Ellaine's POV"Anak, ayos ka lang ba?"
Napakurap ako at tiningnan si mommy pati si daddy na nakatingin rin sa akin.
"Ahm, opo mommy. I'm perfectly fine." Nakangiting sagot ko.
"Pero kanina ka pa dyan tulala habang hinahawakan mo ang labi mo. May nakakagat ba dyan? Masakit ba ang labi mo?" Tanong ni mommy na ikinasamid ko kahit wala naman akong iniinom na kahit ano.
"W-wala po mommy. Tapos na rin naman po akong kumain kaya papasok na po ako sa office.." Sabi ko saka tumayo at hinalikan sila sa pisngi.
Umaga kase kaya nagbebreakfast kami. Hindi ko namalayang natulala na pala ako pagkatapos kong kumain. Naalala ko na naman kase yung nangyare kahapon.
Ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Mabuti na lamang at nakarating na agad ako dito sa kotse ko. Baka akalain nina mommy at daddy na maysakit ako ngaun dahil siguradong namumula ang pisngi ko. Shit. Pero di naman nagkakasakit ang mga bampira. Tss. Di talaga ako nag-iisip ng tama minsan.
Bukas pa ang balik ni Eli. Kaya bukas sya na ang magdadrive.
Pagkarating ko sa company ay pinark ko muna ang kotse saka bumaba at pumasok sa loob.
Tulad parin ng dati. Binabati nila ako pero wala silang nakukuhang sagot mula sa akin. Wala akong pinagkakatiwalaan sa kanila. Alam ko namang sa company na ito ay may isa, dalawa o higit pa na nagmamatyag sa bawat galaw na ginagawa ko.
Pagkabukas ng elevator ay naglakad na agad ako papuntang office ko.
Nabigla ako nang makita si Harry na nasa loob.
"Harry, ang aga mo naman yata."
Sabi ko saka ako lumapit sa kanya."Ah, wala rin naman kase akong gagawin. Sorry kung pumasok ako ng walang paalam dito sa office mo. Hindi naman kase nakalock." Hinging dispensa nya saka tumungo.
Naalala ko kahapon na tinawag nya akong ate.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya habang nakaupo pa siya. Unti-unting tumulo ang luha ko.
"Hindi mo alam kung gaano kita namiss, Harry. Walang araw na hindi kita inisip nung nasa States ako." Umiiyak na sabi ko.
Mas lalo pa akong napaiyak nang gumanti rin sya ng yakap.
Tinapik nya ang likod ko."Ate.. Sorry." Sabi nya at rinig ko rin ang paghikbi nya.
Hindi ako nakaimik at tanging pag-iyak lang ang tugon ko.
Nakailang minuto rin kaming nakayakap lang sa isa't-isa tapos ako na ang unang bumitaw.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
Pinunasan ko ang luha nya gamit ang kamay ko. Ganun din ang ginawa nya sa akin. Sobra talaga akong nangulila sa kapatid ko.Hinila ko sya at umupo kami sa sofa na nandito sa office.
"O, siguradong marami tayong pagkukwentuhan nyan." Natatawang sabi ko.
"Naku, ate. Sobrang dami. At madami ka ring ikukwento sa akin. Alam mo bang akala ko talaga ay nagbago ka na ng tuluyan. Akala ko nga ay babalewalain mo lang ako ngayon e."
"Kahit kailan ay hindi ako magbabago. Nasaktan man ako noon pero hindi ibig sabihin nun ay dadalhin ko yun sa mahabang panahon. May mga bagay lang talaga akong kailangang gawin ngayon." Explain ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya.
"Ate, gusto ka na ring makausap ng bestfriend mo." Sabi nya.Alam ko na kung sinong tinutukoy nya. Si Genie. Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampirELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...