Kabanata : 19 - The one who kidnapped me!

8.4K 192 2
                                    

"Sino ka!?" Sigaw ko agad sa isang lalaking nakablack mask pagkagising ko Tanging mata nya lang ang nakikita ko. Tumingin ako sa paligid.
Malaking kwarto ito.

Nakaramdam ako ng hapdi sa kamay. Dun ko lang napagtanto na nakatali pala ang kamay ko sa tabi ng kama.

"Arrgh! Pakawalan mo ako! Sino ka ba ha!? Bakit mo ako dinala dito!? Tsaka nasan ba ako!?" Nagwawalang sabi ko.
"Ibabalik rin kita. Gusto ko lang makasama ka kahit isang araw lang. Pangako, ibabalik kita sa kanila."

Napatigil ako sa pagwawala ng marinig ko ang boses nya. Ramdam ko ang lungkot at pagkaulila.

"Pa'no kita pagkakatiwalaan kung nakatakip ka ng blackmask at tinali mo pa ako?.." Mahinahong tanong ko.
Nagugutom na rin ako tsaka nanghihina. Ayoko na lang makipagtalo sa kanya. Mukha rin namang wala syang masamang intensyon.

Lumapit sya sakin at inalis ang tali sa kamay ko. Tiningnan ko ang mga kamay ko at kitang-kita ko na namumula ang pinagtalian nung tali. Tss.
Tumingin ako sa kanya.
"How about your mask?" Kunot noong tanong ko.

Huminga sya ng malalim bago nya tinanggal ang mask nya. Gwapo. Yan lang ang masasabi ko pagkatapos nyang tanggalin ang mask nya. Matangos pa ang ilong at maputi.

"Ahm.. Nagugutom ka na ba?" Tanong nya at biglang nagwala na naman ang alaga ko sa tiyan. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Shocks! Baka narinig nya na kumulo ang tiyan ko. Nakakahiya!
Tumingin ako sa kanya. Akala ko ay tatawa sya pero ngumiti lang sya.

"Tara sa baba. May pagkain sa kusina.." Sabi nya kaya lumabas na kami galing sa kwarto.

Pagkarating namin sa sala ay namangha ako dahil napakalawak at napakalaki ng chandelier nila. Mansyon rin siguro 'to gaya ng kina Symon. OMG! Speaking of Symon! Baka hinahanap na nila ako!
Hays. Pero gusto akong makasama ng stranger na ito kahit isang araw lang.

Tahimik kaming pumunta ng kusina at nakita ko agad sa lamesa ang masyadong maraming pagkain. Mukhang lahat masasarap.

"Para sakin ba yan?" Tanong ko. Tumango naman sya.
"Para naman akong bibitayin nyan. Teka, baka naman papatayin mo ako pagkatapos kong kumain?!" Nanlalaki ang matang sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumawa sya.
Pero yung tawa nya ay with class ang dating. Mayaman e. Hahaha.

"You think? Papatayin kita? No. I won't do that. Why would I? You're my jsbsgzhzbs." Sabi nya pero di ko narinig yung huling sinabi nya.

"Ha? Ano yung last na sinabi mo?" Tanong ko dahil di ko talaga narinig.
"Wala. Sabi ko kumain ka na. Diba gutom ka?" Sabi nya. Tumango naman ako at naupo na sa upuan tsaka ako kumain.

"Dun muna ako sa sala. Kain ka lang dyan." Sabi nya. Di na lang ako umimik. Nagugutom na talaga ako.

Pupuntahan ko na lang sya dun pagkatapos ko.

×××

"Ikaw lang bang mag-isa dito?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Tapos na akong kumain kaya naman nandito na ako sa sala. Napansin ko kasing walang tao rito bukod sakin at sa kanya.
"Yes. This is my house." Sagot naman nya.

"Nagpagawa ka ng malaking bahay para sa sarili mo lang?" Di makapaniwalang sabi ko.
"Di naman 'to para sa sarili ko lang. May kasama sana ako dito kung hindi lang sya nawala." Sabi nya.

Kumunot ang noo ko at tumabi sa kanya. Nakaupo kase sya sa sofa.

"Sino?" Curious na tanong ko.

"Wala. Gusto mo bang ipasyal kita dito sa mansyon?" Pagbabago nya sa usapan.

Ngumuso ako. "Ipapasyal mo na nga lang ako. Dito pa talaga sa mansyon lang?"

"Pasensya na. Pero di tayo pedeng lumabas. Alam kong hinahanap ka na nila. Pero please lang magstay ka muna dito. Kahit ngayong araw lang. Bukas ibabalik na rin kita." Nagmamakaawang sabi nya.

"Ahm. Okay." Sagot ko na lang.

Tumayo kami at gaya nga ng sabi nya ay ipinasyal nya ako dito sa mansyon.

Mkalipas ang tatlong oras ay last naming pupuntahan ang dulong kwarto na kulay pula. Wow. Favorite color ko pa. Sya ang may kakaibang kulay sa lahat ng kwarto rito.

"Ahm. Bakit sya lang ang may kakaibang kulay dito?" Tanong ko.
"Red ang paboritong kulay ng babaeng sobrang importante sakin." Sagot nya.
Ngumiti sya pero agad rin iyong napawi.
Lungkot na naman ang nakikita ko sa mukha at mata nya.

"Ahm. Parehas pala kami!" Masiglang sabi ko para pagaanin ang loob nya.
Ngumiti naman sya at hinila ako papasok sa kwarto.

"Wow. Ganda naman ng pagkakadesign dito sa kwarto." Manghang sabi ko.
Black and red ang nakikita ko dito at may malaking kama tapos may malaking salamin na nakatapat sa kama. Basta! Angganda.

"Alam kong magugustuhan nya ang ganito kaya naman ganito ang pinagawa ko.." Sabi nya.

"Naku! Siguradong magugustuhan nya 'to." Nakangiting sabi ko at tumingin sa kanya.

Ngumiti rin sya.

×××

"Salamat dahil pinagbigyan mo akong makasama ka kahit isang araw lang." Sabi nya.

"Wala yun. Basta sa susunod ay wag mo naman akong paluin sa ulo! Ansakit kaya!" Nakasimangot na sabi ko sa kanya.

Napakamot sya ng ulo at alanganing ngumiti. "Sorry."

"Okay lang." Sabi ko at ngumiti. Mabait naman sya.

Nandito kami sa kwartong pinag-alisan ko kanina nung kung saan nya ako tinali.

"O sige. Matulog ka na. Bukas pede ka ng bumalik sa kanila." Sabi nya pero mahihimigan mong malungkot sya.

Ngumiti na lang ako at nahiga na sa kama.

"Teka! Anong pangalan mo?" Sigaw ko sa kanya bago pa sya makalabas ng kwarto.

"Soon ,malalaman mo rin.." Sabi nya at tuluyan ng umalis.

Huminga na lang ako ng malalim.

Anong ibig nyang sabihin?
Aish! Ewan.








*******************************************
-LonelySilent❤

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon