Kabanata 12

10.7K 276 0
                                    



Minulat ko ang mata ko. Wala na akong nararamdamang sakit sa bandang leeg ko. Siguro nangalay lang ang leeg ko at panaginip lang ang lahat. Sana nga.

Bumangon na ako at tumingin sa wall clock dito sa kwarto. 12 na pala ng tanghali kaya pala nahihilo na ako at nagugutom. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

Dumiretso ako sa kusina. Titingnan ko kung may makakain. Di pa ako nakakarating sa kusina ng may maamoy akong mabangong adobo. Yes. Adobo.

Binilisan ko ang lakad ko at tama nga ako na may nagluluto ng adobo. At kahit di sya humarap sakin ay kilala ko na agad sya.

"Symon.." Mahinang sabi ko sa pangalan nya at alam kong di nya yon rinig.

Pero humarap sya.

"Bakit?" Tanong nya na kinabigla ko. Napakahina lang ng pagkakabigkas ko sa pangalan nya. Nakakapagtakang narinig nya parin 'yon.

"Ahm. W-wala." Sabi ko na lang.

Anlayo ko sa kanya pero narinig nya 'yon? Paanong? Aish!

Naupo na lang ako sa upuan dito sa kusina. Pinagpatuloy naman ni Symon ang pagluluto nya.

Pinagmasdan ko ang likod nya. Nakaapron lang sya pero wala syang t-shirt tapos nakashorts sya. Hot!
Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga muscles nya. Tss! Nagiging manyak na yata ako.

Umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang lamesa. Ayokong mahuli nya akong nakatulala sa katawan nya. Baka kung ano lang ang isipin nun.

Teka? Wala bang pasok ang isang 'to?

Tumingin ulit ako sa kanya para sana magtanong. Pero naiwan lang na nakabuka ang bibig ko dahil nakatingin sya sakin. Parang inoobserbahan nya ako.

Nagtaasan ang mga balahibo ko ng bigla syang ngumisi.

"B-bakit!?" Kinakabahang tanong ko.

Di kaya? Totoo talaga yung nangyari kagabi? Bampira kaya talaga sya?

"Nothing. It seems like you're okay now? Huh?" Ngising sabi nya.

Concern ba sya? Hindi. Kase yung tipo ng pagsasabi nya nun ay parang nang-aasar pa sya.

"Tsk! If I know! Kagagawan mo talaga ang nangyari sakin kagabi! Bampira ka!" Sigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialam kahit patayin nya ako ngayon!

"Shhh. Di kita papatayin." Sabi nya na kinataka ko.

"Ano?" Takang tanong ko.

"Nababasa ko ang iniisip mo. I'm a vampire. Right?" Sabi nya at mas lumawak ang ngisi nya.

Napatulala ako.

Nilapag nya sa lamesa ang pinggang may ulam na at kanin.

"Eat. Alam kong nagugutom ka na." Seryosong sabi nya.

Tumingin ako sa pagkaing nasa harapan ko.

Mukhang masarap pero pano kung hinaluan nya ito ng dugo ng tao? Para akong masusuka.

"No. I won't eat that food. Baka kung anu-anong inilagay mo dyan. At baka ang mas malala pa ay baka nilagyan mo yan ng dugo ng tao. Nakakadiri." Parang masusukang sabi ko.

Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng malakas. Napatulala ako sa kanya. This is the first time na makita o marinig ko ang tawa ng bampirang 'to.

Natatawa paring pinupunasan nya ang luha sa gilid ng mata nya dahil sa matinding pagtawa.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon