Epilouge

9.4K 168 1
                                    

••••
Symon's POV

"Hey.. It's been what? 1 year? At hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala." Sabi ko.

Nandito ako ngayon kung saan siya nawala. Kung saan nangyari ang laban. Kung saan niya ako iniwan.

Sa gubat na 'to nangyari ang lahat. Ang gubat na 'to ang nakasaksi sa nangyari.

"Isang taon, Ellaine.. Isang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngaun? Hindi ko parin matanggap. Sabi mo, kahit anong mangyari ay hindi ka lalayo sa akin. Pero, ano 'tong ginawa mo? Hindi ka lang lumayo.. Nawala ka pa." Sabi ko kahit alam kong hindi na nya ako maririnig.

Di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Hindi na yata mauubos ang mga luha ko.

Sinabi sa akin ni Genie na una palang ay minahal na ako ni Ellaine. Hindi ko lang pala napansin.

"Ellaine! Nasan ka ngayon!? Sumagot ka!" Sigaw ko habang natawa at umiiyak.

Kung may makakakita sa akin dito. Siguradong aakalain nila na baliw na ako.

"Ellaine naman! Joke lang ba ang lahat ng nangyari? Buhay ka ba?"

Para na akong tanga rito. Nababaliw na nga siguro ako.

Aaminin ko na. Noon pa man ay minahal ko na si Ellaine e. Pero hindi pa tama ang panahon noon kaya hindi ko nagawang ipagtapat. Tapos kung kailan naman naipagtapat ko na, saka naman nya ako iniwan.
Ayos lang sana kung iniwan nya lang ako at pumunta ng malayong lugar. Pero iba ang nangyari e. Iniwan nya ako at kahit kailan ay hindi na siya babalik.

Para tuloy akong babae rito habang umiiyak. Wait, let me rephrase it. Humahagulgol pala. Tss.
Para akong bakla.

Pero wala akong pakialam. Gusto ko lang talagang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Bakit ka umiiyak?"

Napatigil ako at tiningnan kung sino ang nasa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko.

"E-ellaine?" Nanginginig na sabi ko sa pangalan nya.

Agad akong tumayo at niyakap siya.
"Ellaine! Nananaginip lang ba ako? Kung ganon, ayaw ko na lang magising." Sabi ko habang yakap parin siya.

"Ah eh, teka lang po kuya. Hindi ko po kilala yung sinasabi nyong Ellaine atsaka hindi ko rin po ikaw kilala." Sabi nya at itinulak ako.

Kumunot ang noo ko.
Hindi ako maaaring magkamali. Siya si Ellaine!

"Ellaine, wag ka namang magbiro ng ganyan!"

Nasasaktan ako ngayon. Bakit sinasabi nyang hindi nya ako kilala?

"Ang pangalan ko po ay Akisha. Lagi po akong napapadaan rito at lagi kitang nakikitang umiiyak at nagsasalita ng mag-isa rito. Kumukuha po kasi ako ng mga kahoy rito sa gubat e." Pagpapaliwanag nya pa.

Tiningnan ko ang kabuuan nya. Lumang damit at lumang short tapos sira pa ang damit nya. Nakatsinelas lang din siya. Pero, hindi nun mababawasan ang gandang mayroon siya.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw si Ellaine, ang babaeng mahal ko at mahal din ako." Sabi ko sa kanya.

"Kuya, kung ako ang tatanungin. Maaari talaga akong mahalin ka dahil mukha namang mabait ka at gwapo pa. Pero hindi ka naman magkakagusto sa mahirap na tulad ko. Kaya imposible yang sinasabi mo. Atsaka, baka magkamukha lang kami nung babaeng mahal mo."

"Mauuna na po ako sa inyo." Sabi nya ulit at naglakad na papaalis.

Napaisip ako. At hindi ko namalayang sinusundan ko na pala siya.

Maya-maya pa ay tumigil sya at tumingin sa likod nya kung saan ay naroon ako.

"Kuya? Sinusundan mo ba ako?" Kunot noong tanong nya.

"G-gusto kong makita kung saan ka nakatira." Sagot ko.

"Naku, kuya! Hindi maganda ang bahay namin." May bahid ng hiya ang salita nya.

"Ayos lang. Gusto ko lang talagang makita." Sabi ko.

Hindi na lang siya nagsalita at naglakad na muli.

Nakarating kami sa isang bahay na kubo.

"Akisha, akala ko ba ay mangunguha ka ng mga kahoy? Ba't wala kang dala?" Tanong ng isang matandang babae kay Ell---Akisha.

"Sorry po lola.. Nakalimutan ko po e. Eto po kasing si kuya.." Sabay turo sa akin. "Ay umiiyak kanina. Kaya nawala sa isip ko." Dugtong nya.

"Ay nako iho. Bakita ka ba umiiyak?" Tanong sa akin ng matanda.

"Dun po kase sa lugar na 'yon. Nawala ang babaeng mahal ko." Sagot ko at tumingin kay Akisha.
Napaiwas naman agad siya ng tingin. Gaya ng ginagawa lagi dati ni Ellaine.

"Ay nako. Ganun ba? Masakit nga ang mawalan ng minamahal. Nawala na rin kase ang asawa ko." Sabi naman ulit nung lola.

"Lola, magsasaing lang po ako ha? Magkuwentuhan muna po kayo ni.. Ahm.. Ano po bang pangalan mo?" Tanong sa akin ni Akisha.

"Symon.." Sagot ko sa kanya.

Nakita kong natigilan siya pero agad rin namang pumasok sa loob ng bahay nila.

Naupo kami ni lola sa kahoy na upuan na meron dito sa labas.

Magkaharap lang kami ni lola.
Inaayos nya yung mga gulay na sa tingin ko ay sitaw.

"Ahm, lola.. Maaari po ba akong magtanong?"

Tumingin sya sa akin.
"Anong itatanong mo iho?"

"Matagal nyo na po bang kasama si Akisha?" Tanong ko.

Itinigil nya ang ginagawa nya at hinarap na ako ng buo.

"Isang taon ko na siyang kasama." Sagot ni lola na nakapagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
"Nakita ko siya sa ulunan ng bundok. Umaga noon at kumukuha ako ng kahoy dahil mag-isa na nga lang ako at namatay ma kase ang asawa ko. Sira-sira ang damit nya at walang malay. Dahil hindi ko naman siya kayang buhatin kaya naman bumalik ako dito sa bahay at kumuha ng makakakain niya kapag nagising siya. Tapos paggising nya, pinakain ko siya. At tinanong ko kung anong pangalan nya pero.. Wala na siyang maalala. Kaya ako na lang ang nagbigay ng pangalan sa kanya." Kuwento ni lola sa akin.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. At unti-unti ring pumatak ang luha ko. Siya nga si Ellaine! Buhay siya! Hindi ko alam kung paanong nangyari ang bagay na 'yon! Pero nagpapasalamat akong buhay siya!
Buhay ang babaeng mahal ko!

"S-salamat po sa pagsagot, Lola. Aalis na po muna ako. Babalik po ako bukas." Sabi ko at tumayo na.

"Aalis ka na agad iho?" Tanong ni lola at tumango lang ako.
"Mag-iingat ka." Bilin pa ni lola.

Ngumiti lang ako.

Kailangan ko 'tong sabihin kina Harry.













The End...

-LonelySilent [AteVam]

••••

Don't worry guys. May special chapter pa po. 😙

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon