Kabanata : 30 - Plan?

7.2K 158 0
                                    


Matapos ng nangyari kahapon ay tahimik lang ang lahat ngayon dito sa hapag habang kumakain. Kanina pa ansama ng tingin sa'kin ni Hannah pero di ko na lang sya iniintindi. Naiinis ako dahil hindi man lang ako nakaganti rin ng isang sampal kahapon. Tss. -,-

Tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig dito sa hapag kainan. Kanina ko pa rin napapansin na ansama rin ng tingin ni Genie kay Hannah. Marahil ay galit parin sya dito dahil sa nangyari kahapon. Bestfriends na kami ni Genie kaya siguro ay galit sya kay Hannah.

Si Harry naman ay tahimik lang na kumakain. Yung tipong parang wala syang pakialam sa paligid nya. Tsk! -_-
Hindi ko alam kung kapatid ko ba talaga yang batang yan. Pano ba naman e kagabi ay wala man lang ginawang comfort sa'kin. Tiningnan lang ako tapos nginitian pa ako. Buset na bata! Hilig talagang mang-asar. Aish! ~,~

"I'm done." Sabi ng kapatid ko at tumayo na.

Wow naman. Etong batang 'to! Kung umasta e parang sa kanya 'tong mansion. Nakuu! Mabebeltukan ko 'to e!

Tiningnan ko si Hannah at talagang nag-init ang ulo ko ng makitang inirapan nya si Harry pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Tumayo na rin ako.

"Ellaine, di ka pa tapos a?" Sabi ni Genie sakin.

"Ah, nawalan na ako ng gana e. Tsaka pagsasabihan ko lang ang kapatid ko. Di marunong ng manners eh." Sabi ko at tumingin kay Hannah ng banggitin ko yung salitang manners.
Alam ko namang nainis sya sa inastang kalokohan ng kapatid ko.

Nakakainis naman kase si Harry eh. Pwede naman syang maghintay diba? Kase patapos narin kaming kumain. O kaya naman . sabihin nyang 'una na po ako' diba?

Di nya ba naisip na mas matanda kami kesa sa kanya? Aish! -_- pasaway!

Naglakad na ako paalis doon at hinanap ko si Harry.

Nakita ko naman na nakaupo sya doon sa upuan na nasa garden. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nalimutan ko na sabado nga pala ngayon. Kaya di ko naisip na hindi pala matuturuan yung itututor ko.

Nakatingin lang si Harry sa langit.

Umupo ako sa upuang nasa pagitan ng lamesa. Bale, nasa unahan nya ako.
Tapos ang nasa gitna ay lamesang bakal na tama lang ang sukat.

Imbis na sigawan ko sya ay napatingin ako sa mukha nya.

Parang pati kapatid ko ay may tinatagong lihim sakin.

"Harry.." Tawag pansin ko sa kanya.

Tanghali na ngayon kaya malamang ay may sikat ng araw na tumatama sa'min.

Ibinaba nya ang tingin nya at tumingin sakin.

"Sana man lang--"

"Ate, igagalang ko kayo pero hindi ko yon gagawin kung nakikita ko ang babaeng nanakit sa'yo." Sabi nya na ikinabigla ko.

Tiningnan ko ang facial expression nya kung nagbibiro lang sya pero hindi. Seryoso si Harry. First time kong marinig sa kanya na concern pala sya sakin.

"H-harry, di parin tama na ganon ang gawin mo. Lalo na at nakikitira lang tayo dito." Mahinahong paalala ko sa kanya.

Umiwas sya ng tingin.

"Wala akong pakialam." Seryosong sabi nya saka tumayo at mabilis na naglakad paalis.

Napailing na lang ako sa attitude ng kapatid ko. Di naman sya ganyan dati a? Bakit parang anlaki ng pinagbago nya?

×××

Nandito ako ngayon sa kwarto ng biglang bumukas ang pinto at tumambad ang mukha ni Hannah.

