Kabanata 44 - Love

7.9K 179 36
                                    

••••

Ellaine's POV

"Bago ang labanan, kailangan nating ihanda ang mga sarili natin. Kailangan nating manigurado na walang masasawi sa bawat isa sa atin. Naririto tayong lahat ngayon upang paghandaan ang nalalapit na labanan... Bukas.." Sabi ko sa kanilang lahat.

Nandito ako sa unahan habang tinitingnan ang lahat na lalaban bukas ng gabi.

Nandito kaming lahat sa isang malaki at malawak na bulwagan na tago. Pinagawa ko talaga ito para makapagensayo ng iba't-ibang paraan ng pakikipaglaban.

Nung una ay ako lang ang nakakaalam nito pero ngayon ay dinala ko silang lahat dito.

"Ms. Ellaine, walang kasiguraduhan na walang masasawi sa amin." Sigaw ng isang bampira.

Napatahimik ako at napatingin kina Symon na nakatingin rin pala sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumingin ulit sa nagtanong kanina.

"Kapag may nasawi, atin siyang gagawing isa sa mga bayani sa nangyaring labanan. Hindi ko masasabi na mabubuhay siyang muli dahil walang kapangyarihang pwedeng bumuhay ng mga bampira o kahit tao man." Sagot ko.
"Sana ay ihanda nyo na nang buo ang inyong loob sa labanan." Dugtong ko pa.

"Basta para sa kapakanan nang lahat ng bampira! Lalaban kami!" Sigaw ng isa sa kanila.
Tumango naman yung iba. At nagsimula na silang magensayo.

Bukas na.. Bukas na ang laban. Sisiguraduhin kong mamamatay ang pinakapinuno nila. Papatayin ko siya. Kung magkataon man na mamatay ako sa labanang 'yon. Sisiguraduhin ko na siya ang mauuna.

"Ellaine, ikaw ang pinakapuntirya ng mga kalaban natin. Mag-iingat ka." Sabi ni Genie.

"Hindi ko maipapangako na hindi ako masasawi bukas." Sagot ko at tumingin sa lahat ng mga bampira na may kanya-kanyang paraan ng pakikipaglaban.

"Pero malakas ka. Alam kong kayang-kaya mo 'yon." May determinasyon sa way ng pagsasalita nya.

Ngumiti ako.
"Hindi ako mangangako. Pero gagawin ko."

Tinapik naman nya ang balikat ko.
Saka umalis.

Pumunta ako sa corner ng bulwagan at umupo sa may semento.

"Hey.."

Napatingin ako sa tumabi sa akin. Si Steve pala.

"O?" Tugon ko.

"Hindi pa ba nasasabi sa iyo nina tita?" Tanong nya.

Kumunot ang noo ko.
"Huh?"

Ngumiti sya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"I am your cousin."

Mas lalong kumunot ang noo ko saka ko inayos ang buhok kong ginulo nya. Nakalugay kasi ang buhok ko.
"What?"

Natawa naman siya.
"Well, ang alam ni Symon ay hindi ko din alam na anak ka nina tita. You know what? Matagal ko nang alam ang bagay na 'yon."

Inirapan ko siya.
"Ganun? Okay.. By the way, may tanong pala ako."

"Ano yun?"

"Sino yung tinutukoy mong babaeng special sa'yo noon? Yung pinagawaan mo pa ng sariling kwarto dun sa bahay mo?" Tanong ko.

"Ah yun.. Ikaw talaga yun e. Actually, close talaga tayo nun. Hindi na nga tayo mapaghiwalay nun e. Nagkataon lang na wala ako nung araw na dinukot kayong dalawa ni Harry." Pagpapaliwanag nya.

Napatango na lang ako.

"Namiss kita couz." Sabi nya ulit.

Ngumiti naman ako.
"Hindi kita namiss e." Pang-aasar ko.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon