Tiningnan ko ang wallclock dito sa kwarto na tinutulugan ko. Alas tres pa lang ng madaling araw. Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip.
At ngayon ay pinipigilan ko ang sarili ko na makatulog. Lunes pa naman ngayon. May pasok na sa school. Tapos ngayon pa ako nagkaroon ng nightmare. Hays.
Naalala ko na naman ang panaginip ko.
Tumatakbo daw ako sa gubat habang may humahabol sakin. Takot na takot daw ako at patuloy lang akong tumatakbo hanggang sa mahuli nya ako at ang huli ay naramdaman ko daw na may pangil na bumaon sa leeg ko. Aish! Ano ba namang panaginip yon.
Parang totoo na hindi. Di naman kase ako naniniwala sa halimaw. Jusme!
Nakakainis lang dahil di ko man lang nakita ang mukha nung halimaw. Pustahan, panget yon. Kaya nga halimaw eh kase panget. Tss.
Okay sana kung ang humabol sakin ay gwapo eh. Nako! Baka di na ako tumakbo at nagpakain na lang sa kanya. Hahahaha. Syempre joke lang.Napangiti tuloy ako sa kalokohang naiisip ko. Atleast nabawasan nito ang takot na nararamdaman ko.
Nakatulala lang ako sa may kisame. Nagugutom ako. Aish naman! Ito talaga ang nakakainis sa nagigising ng maaga eh. Nakakagutom!
Bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Sana may pagkain sa kusina.Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso ako ng kusina.
Muntik na akong mapasigaw ng makita ko si Symon na umiinom ng kulay pulang inumin. Teka? Yan ba yung ikinukwento sakin ni Harry?
Tumingin sya sakin.
Parang naging pula ang mata nya pero nawala rin agad. Guni-guni ko lang ba yun? Naku naman! Epekto siguro 'to ng masamang panaginip ko."Bakit gising ka pa?" Tanong nya.
Lalo tuloy akong nilamig dahil sa boses nya eh."Ah wala. Kusa kase akong nagising eh. Tapos nagutom ako kaya nagpasya akong bumaba para sana tingnan kung may pagkain." Nahihiya kong sabi.
Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Ngayon ko lang napansin na wala pala syang suot na T-shirt. Mygosh! Amputi nya. Balikat palang at dibdib ang kita ko sa kanya. Di ko pa nakikita kung may abs talaga sya. Nubayan! Ambastos mo Ellaine! Aish!
"Okay. Just turn off the lights when you're finish eating." Sabi nya at tumayo na.
Napatingin ako sa tiyan nya. At gusto kong tumalon sa tuwa ng malaman kong totoo nga! Gosh! May abs sya! Agad ko itong binilang. OMG! Walong abs!
"Don't stare. It might fade."
Napatingin ako sa kanya at biglang namula ang pisngi ko ng ngumisi sya. Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya! Nahuli nya akong nakatingin sa abs nya. Baliw ka talaga Ellaine!!
"Ah eh ano. Nevermind." Tanging nasabi ko na lang.
Lumakad na sya at nilampasan ako. Tutulog na yata sya.
Sinilip ko kung nakaalis na talaga sya.
Wala na.Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina. At saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Naku naman Ellaine! Anong kagagahan ang ginawa mo kanina!? Nakakahiya ka talaga!" Bulong ko sa sarili ko.
Matapos kong sermonan ang sarili ko ay tiningnan ko kung may pagkain sa ref. At buti naman ay may nakita akong apple na kulay red. Pede na 'to. Wala kaseng lutong pagkain eh. Hays. Nakalimutan kong kaya nga pala kami kumain sa restaurant ay dahil walang magluluto.
Nginuya ko na ang mansanas habang pinagsisihan parin ang ginawa kong pagtingin sa abs ni Symon. Nakakainis!
Nahuli nya ako eh! Saklap! Baka isipin nya na pinagnanasaan ko sya!
Bakit hindi ba?
Sabi naman ng letseng utak ko. Arrghh! Nababaliw na ako!
Natapos ko na ang pagkain ng mansanas kaya naman ay napagpasyahan ko ng bumalik sa aking kwarto.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng makita ko si Symon sa sofa nakaupo.
Nakapikit sya. Dyan ba sya matutulog?Tatanungin ko sana sya ng mapansin kong di parin sya nakabihis ng pang- itaas tapos naalala ko yung kaninang senaryo. Kaya naman tumalikod na ako at mabilis na tumakbo pabalik ng kwarto ko. Ayokong mapahiya ulit!
Humiga na ako sa kama ko at nakatulog.
***
"Ate! Gising na! May pasok pa tayo! Huy!"
Napabangon ako dahil sa boses ni Harry.
"Hala oo nga pala! Anong oras na ba?" Panic na sabi ko at tatakbo na sana ako para lumabas ng kwarto kaso sa kasamaang palad ay nadapa ako dahil sa sumabit yung kumot sa paa ko.
"Aray!" Daing ko. Saket bes!
"Hahaha. Okay ka lang ba ate?" Natatawa pang tanong ni Harry.
Tumayo ako at sinamaan sya ng tingin.
Bineltukan ko rin sya."Imbis na tulungan mo akong tumayo ay tinawanan mo pa ako? Galing!" Irap ko sa kanya.
"Anong oras na ba!?" Mataray na tanong ko.
"Hahaha. 6:00 pa lang naman ate. Hehe." Sabi nya atsaka tumakbo palabas ng kwarto.
"Buwisit na bata!" Nasabi ko na lang.
Hays! Inaantok pa ako pero kelangang pumasok! Hansaya!
Naalala ko na namang ang walong abs! Letse! Tapos bigla ko ring maiisip yung kahihiyan!
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...