Naupo ako sa kama dahil kanina ay nakahiga ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Nagcrossarms sya at ngumisi.

"May gusto lang akong sabihin." Panimula nya.

"Ano?"

"Mahal ko si Symon." Sabi nya.

Kumunot ang noo ko.
"Halata nga. So? Anong gusto mong sabihin ko? Edi magsama kayong dalawa. Wala akong pakialam, Hannah. Wala rin naman akong balak na agawin sa'yo ang lalaking mahal mo."

"Ediba mahal mo rin sya?" Nakangising turan nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Oo, mahal ko sya.

"Hindi. Hindi ko mahal si Symon. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Kaya kung gusto mo, edi sayo na!" Seryosong sabi ko.

She smirked.

"Okay then. Bye Elle."

Kinabahan ako sa paraan ng pagngiti nya. Sa tingin ko ay may binabalak syang gawin.

Nahiga na lang ulit ako at binalewala ang pag-iisip kay Hannah.

Naiinis ako at dumating pa sya. Bakit kelangan nya pang sumama sa eksena? Para kaming nasa isang pelikula na ako ang bida at sya ang kontrabida. Buti na lamang at marunong akong ipaglaban ang sarili ko.

Pero alam ko naman na kapag kapangyarihan ang pag-uusapan ay matatalo ako. Dahil bampira si Hannah at isa lang akong ordinaryong tao. Kayang-kaya akong patayin ni Hannah in just a snap.

Kung galit sya edi patayin nya na lang sana ako diba? Para wala na syang problema. Ang labo talaga nun.

Ng maalala ko yung sinabi nya nung isang araw na may taong iniingatan daw ako. Yun ba ang pumipigil sa kanyang gawan ako ng masama?
Siguro..

Biglang pumasok sa isip ko nung time na akala ko ay nakidnap ako. Sabi nina Genie ay baka isang panaginip lang. Tanda ko pa ang mukha nung lalaki pero di ko na rin naman sya nakikita in personal. Siguro nga ay isang panaginip lang yon.

"Elle.."

Napatingin ako sa may pinto. Hindi pala sinarhan nung si Hannah ang pinto kanina.

"O Genie. May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Si Genie kase yung tumawag sakin gamit ang nickname ko.

"Gusto ni kuya Symon na mag-impake kayong dalawa ni Harry." Sabi nya na kinakunot ng noo ko.

"Ha? Bakit daw?" Tanong ko.

"Kase.. Bukas ng madaling araw ay babyahe tayo papuntang dagat!" Masayang sabi nya.
"Pupunta tayo sa private resort namin. Naku! Siguradong mag-eenjoy tayo dun." Dugtong pa nya.

"Wow. Naisip talaga yun ni Sy?" Nangingiting tanong ko.

Bigla naman syang sumimangot.
"Actually, no. Si ate Hannah ang nagsuggest na pumunta daw tayo sa private resort namin para naman daw malibang. Nakakabored naman daw kung nandito lang tayo. Nakakagulat nga e dahil parang nag-iba ang ugali nya ngayon. Lagi pa syang nakangiti sa'kin at kay Kuya. Pati nga kay Harry e. Ano bang ginawa mo dun?" Sabi nya.

"Ha? Eh wala naman akong ginawa dun."

"Anong wala? Eh nakita ko syang lumabas dito sa kwarto mo tapos dumiretso sa office ni kuya. So, I followed her tapos yun! Nagsuggest sya. Tapos paglabas namin dun sa office ay nakita namin si Harry tapos nginitian naman sya ni ate Hannah. Pero di ako naniniwala sa bait na pinapakita nya. Plastic yun e!" Nakabusangot na sabi nya.

"Malay mo naman.." Tanging nasabi ko na lang.

Kahit alam kong siguradong may binabalak ang babaeng yun.

Ano kayang binabalak nyang gawin?







**************************************************************************************

-LonelySilent

LS (AYESH🌷×

Vote. Comment

Tenkyu. 💞

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon