"Kelangan ba talaga na kasama yang babae mo sa breakfast dito sa mansyon?" Mataray na tanong ni Genie sa kuya nya sabay irap ng malupet dun sa girl na fiance ni Symon.
Kitang-kita ko naman ang pag-irap din nung fiance ni Sy. Aba! Maarte!"Genie! Gumalang ka nga sa kanya! Kahit anong sabihin mo! Sya ay magiging asawa ko!" Sigaw naman ni Symon.
May tumarak na naman sa puso ko.
Huminga na lang ako ng malalim at napalunok. Yung tipong parang may bumara sa lalamunan ko at parang gusto kong umiyak na naman."Tss. Whatever! Sana lang kuya hindi mo yan pagsisihan! Dahil baka naman dumating sa oras na magsisi ka pero wala na sya!" Sigaw ni Genie at tumayo saka umalis.
Tiningnan ko si Harry. Kumakain parin sya. Walang pakialam e. Wala talagang kahihiyan ang isang 'to.
Bigla kong naisip yung sinabi ni Genie.
Naguluhan tuloy ako sa sinabi ni nya. Sinong 'sya' ang tinutukoy nya?
Aish!Di ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo na.
"Ate.. Di ka pa tapos a?" Kunot noong sabi ni Harry sakin.
Pati rin yung magfiance ay napatingin sakin. Kita ko yun sa pheriperal vision ko."Nawalan na ako ng gana. Susundan ko rin si Genie.." Sabi ko kay Harry at naglakad na palayo dun. Palayo sa taong mahal ko. Mahal ko na.. soon ay mag-aasawa na..
×××
"Alam kong may pagtingin ka sa kuya ko." Sabi ni Genie na kinabigla ko.
"H-huh?" Tugon ko."Ellaine.. Di mo kelangang itago yan mula sa'kin. Atsaka kahit naman itago mo, makikita parin sa mga mata mo na mahal mo ang kuya ko. At ngayon nakikita kong nasasaktan ka dahil may plano syang magpakasal sa iba." Sabi nya habang nakatingin sa mata ko. Umiwas ako ng tingin at ngumiti ng mapait gaya ng lagi kong ginagawa.
"Oo.. Mahal ko sya. Pero kahit naman masaktan ako ay wala paring kwenta dahil may ibang nagmamay-ari sa puso nya. At ang masakit pa dun ay hindi ako ang babaeng yun.. He is my first love and my first heartbreak.. Genie, alam mo ba yung pakiramdam na parang may kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa puso mo sa tuwing nakikita mo o naririnig mo mula sa kanya na mahal nya ay iba. Masaket Genie.. Sobra." Sabi ko at pumatak na ang luha ko. Kelan ba mauubos ang luha na papatak sa mga mata ko? Kelan!
"Ellaine.. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa kuya ko. Sinabi nya kase sakin kung sino ang babaeng mahal nya. Kaya naman nagtataka ako kung bakit magpapakasal sya sa iba at hindi sa babaeng mahal na mahal nya noon pa." Sabi naman ni Genie.
Napatawa ako ng mapakla.
"Kahit naman pala hindi magpakasal si Symon sa fiance nya ngayon ay may kahati parin pala ako."Ngumiti lang ng malungkot sakin si Genie at hindi nagsalita.
"Magiging maayos din ang lahat Ellaine.. Subukan mo na lang muna ang umiwas sa kanila.. Kase sigurado na masasaktan ka lang kapag di mo sila iniwasan." Concern na sabi sakin ni Genie matapos ang katahimikan.
"Gagawin ko yan Genie.. Gagawin ko yan hindi para sa kanya kundi para sakin. Sana lang din makalimutan ko na ang feelings ko sa kanya." Sabi ko naman.
Tinapik na lang ni Genie ang balikat ko.
"Kaya mo yan beshy! Aja! Fight!" Matapang na sabi nya kaya naman natawa na lang ako.
×××
Nandito ako ngayon sa garden. Anggaganda talaga ng mga roses dito. Ngayon na lang ulit ako nakatambay dito. Dito ko unang nalaman ang pangalan ni Symon. Hay.
Nakaupo lang ako habang tinitingnan ang mga roses dito.
"Baby! Anong gusto mong theme ng kasal natin?"
Napatingin ako sa nagsalita.
Fiance ni Symon at si Symon.
Tumingin sila sa direksyon ko. Inirapan ako nung fiance ni Sy.
Umiwas na lang ako ng tingin at tumayo na.Papasok na ako ng mansyon ng magsalita yung babae.
"Baby, bakit ayaw mo pa paalisin yung mga squatter na naninirahan sa mansyon nyo? Gosh! Ang basura dapat tinatapon na." Sabi nya na nagpakulo ng dugo ko.
Humarap ako sa kanila. Nakatalikod sila sakin.
"Anong sabi mo?" Nagpipigil ng galit na tanong ko.
"Oh. Hindi ka lang pala basura. Bingi ka pa." Nang-aasar na sabi nya.
Ngumisi ako.
"Hindi ka lang pala linta, malandi ka pa.""How dare you! Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan! Dahil soon ay magiging asawa na ako ng may-ari ng mansyong tinitirhan nyo!" Sigaw nya.
"Well, hindi ka PA asawa. Kaya wag kang magmagaling." Mataray rin na ganti ko.
"And FYI ha? Hindi kami squatter ng kapatid ko. Mas mukha ka pa ngang squatter e. Di na ako magugulat kung malaman ko mang dun ka galing." Nakangising dugtong ko pa."Arrgh! Bitch!" Sabi nya at mabilis na nakalapit sakin at sinabunutan ako.
Kaya naman sinabunutan ko na rin sya.
Mas lalo pang lumakas ang pagsabunot nya. Nakaramdam ako ng matinding galit.
Kita kong aawat na sana si Symon ng pinilit kong itulak yung fiance nya.
Alam kong mahina lang yun pero tumalsik sya sa may gate na malayo sa kinatatayuan namin. Nagulat ako.Kitang-kita ko ang sakit sa mukha nung fiance ni Symon. Napatingin ako sa mga kamay ko. Pano ko nagawa ang bagay na 'yon?
"P-panong?" Napatingin ako sa likod ko. Nakita ko ang gulat na mukha ni Genie. Pero si Harry ay poker face lang pero nakakunot ang noo nya.
Bumaling naman ako kay Symon at nakabuka ng konti ang bibig nya na nakatingin sa fiance nyang nawalan ng malay.
Dali-dali akong pumasok ng mansyon at tumakbo sa kwarto.
Sumandal ako sa pinto at dumausdus pababa.
Anong nangyare? Panong nangyare ang bagay na yon? Para akong may kapangyarihan.Napahilamos ako sa mukha ko.
"Ate.. Papasukin mo ako." Sabi ni Harry mula sa labas ng kwarto.
"Leave me alone Harry.. I need to be alone. Please." Pakiusap ko naman sa kanya.
"Okay.. Mag-usap na lang tayo pag ayos ka na.." Sabi naman nya.
Hindi na lang ako nagsalita.
Nakatulala ako sa kawalan.Pano ko nagawa ang bagay na yon? Hindi yun gawain ng normal na tao.
Ano ba talaga ako?
Sino ba talaga ako?
**************************************************************************************
-LonelySilent❤
×AYESH🌷×
Sana po ay nagustuhan nyo ang chapter na 'to. 😊
BINABASA MO ANG
Loving The Vampire [COMPLETED]
VampireELLAINE SMITH • 17 years old • Maganda • Masipag • Mapagmahal • Palaban Yan ang ilan sa katangian nya. Mayaman pa sana sila kung hindi lang nawala lahat ng pera nila dahil kinuha ito lahat ng tita nya simula ng mamatay ang parents nila dahil sa isan...