Kabanata 7

11.9K 288 16
                                    







Linggo ngayon at napagpasyahan namin ni Harry na magsimba para sa blessing na natanggap namin mula sa Kanya. Kase kahit napalayas kami ni Tita ay may kumupkop naman saming dalawa ni Harry. At yun ay si Genie.

Nakabihis na kami ni Harry kaya bumaba na kami papuntang sala. Nagulat kami ng makitang nakabihis rin si Symon at Genie. Ng makalapit kami sa kanila ay inangkla ni Genie ang kamay nya sa braso ko.

"Teka." Sabi ko at tumigil.

"San kayo pupunta?" Tanong ko.

"Church." Maikling sagot ni Symon.

"Ah sasama kayo samin?" Tanong naman ni Harry.

"Yes! Sama-sama tayong magsisimba!" Excited na sabi ni Genie.

"Ah hehe. Okay." Sabi ko na lang at sumakay na kami sa kotse.

Parang sinasadya yata nina Harry at Genie na pagtabihin kami nitong si Symon. Kase pinilit nina Genie na sya na lang ang magdrive. Tapos katabi naman ni Genie si Harry sa harapan. Kami naman ang magkatabi ni Symon dito sa likuran.

Di tuloy ako makagalaw ng maayos kahit may space pa naman sa pagitan naming dalawa.

Napatingin ako sa katabi ko. At nakatingin lang naman sya sa labas. Walang emosyon ang mukha nya.

"Staring is rude." Sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.

Rinig kong nagpipigil ng tawa yung dalawa sa harapan. Hays. Asar!

***


Pagbaba namin sa church ay napahawak ako sa leeg ko. Grabe ansakit ng leeg ko. Ikaw ba namang buong byahe ay tumingin sa labas. Nagkastiffneck yata ako. Aish!

Kase naman pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin kay Symon. Nakakapagtakang di man lang nanakit ang leeg nya kahit mas matagal syang nakatingin sa labas kesa sakin.

"O ate. Anong nangyare sayo?" Tanong sakin ni Harry.

"Saket ng leeg ko." Daing ko.

"Yan kase. Pede ka namang tumingin magdamag kay kuya eh. Kunyari ka pa dyan." Singit naman ni Genie.

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. Tinawanan pa ako eh.

Hapon na kami nakarating dito sa church. Malayo kase sa bahay nina Genie itong simbahan eh.

Tiningnan ko si Symon. Lagi talaga syang seryoso. Di ko pa sya nakikitang ngumiti.

"Tara na." Yaya naman ni Harry.

Pumasok kami sa loob ng simbahan at umupo kami sa hulihang upuan. Dun na lang kase may space.

At talagang nananadya sina Harry at Genie dahil pinagtabi na naman kaming dalawa ni Symon. Si Symon naman ay parang hindi nakakahalata sa kalokohan nung dalawa. Nagkunyari na lang din akong walang alam.

Nilalamig ako na ewan. Ikaw ba namang hindi kabahan pag katabi mo yung crush mo. Lalo akong kinabahan nung sa part na hahawakan na yung kamay nung katabi.

Tinaas nya ang kamay nya. Tinaas ko rin ang kamay ko pero di ko hinawakan yung isa nyang kamay gamit ang isa ko ring kamay. Magulo ba? Basta! Yun na yun! Baka sabihin nya pa ay nanananching ako. No way!

Pero hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya. Sya na mismo ang humawak sa kamay ko. Literal na nanigas ang katawan ko. OMG! Anlambot nung kamay nya.

Tiningnan ko ang mukha nya. Wala parin syang ekspresyon. Pero dibale na! Ang mahalaga nahawakan ko yung kamay ng crush ko. Gosh! Nakakakilig.
Gusto ko na tuloy magpasalamat kina Harry at Genie.

***


Natapos na ang misa. At napagpasyahan ni Symon at Genie na kumain muna kami bago umuwi.

Kaya naman pumunta kami sa malapit na restaurant. Nagugutom na rin ako eh.

Pagkarating namin ay pumasok agad kami sa loob at naupo. Mabuti na lamang at wala masyadong tao kaya nakahanap agad kami ng mauupuan.

"Ma'am, Sir. Here's the menu." Abot samin nung waiter.

Binuksan ko na ang menu. Mygosh! Ang mamahal naman nito. Kung dati ay walang alinlangan akong umoorder ng kung anu-anong pagkain sa restau. Ngayon naman ay parang ayoko na lang kumain kahit gutom na ako.

Sumulyap ako kay Harry. Katabi ko kase sya. Tapos ang magkatabi naman ay sina Symon at Genie. By the way, si Harry parang walang pakialam sa presyo.

Siniko ko sya. Tumingin naman sya sakin habang nakakunot ang noo.

Linapit ko ang bibig ko sa tenga nya saka bumulong.

"Ang mamahal naman nung pagkain."

"Ate , hindi naman tayo ang magbabayad nito eh. Diba sabi yon kanina ng kuya ni ate Genie?" Pabulong rin na sabi nya.

"Kahit na. Nakakahiya parin."

"Ay nako ate. Bahala ka." Sabi ni Harry at lumayo sakin ng konti. Aish! Pasaway!

Umayos na ako ng upo.

"Ma'am , Sir may I take your order now please?" Sabi nung waiter.

Binigay na nina Harry , Genie at Symon ang order nila. Tanging ang order ko na lang ang hinihintay.

Tumingin ako sa waiter at saka nagsalita.

"Tubig lang sakin.hehe." nahihiyang sabi ko.

"No. Ahm waiter itulad mo na lang din sa order ko." Sabi ni Symon na kinagulat ko.

Umalis na ang waiter.

Tumingin ako kay Symon. Nakatingin rin sya sakin.

"Sa tingin mo ba ay mabubusog ka ng tubig lang? Don't worry about the payment. Ako naman ang magbabayad." Seryosong sabi nya. Pero syempre di parin mawawala ang coldness.

"Masyado kaseng mahal yung pagkain eh. Baka naman sabihin nyong umaabuso kami nitong kapatid ko."

"Ano ka ba Ellaine? Pamilya narin naman ang turing namin sa inyo." Sabi naman ni Genie.

"Salamat." Tanging nasagot ko lang sa taglay nilang kabaitan.

Dumating na ang orders at kumain na kami.

Matapos naming kumain ay umuwi na kami ng mansyon at nagpahinga.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon