Kabanata 13

10.4K 243 9
                                    




Nakahiga ako ngayon sa kama ko. 8 pm na at kanina pa nakarating sina Genie at Harry. Nagpapahinga na siguro sila.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang napag-usapan namin kanina ni Symon. Di ako makapaniwalang 70 yrs old na siya. Seriously? 70?? Kung hindi lang siguro sya bampira ay malamang ngayon ay magiging kulubot na ang balat nya. At uugod-ugod na kung maglakad. Pero, dahil bampira sya ay sobrang kinis ng balat nya at napakagwapo pa. Imortal pala sila. Kase diba? Ang mga imortal ay yung mga taong di tumatanda?

Hay.

Tumagilid ako ng higa. Ilang taon pa bago ako makatapos ng college. Mabuti na lamang at mababait sina Genie at Symon. Naisip ko ang mga magulang nila. Ano kayang ugali meron sila? Sana, kasingbait din sila nung dalawa.

Toktok

Napatingin ako sa pinto.

"Pasok." Sabi ko.

Bumukas ang pinto at bumungad si Genie.

"Hi. Hehe. Pede bang makipagkuwentuhan?" Sabi nya at umupo sa kamang hinihigaan ko.
Nasa paanan ko sya.

Umupo ako at sinandal ang likod ko sa semento na nasa ulunan nitong kama.

"Anong kelangan mo?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya.

"I know, na alam mo na kung ano kami." Panimula nya. Tumango ako.

"Hay. Sana di ka magbago ng pakikitungo sa'min Ellaine. Sana di ka matakot sa'min." Malungkot na sabi nya.

Ngumiti ako ng tipid.

"Bakit naman ako matatakot? Ang cool nga ehh. Kase di ko akalain na totoo pala ang mga bampira. Akala ko ay gawa-gawa lang sa imahinasyon ng mga tao ang gaya nyo." Nakangiting sabi ko.

Nagulat ako ng bigla syang ngumawa na parang bata.

"Hala? Okay ka lang ba Genie??" Nag-aalalang tanong ko.

"Huhuhu. Okay lang ako... Na...natutuwa lang ako kase tanggap mo... Parin kami. At di ka.. Takot." Humihikbing sabi nya.

At dahil dun ay lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
Pagkatapos ay bumitaw rin ako.

"Alam mo Genie? Tinuring mo akong tunay na kaibigan. Hindi tulad nung mga kaibigan ko dati na iniwan ako dahil lang sa naghirap kami. Ikaw lang ang kaisa-isang kumausap at nagpahalaga sakin. Di mo ako initsapwera dahil lang sa katayuan namin sa buhay. At dahil dun ay sobra akong nagpapasalamat dahil meron akong isang kaibigan na katulad mo. Na totoo at hindi fake. Atsaka, tinuring na rin kitang totoong kaibigan ko kaya bakit kita katatakutan dahil lang sa katauhan mo. Tinanggap nyo kaming dalawa ni Harry kaya naman wala akong karapatan na hindi rin kayo tanggapin. Atsaka, malaki ang utang na loob namin sa inyo." Mahabang saad ko kay Genie.

Pumatak na naman ang luha nya.

"Thank you Ellaine. Thank you dahil tinanggap mo kami. Salamat talaga." Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

OGod! Di na ako makahinga!

"G...enie... D..i ako m..akahinga!" Daing ko.

Agad naman syang bumitaw.

"Ay sorry. Hehehe." Hinging pasensya nya.

"Grabe ka naman Genie! Alalahanin mong di ako bampira at tao lang ako. Jusme! Anglakas mo."

"Hehehe. Nakalimutan ko. Sorry. Sige byee. Goodnight. Sleepwell." Sabi nya at mabilis na nakalabas ng kwarto ko.

Tamo! Di pa sinarhan ang pinto. Loka-loka talaga ang isang 'yon.

Tumayo ako at sinarhan ang pinto.

Tapos humiga na ulit ako.

Di pa ako dinadalaw ng antok. Siguro dahil maaga pa.

Tumayo ako at pumunta sa balcony nitong kwarto.
Pero syempre nagjacket ako kase malamig na.

Tumingin ako sa buwan. Bilog na bilog at napakaliwanag pa.

Angganda ng buwan.

"Mas maganda ka."

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita. Alam ko kung kaninong boses yun.

Tumingin ako sa kanya.

"Symon.. Pa'no ka nakapasok dito?" Takang tanong ko.

"Di naman nakalock ang pinto." Sagot nya at tumabi sakin.

Napasimangot ako.

"Di parin yun sapat na dahilan para pumasok ka ng walang paalam! Pa'no kung nagbibihis pala ako!? Uso naman ang kumatok!" Nakasimangot na sermon ko sa kanya.

"Hahaha. Sorry. Di kasi uso yun sakin." Nag-aasar na sabi nya.

"Uso rin namang ilock diba?" Dugtong pa nya.

Inirapan ko na lang sya at tumingin ulit sa buwan.

"Kelan dadating ang parents nyo?" Tanong ko at tumingin ulit sa kanya.

"Don't know. Surprise lagi pag dumadating sila. Basta mo na lang silang makikita na nasa loob na nitong mansyon." Naiiling na sabi nya pero nakangiti at tumingin sya sakin.

"Ah nakakakaba naman." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya at sa buwan ko tinuon ang atensyon ko.

"Don't worry. Mabait sila. Di mo kelangang kabahan."

Napatingin ulit ako sa kanya.
Nakangiti sya.

Nagkatitigan kami. Unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko.

Malapit ng maglapat ang mga labi nam...

"Ellaine.. Yuhooo!"

Napalayo ako kay Symon. Pulang-pula siguro ang pisngi ko. Nubayan! Muntik ng mawala ang firstkiss ko. Mygosh!

Naglakad na ako paalis ng balcony at bumalik sa kama ko.
Nakaupo dun si Genie.
Umupo ako sa tabi nya.

"Anong kelangan mo na naman Genie?"

"May sasabihin sana ako eh."

"Ano?" Tanong ko ulit.

"Ahm..wag na lang pala." Pabitin na tugon nya.

Napakunot ang noo ko ng mabilis syang tumakbo palabas ng kwarto.
At di na naman sinarhan ang pinto. Kow!

Tumayo ako at sinarhan ang pinto.

Bumalik ako ng balcony pero wala na dun si Symon. Sa'n naman kaya dumaan ang isang 'yon?

Di ko naman sya nakitang lumabas ng kwarto.

Nagkibit balikat na lang ako at humiga na sa kama.

Napangiti ako ng maalala kong muntik ng makuha ng crush ko ang first kiss ko. Mygosh! Nakakahiya. Baka isipin nyang easy to get ako! Nawala bigla ang ngiti ko dahil dun.
Napasimangot ako.

"Kainis!" Bulong ko sa sarili ko at saka ako natulog.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon