.
Panaginip lang ba ang lahat?

"Harry, nakidnap ba ako kahapon?" Tanong ko sa kanya.

"H-ha? Ate ano bang sinasabi mo? Di ka naman nakidnap a." Sagot naman nya.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang totoo ang lahat? Weird.

Bigla namang bumukas ang pinto nitong private room ko dito sa ospital.
Pumasok sina Genie at Harry.

"Oh hi Ellaine! Gising ka na pala! Kamusta ka na? May dala kaming food para sa inyo.." Nakangiting sabi nya.
"A salamat Gen."

Tumingin ako kay Symon. Seryoso lang ang mukha nya na nakatingin sa'kin.

"B-bakit?" Nautal na tanong ko. Nakakakaba naman kase ang klase ng pagtitig nya.

"Nothing.." Tanging sagot nya lang.
Napatango na lang ako.

×××

"Genie.. May sasabihin ako sa'yo." Sabi ko kay Genie.

Nakain kami ngayon ng mansanas habang nanonood ng T.V. buti na lamang at may T.V dito sa private room dito sa hospital.

"Ano yun?" Tanong nya pero ang mata nya ay nasa T.V lang.

"Kase ang alam ko ay nakidnap ako. Totoo ba yun o hindi?" Tanong ko.

Tumigil sya sa pagnguya at tumingin sakin. Tapos tumingin sya kay Symon na ngayon ay nakatingin na sa'min.
Nagtitigan silang dalawa na parang nag-uusap gamit ang isip. Eh? May power kaya silang ganun. Meron nga yata.
Bumalik ulit ang tingin sakin ni Genie.

"Ellaine, maybe it's just a bad dream.." Sabi nya.
Nagkibit balikat ako.
"Siguro nga.. Pero may gwapong lalaki dun e. Kaso.. Di ko alam yung name. Totoo kaya yun? Yung si Kuyang Stranger?" Nangingiting sabi ko.

Nagulat ako dahil sa malakas na pagsara ng pinto. Napatingin ako kay Genie.

"Si Symon?" Tumango naman sya.

Kumunot ang noo ko.
"Bakit naman nabeastmode yun?" Tanong ko.
"Ask your self.." Kibit balikat na sagot nya.

"Huh?" Nalilitong tugon ko.

Nanood na lang ulit kami ng T.V.

Tiningnan ko sa sofa si Harry. Tulog na tulog sya. Napuyat yata sa pagbabantay sakin. Hays.

"Genie.. Makikisuyo naman o.. Pakilagyan naman ng kumot si Harry." Sabi ko naman kay Genie.

"Ha?" Sagot nya.

"Sabi ko. Pakilagyan ng kumot si Harry." Ulit ko sa sinabi ko.

"Ah okay.." Sabi nya at kinuha ang ilan sa kumot na dala nila kanina.

Dahan-dahan syang lumapit sa pwesto ni Harry at dahan-dahan nya ring nilagyan ng kumot.

Tapos bumalik na ulit sya sa tabi ko.

"Gusto mo parin ang kapatid ko?" Seryosong tanong ko.

"Yeah.. Di na yun magbabago.. Pag ang isang bampira nagmahal na.. Di na yun mababago pa. Kumbaga, nakatali na ang bampirang yon sa taong minamahal nya.. Yun ang mahirap para saming mga bampira.. Di na kami maari pang magmahal ng iba bukod sa isa.." Sabi nya na nakapagpanganga ng bibig ko.

"Really??" Di makapaniwalang sabi ko.
Tumango naman sya.

"Malas na lang pag di kami nakakuha ng balik.. Yung tipong nagmahal kami pero di naman nasuklian ng taong mahal namin.." Malungkot na sabi nya.

Biglang pumasok sa isip ko si Symon.

"Si Symon ba.. May minahal na?" Kinakabahang tanong ko.

Tumingin sya sakin.

"Meron.. Sobrang mahal na mahal nya ang babaeng 'yon.."
Sagot nya.

Na nakapagpasikip ng puso ko..

It means, di na nya masusuklian ang pagmamahal ko..

Yes, I admit..

I'm inlove.. With Symon..💔






*******************************************
-LonelySilent

×Author's note×

Guys binago ko po yung edad ni Harry. Ginawa ko po syang 15 years old instead of 13.. Sobrang bata kase pag 13. Hehehe. Baka po kase mas maguluhan kayo sa story kaya napagpasyahan kong banggitin na dito.. 😅

Labyu po😘

×AYESH🌷×

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon