Kabanata 5

13.2K 305 2
                                    




"Ate gising na!"

Minulat ko ang mata ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko kay Harry.

"6:30 pero sabi ni ate Genie na gisingin na daw kita para makaalis tayo ng maaga." Sagot nya.

Tumango na lang ako at bumangon sa kama. Anlaki nitong kwarto at anlaki rin ng kama tapos tigisa pa kami ng kwarto ni Harry. Para tuloy kaming special visitor. Nakakahiya kay Genie. Hays.

Palabas na si Harry nang tawagin ko ito.

"Bakit ate?" Kunot noong tanong nya.

"Pano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh hindi naman nakalock yung pinto mo ehh." Sabi nya.

"Ha? Pero sinara ko yan kagabi."

"Ate hindi mo sinara kaya nga ako nakapasok ehh." Katwiran naman nya at lumabas na ng kwarto.

Napaisip ako. Hindi ko ba sinara ang pinto kagabi? Pero sigurado akong sinara ko yun. Nubayan! Nevermind na nga lang.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay dumiretso na ako sa hagdan para makababa.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina.

"O andyan ka na pala Ellaine. Lika. Umupo ka na dito." Masayang sabi ni Genie.

Tiningnan ko ang wallclock nila at 6:45 na.

Umupo na ako.

Napansin kong kaming tatlo lang ang kakain.

Tumingin ako kay Genie.

"Ahm Genie? Hindi ba sasabay ang kuya mo? Tsaka nasan pala ang parents mo?" Usisa ko.

"Ah si Kuya hindi daw sya makakauwi ng maaga. May inaasikaso daw sya. Sina mommy at daddy naman ay nasa America ngayon. Inaayos ang business namin dun. Pero don't worry, alam na naman nila ang pagtira nyo dito sa bahay." Nakangiting sabi nya saka sya sumubo ng ham.

"Ah sige. Salamat talaga Genie ha?" Hinging pasasalamat ko.

"You're always welcome." Sabi nya sabay ngiti.

Ngumiti na lang din ako. At nagsimula na kaming kumain.

Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain.

"Mag-ayos na kayo tapos sa sala na lang tayo magkita." Sabi ni Genie.

Tumango naman kami ni Harry.

***


Nandito na kami sa sala ni Harry. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 8:30 AM na.

"Uy! Sorry natagalan ako. Napasarap ako sa pagbabad sa bathtub ehh. Hehe." Hinging pasensya nya at nagpeace sign pa.

"Okay lang. Friday naman ngayon kaya 10 AM ang time nating tatlo." Sabi ko.

Pareho kami ng school ni Harry pero iba ang room nila. Tsaka magkaiba yung sched naming dalawa. Pero tuwing friday naman ay pareho kami ng schedule.

"Ah sige. So, let's go!" Excited na sabi ni Genie.

Kaya naman lumabas na kami ng mansyon. Pagkalabas namin ng pintuan ay nakasalubong namin ang kuya ni Genie. Feeling ko ay hindi na naman umaayos ang paghinga ko. Napakalakas talaga ng epekto nya sakin.

Tiningnan ko ang mata nya. Black na black. Nakakahalina ang kulay ng mata nya. Nakakaakit yung mata nya. Parang may kung anong kapangyahrihan ang mata nya na hindi ka magsasawang titigan yon.

"Hey." Nagulat ako ng winagayway nya ang kamay nya sa mukha ko.

"A-ah b-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Nakatulala ka kase sakin." Angcold talaga ng boses nya.

"Ah sorry." Nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin.

Nakakahiya talaga. Nahuli nya akong nakatulala sa kanya.

"O..keyy? Ahm kuya aalis na kami ha." Basag ni Genie sa katahimikan.

Wala na kasing umimik nang matapos akong magsorry.

"Okay." Sabi ng kuya nya at pumasok na sa loob ng bahay.

Tumingin ako kay Genie at ngumiti naman sya sakin ng mapang-asar.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"May gusto ka kay kuya no?" Sabi nya at sinundot pa ang tagiliran ko.

"H-ha? W-wala no!" Sabi ko naman.

Nag-init ang pisngi ko dahil dun.

"Sus! Deny pa!" Dagdag pa nya.

Di na lang ako nagsalita at pumasok na kami sa loob ng kotse.

***



Nandito na kami sa school ngayon. Buong byahe ay inaasar ako ni Genie. Sinabayan pa ni Harry. Kaya pulang-pula ang pisngi ko ngayon.

"Aminin mo na kase." Hirit pa ni Genie sakin pagbaba namin ng kotse.

"Oo nga ate. Aminin mo na." Segunda pa ni Harry.

"Aish! Tigilan nyo nga akong dalawa." Sabi ko at nagmadaling naglakad sa hallway para makarating na agad ako sa room. Narinig ko pa ang tawanan nina Genie at Harry. Kuu! Nakakainis sila.

Gwapo naman talaga yung kuya ni Genie. Oo. Aaminin ko na crush ko sya. Crush is paghanga lang naman. Wala namang masama dun. Pero syempre itatago ko na lang yun sa sarili ko. Nakakahiya pag nalaman nina Genie. Baka lalo lang nila akong asarin! Gosh!

Nakarating ako sa room namin at pagkapasok ko ay umupo agad ako sa upuan ko. Wala pa yung teacher namin. Maya-maya pa ay dumating narin si Genie. Nakaclose ko rin tong babaeng 'to kase lahat ng subject ay parehas kami ng sched.

Pagkakita nya sakin ay binigyan na naman nya ako ng makahulugang ngiti.

Pagkaupo nya ay humarap sya sakin. Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang mukha ko.

"Hahaha. What are you doing?" Natatawang sabi nya.

"Aish! Stop Genie. Alam ko namang aasarin mo na naman ako ehh." Sabi ko habang nakatakip ang kamay ko parin sa mukha ko.

"Hahaha. Okay fine. Di na kita aasarin." Sabi nya.

Inalis ko na ang kamay ko sa mukha ko dahil narinig ko na ang teacher namin.

At nagstart na ang class.

Di ko parin makalimutan ang magandang mata ng crush ko. Hanggang ngayon di ko parin alam ang pangalan nya. Nakakahiya namang magtanong kay Genie baka kung ano pang isipin nito. Haybuhay.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon